Chapter 57

830 23 2
                                    

"Ang dami namang ipinadala ni Hailey," sabi ko noong ipasok ni Shaun 'yong anim na paper bags sa bahay ni Hunter.


Nakaupo ako sa couch at may nakapatong na jacket sa lap ko, hindi ko alam kung bakit nilagyan ako ni Hunter ng jacket sa lap kanina noong bumaba kami rito sa living room.


Napahilamos si Hunter ng palad niya sa mukha niya at kinuha 'yong phone niya na nakapatong sa coffee table kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko. Mukhang si Hailey tinawagan niya dahil pinag-uusapan 'yong dami ng pajamas na dumating.


Napailing na lang ako kay Hunter at umingon kay Shaun. "Thank you sa pagdala ng mga kailangan namin, Shaun," sabi ko at ngumiti sa kanya.


Nilagay ni Hunter 'yong braso niya sa ibabaw ng lap ko habang kausap pa rin si Hailey. Nakakunot 'yong noo niya habang seryoso nakikipag-usap kay Hailey.


Binaba na ni Hunter 'yong phone niya sa coffee table at nagpakawala ng malalim na hininga bago siya tumingin kay Shaun.


"How are they handling the businesses?" seryosong tanong ni Hunter kay Shaun.


"They're handling it well, Sir. Mr. Monreal Dela Sierra is having a hard time with the automobile shop but he said he still has everything under control so you don't need to worry about it right now."


Napailing si Hunter at pinatunog 'yong dila niya. "Give me a daily update about the automobile shop."


Tumango si Shaun. "Yes, Mr. Montagne," sabi niya at nagpaalam na sa amin kaya naiwan na naman kaming dalawa ni Hunter.


Tumayo siya mula sa couch at kinuha na isa-isa 'yong mga bags na dinala ni Shaun. "Let's go back to our room. You can put these in the closet together with your other stuff."


Pinauna niya akong umakyat at sumunod lang siya sa akin habang buhat lahat ng bags. Ibinaba niya 'yong bags sa coffee table sa tapat ng couch at nagpaalam na sa akin na bababa lang siya para magluto ng lunch.


Bago pa ako makapagsabi na tutulong ako, nakaalis na siya ng kwarto. Napailing na lang ako at inayos na 'yong mga pinadala ni Hailey.


Noong matapos ako sa dalawang bags, kumunot 'yong noo ko noong mayroong maliit pa na paper bag sa loob noong pangatlong bag.


Ano naman kaya 'to?


Binuksan ko 'yong bag at mayroong maliit na parang lace sa loob. Kinuha ko 'yon at hindi ko malaman kung ano ba talaga 'yon, mayroon pang isa sa bag kaya inilabas ko rin. Nanlaki 'yong mata ko at naipasok ko ulit sa bag noong ma-realize ko kung ano ang mga 'yon.


Uminit 'yong mukha ko at sinilip ko ulit 'yong bag... Bakit naman see through? Anong point na nagsuot ka ng damit kung kita rin naman?


Umiling ako at ilalagay ko na dapat ulit sa loob ng malaking paper bag 'yong lalagyan ng lace underwear pero napansin ko na may nakadikit na sticky note sa gilid. May handwritten note na nakasulat.

[Career Series #1]: The Unstable ElementsWhere stories live. Discover now