Special Chapter- Kumusta?

557 18 2
                                    

Ruki was humming a christmas melody while sticking some adornments on his newly bought christmas tree. The wallmart was crowded with those that came in different colors, so he was kinda swayed to buy. He was so into it when Rei appeared from the kitchen.

"Hey, babe."

He shifted his gaze with a smile.

"Are you on for a long trip?"

Ruki gave a shrug. "Where to? Georgia? Texas?" he asked burying his attention in his chore.

"Philippines."

Hindi napigilan ni Ruki ang mapatigil nang marinig ang sariling bansa. With a concerned look, he asked, "Why?"

"Nah, no need to give me that kind of look. It's just that, mom is having this drama about wanting to see his family, complete. Nakakalimutan na raw natin siya."

"Ka-vi-video call n'yo lang no'ng isang linggo, 'di ba?"

"Yeah, well, you know, she's practically a granny now. Old age syndrome, for sure. So...?"

"Kelan? Gusto mo ba doon tayo magpapasko?"

"Sana. If it's cool for you then I'll file a leave from
work."

"Titingnan ko rin ang schedule ko. Malayo pa naman, May two months pa, I can arrange things at work," saad ni Ruki.

Four years in the States, time flew so fast. Sa loob ng mga taong iyon ay hindi pa sila nakakauwi ni Rei dahil sa unang dalawang taon nila ay literal pa silang nag-a-adjust sa bagong buhay at lugar. They had to settle everything on their own, kahit na sabihing may mga kakilala din naman si Rei doon. USA is all about independence, hindi kagaya ng Pilipinas na kahit sa paghahakot ng mga gamit ay dadagsa ang mga kaibigan para tulungan ka.

Admittedly, nahirapan siya lalo at alam niyang ganoon din si Rei pero fortunately, masasabi niyang stable na sila ngayon.

Home...they are going home, to where their families are. Kung saan marami ang naghihintay at masaya na makita silang muli. Napangiti siya nang maalala ang mga pamangkin lalo na ang bunso ng kaniyang ate. Nasa dalawang taon na marahil iyon. A perfect age to cuddle a child. Mamimili siya ng maraming pasalubong para sa mga ito. Mga laruan at damit din para kay Chinchin.

Ayan tuloy, nasabik na siya.

After 2 months, NAIA

Hawak ang trolley ng mga bagahe, nakatayo si Ruki sa tabi ng baggage carousel, inaabangan ang isa pa nilang maleta.

"Nasa labas na raw si kuya."

Natigilan man sa narinig ay hindi nagpahalata si Ruki sa asawa. Napatingin siya kay Rei.

"Bakit siya nandito?"

"Kinontak ko siya kagabi no'ng naghihintay tayo ng connecting flight sa Qatar. Wala kasi akong mahanap na ibang available para magsundo sa atin."

Puwede naman sana mag-taxi na lang.

"Ah."

"Are you uncomfortable with it?"

"What?"

"Never mind, it was really a stupid question. Of course you are...I'm sorry--"

"It's fine, babe. No need to fuss about it. After all, he was once your beloved kuya. You are a family." Ruki smiled.

Matapos siyang titigan ni Rei sa mga mata para marahil sukatin ang kanyang sensiridad ay ngumiti na rin ito. "I'm glad you understand, but correction, 'we are a family'."

Binanat niya ang mga labi sa isang pilit na ngiti. "Right."

They are all a family now. Parang ang weird pa rin isipin na kasali na siya sa pamilya ng mga Carriega. He's been using that name for years now, but he still couldn't bring himself to embrace the essence behind it. Sa dami ng nangyari sa kanilang dalawa ng kapatid nito, four years is too short to forget. Sa dibdib niya at alaala ay sariwa pa rin ang pakiramdam na naranasan niya sa piling nito. He tried to erase all of his traces but it wasn't that easy. He still needs more time.

Paano niya pakikiharapan ang lalaki? Bakit ngayon niya lang nalaman na magkikita pala kaagad sila pagdating na pagdating sa airport? Hindi man lang siya nagkaroon ng panahon para ihanda ang sarili. Ni hindi pa nga niya magawang banggitin kahit sa isip ang pangalan nito.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa hawakan ng trolley. Napukaw lamang siya sa malalim na pag-iisip nang umuga ang trolley. Nailagay na pala ni Rei ang huling bag na hinintay nila.

"Let's go," anito.

Malayo pa lang ay kita na niya isang pamilyar na bulto na nakatayo sa parking lot. Habang naglalakad sila ni Rei palapit sa nakaparadang itim na pickup ay kahit saan na lang lumilipad ang kanyang paningin. He could not dare look at him, kahit na nga ba naka-eyeglasses siya ng itim--na kanyang isinuot pagkalabas na pagkalabas nila ng gusali. Kung tutuusin, hindi nito malalaman kung nakatingin siya rito, pero hindi pa rin mapakali ang mga mata niya.

"Kuya..." si Rei, magkasabay na nagyakapan ang dalawa.

Tinapik ng una ang balikat ng huli bago siya nilingon.

"Kumusta?" anito sa kanya sa mababang boses na sinagot niya ng isang pilit na ngiti at tango.

"Akin na'ng iba n'yong bagahe at ilagay natin sa likod."

Hindi niya alam kung sino ang kausap nito, si Rei na nagsisimulang isakay ang dalang maleta o siya na may hawak ng trolley.

Sinimulan nitong dalhin ang mga bagahe patungo sa pickup kaya lihim na lamang siyang napabuntong-hininga at pinagtuunan ng pansin ang huling maleta na nakapatong sa trolley. Hinila niya ang hawakan niyon para buhatin ngunit pinigilan siya nito.

"Ako na," anitong akmang aagawin aa kanya ang bag.

"Salamat, kaya ko na 'to."

Medyo may kalakihan ang maleta pero kaya naman talaga niya ang bigat niyon.

"Mukhang mabigat 'yan, ako nang bahala."

"Kaya ko to, 'wag na--"

"Babe, ibigay mo na kay kuya 'yan. Di ba masakit ang ulo mo kanina pa? Mauna ka nang pumasok sa kotse."

Dahil sa sinabi ni Rei ay napilitan siyang bitiwan ang maleta at hinayaang kunin iyon ng kanyang kaharap. Gaya ng utos ni Rei, pumasok na lamang siya sa loob ng sasakyan at doon hinintay ang dalawa.

Nagreklamo nga siya kanina noong bago sila lumapag na masakit ang ulo niya, pero nawala naman na iyon matapos niyang inuman ng gamot.

Mayamaya ay tumabi na sa kanya si Rei, at nagsimula nang umandar ang kotse palayo ng airport.

Ngayon lang ba nila makikita ang kapatid ni Rei, o baka makakasama nila ito ng ilang araw sa mansion ng mga Carriega? Thinking na gusto ng mama ng mga ito na makita na kompleto ang pamilya. Pero kapag ganoon, paano niya ito pakikitunguhan sa mga susunod na araw kung ngayon pa lang ay nalulunod na siya sa pagkaasiwa rito?

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Where stories live. Discover now