UNREQUITED LOVE

4 0 0
                                    

》UNREQUITED LOVE《
》starlianchiii43《

"Jaiza?" Agad akong napalingon dahil sa pagtawag ng pangalan ko, boses pa lang alam ko na kung sino iyon. None other than Kane. My boy bestfriend and long time crush.

"Kane? Anong ginagawa mo dito?" Pa inosente kong tanong, alam ko naman kasi kung bakit siya narito. Nandito siya kasi naglagay ako ng anonymous letter sa locker niya kanina.

Masyadong maraming pagkakataon na ang pinalampas ko. This may not seem cool lalo na at ako, isang babae, ang magko-confess.

Masyadong mabigat na sa damdamin, matagal ko na rin siyang gusto. Sapat naman na siguro ang tatlong taon para malaman niya itong nararamdaman ko para  sa kaniya.

"May nagbigay kasi ng letter sa akin kanina. Nilagay doon sa locker ko, kilala mo ba kung sino? Naku talaga."

"Hindi eh, teka, ba't parang worried ka?" Tanong ko sa kaniya saka naman siya napangiti, "May girlfriend na kasi ako, she's a year younger than us. She overthinks most of the time kaya baka 'pag nalaman niya ito ay kung ano ano na naman maisip niya."

Para akong isang salamin na nabasag nang sinabi niya 'yon. "Girlfriend? K-kailan pa?" Pigil luha kong tanong sa kaniya.

Hindi niya ito nahalata dahil bakas ang saya sa mukha ni Kane nang ipakita niya ang isang poster na siya mismo ang may gawa. I know his arts, I know him a lot.

"Second monthsarry na namin ngayon, cheer for me naman," natatawa nitong sabi. Napangiti nalang ako at nagpanggap na masaya.

Nagpanggap, kahit wasak na wasak na.

Ewan ko ba, pero parang mas worse iyon kesa sa rejection. Knowing that he has someone he cares for habang ako yung nasasaktan.

I'm no longer needed in his story, baka maging kontra pa ako nito. But what I said was true, the unsaid confession turn into secrets. Secrets buried deep down. Kaya habang maaga pa, confess already. Baka sooner or later, that love would be unrequited.

˚ ༘Open for criticism ༘˚
˚ ༘Plagiarism is a Crime ༘˚
͜͡➸Dedicated to

ONESHOTS COMPILATION<3Onde histórias criam vida. Descubra agora