"Kuya naman.." I said and gave him a death glare.

"What?" he acted like he didn't say anything bad.

"Mukha naman siyang hindi manyak, unlike roon sa dati kong tutor na ang tanda-tanda na pero malibog pa rin!"

"I just want him to know and make sure that he will be a cold corpse and that his body will be in a coffin for the rest of his life, plus I will bury him alive if he does something bad to you.." aniya kaya napabuga ako ng hangin.

"Wala namang masama kung sasabihin ko na sa kanya ngayon palang kung ano ang pu-pwedeng mangyari sa kanya, if he tries to lay his hands on you and do bad things to you. At least he is aware of what will happen to him. Dapat malaman niya na hindi lang mga daliri niya ang puputulin ko kapag ginawan ka niya ng masama," mahaba pa niyang sabi.

Umandar na naman ang pagiging protective brother niya sa'kin. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Mas gusto ko pa na maging protective siya sa'kin kaysa sa umakto siya na wala siyang pakialam sa akin.

"Samael, tinatakot mo naman ang private tutor ng kapatid mo. Baka mag-resign ito ng maaga dahil sa'yo, edi wala nang magtuturo rito kay Ilaria." saad ni Manang Aming sa kanya.

Tumaas naman ang kilay ni Kuya, "I didn't scare him and I had no intention of scaring him. I'm just saying what can happen to him if he does something bad to my Ilaria. I just make him choose between life and death." sagot niya sa'min.

Mahina ko lang na siniko si Kuya sa tiyan niya pero hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko. Kahit kailan talaga itong Kuya ko! Infairness, ramdam ng siko ko kung gaano katigas ang abs niya.

Pagak namang natawa si Rosales, "No worries, Mr. Lazarus. Hindi naman ako masamang tao para gawan ng masama si Ilaria na tiyak na hindi mo magugustuhan. I fear for my life. I am here to work and not to die. Gusto ko pa'ng mabuhay para pakasalan ang girlfriend ko 'no!" matapang niyang sagot at muling natawa ng mahina.

I secretly gave him a death glare.

Bakit ba hindi man lang siya natatakot dito sa Kuya Samael ko? Maaaring sa libingan ang kahahantungan niya once na may gawin siyang hindi maganda at hindi magugustuhan nitong Kuya ko. Pero syempre, hindi ko rin mapigilan na palihim na kiligin dahil sa huling sinabi nitong boyfriend ko.

Pakasalan? May plano ba siya na pakasalan ako? Kung oo, pwes hindi ako magda-dalawang isip na pumayag. Aba, nagmamahalan naman kaming dalawa pero gusto ko na tumagal muna ang relasyon namin bilang mag-boyfriend girlfriend.

Hindi rin naman kasi dapat minamadali ang bagay na 'yan. Darating din kami sa ganyang oras kung saan pag-uusapan na namin ang kasal. Marami pa akong pangarap na gustong gawin.

And besides, mas uunahin ko pa munang makaakyat sa stage, magsuot ng toga at makakuha ng diploma bago ko isipin ang pag-martsa papuntang altar, magsuot ng wedding gown at magpalitan ng wedding vows habang sinusuot sa palasingsingan ang aming wedding ring.

Sa ngayon, mas mahalaga pa muna sa akin ang pag-aaral ko at uunahin kong isipin na tapusin ang pag-aaral ko dahil 'yon ang ipinangako ko 'kila Mommy at Daddy nung nabubuhay palang silang dalawa, iyon ang makapagtapos ako sa aking pag-aaral at gawin ko muna ang mga gusto kong gawin bago ko isipin ang pagkakaroon ng pamilya.

Bata pa naman ako, marami pa akong goal na gustong marating at abutin. Lahat ng bagay ay hindi dapat minamadali. Iyon kasi talaga ang pangarap kong mangyari. I have a big dream that I want to achieve. My priority is to finish my studies and what I want to be before I marry the man I love.

"Tsk, mas mabuti kung nagkaka-intindihan tayong dalawa, Mr. Marcello," rinig kong turan ni Kuya Samael kaya tila parang nabalik ako sa reyalidad.

"Just be good and obedient, Mr. Marcello. Try to do something bad and you're fucking dead," anas pa ni Kuya subalit ngiti lang ang isinagot nitong boyfriend ko.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon