"Are you sure?" tanong niya.


Nagpakawala ako ng malalim na hininga at inangat 'yong tingin ko sa kanya. Nakakunot 'yong noo niya at matiim na nakatingin sa akin.


Tumango ako at tumikhim. "Hindi komportable matulog sa couch."


"I can sleep on the floor..."


Umiling ako kaagad. Matigas sa floor at sigurado akong hindi rin siya sanay na hindi sa kama natutulog kagaya ko. "Okay lang talaga... dito ka na lang."


Umawang 'yong labi niya at parang may sasabihin pa pero sinara niya ulit 'yon at tumikhim. "Okay... I'll be back. The bathroom is there, you can do your night routine, I'll just lock the doors and windows." Hinalikan niya ako sa noo at tumungo na sa labas ng kwarto.


Tumayo na rin ako dumiretso sa pinto na tinuro niya kanina. Ginawa ko na 'yong night routine ko pati 'yong skincare ko na ilang araw kong hindi nagawa noong nasa bahay ako ni lolo.


Medyo natagalan ako sa pag-aayos ng sarili ko kaya noong makarating ako sa kama, nakahiga na sa isang side si Hunter. Nakasandal siya sa headboard ng kama at may hawak siyang libro gamit isa niyang kamay at may suot siyang reading glasss habang 'yong isa naman niyang braso ay ginagamit niyang unan.


Medyo basa 'yong buhok niya ata nakasuot na siya ng fitted na sando at gym shorts, hindi kagaya kanina na nakasuot siya ng dress shirt at pants.


Napatingin ako sa braso niya na ginagamit niyang unan, dahil nagfe-flex 'yong arm muscles niya. Kaya hindi na rin talaga ako nagtataka kung maraming pumapansin sa kanya kapag nasa labas kami, kapansin-pansin naman kasi talaga. Hindi naman average 'yong height niya at hindi rin average 'yong body size niya, pwede siyang model...


Tumikhim ako at napaiwas na lang ulit ako ng tingin. Bakit ko naman tinititigan?


Tumingin siya sa akin at tinanggal 'yong salamin niya. Ibinaba na rin niya 'yong libro na hawak niya sa side table. "Let's sleep."


Tumango na lang ako at mabagal na tumungo sa isang side noong bed. Mabilis 'yong tibok ng puso ko habang inaayos ko 'yong pagkakapwesto ko sa kama. Naamoy ko 'yong shower gel ni Hunter dahil sobrang lapit niya sa akin.


Naligo na naman siya kahit ang lamig-lamig na ng panahon... Hindi ba 'to magkakasakit?


Bumaling kaagad sa akin si Hunter at binalot ako ng comforter. "Are you cold?" marahan niyang tanong


Dahan-dahan ako tumango at lumingon sa kanya. "A...ayos lang naman." Pilit akong ngumiti kahit kinakabahan ako na katabi ko siya.


"Are you not comfortable?" tanong niya ulit.


"Hindi lang ako sanay..." sabi ko sa kanya at tumikhim. "Bawal daw 'to, sabi ng mga matatanda."


Tumawa siya nang marahan at niyakap ako. "Don't worry... Nothing's going to happen."


[Career Series #1]: The Unstable ElementsWhere stories live. Discover now