123 (Tula)

0 0 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo,
Isang kakaibang mensahe sa akin ay dumayo,
Sa akin nakapangalan pero 'di alam kung galing kanino,
Isang letrang luma na at may bahid pa ng dugo.

"Maligayang kaarawan," sa akin ay bati nito,
Nagdalawang isip kung bubuksan ko pa ba ito,
Lumipas ang napakaraming segundo at minuto,
Hinintay kumalma ang sarili bago usisiin ang mga nakapaloob rito.

Isang libo't walong daan at pitum pu't tatlo,
Ika-labing anim na araw sa buwan ng Enero,
Ito ang mga petsa na nakalagay rito,
Sulat kamay na naiintindihan pero medyo magulo.

"Ngalan ng aking sarili ay Alab, mahal ko."
"Ako'y namayapa na at tuluyan nang naging multo."
"Taon ay aking hinintay upang masaksihan ang pagkasilang mo."
"At tulad ng napagkasunduan ako'y nagpakita sa pagtungtong mo ng dise-otso."

"Ilang salita ang ating binitawan at ipinangako,
Ngunit sa paglipas ng ating panahon, lahat ay napako."
"Subalit ni isa sa atin ay walang sumuko,
Kahit Pa kapalit nito ay pagdanak ng ating dugo."

"Sa bawat oras at minuto ako ay kasama mo,
Aking pagmamahal sayo ay 'di naging laro,
Aking papatunayan na sayo ako ay seryoso,
Na 'di kailanman sayo ako ay magloloko."

"Kung kaya't mahal ko, ikaw ay akin nang sinusundo,
Iba sa kasalukuyang kinagagawalawan mong mundo,
Ako ang magsisilbing gabay at liwanag mo,
Sundo mo sa kamatayan  papunta sa kabilang paraiso."

Aking nabitawan ang mensahe dahil sa gulat na naramdaman ko,
Isang letra na nagsimula sa matamis na kapaitan ang dulo,
Ako ay napaluhod at isip ay gulong gulo,
Ano ba ang pangako na binitiwan ko?

Bulong ng isang lalaki sa aking tenga ang dahilan upang ako'y mapatayo,
Daig pa ang malamig na hangin kung magpatayo ng aking balahibo,
"Tara na mahal ko, tayo ay magsasama nang pareho,
Sa paraiso kung saan walang pwedeng maghiwalay sa ating tatlo."

Napalingon ako sa aking kaliwa at kanan,
Doon ko nakita sa aking likuran,
Si Alab at Kamatayan,
Kita ang mga ngiting nakakakilabot sa pakiramdam.

ONESHOTS COMPILATION<3Where stories live. Discover now