Babala

28 1 0
                                    

Ang kanilang pinuntahang destinasyon ay isang maliit na nayon  na matatagpuan sa gitna ng disyerto. Isang lugar kung saan ang mala-gintong buhangin ay tanaw kahit saan. Isang lugar na ang tirik ng sikat araw ay labis na nararamdaman.

"Talya, umalis na tayo dito, grabe ang init!" Daing ni Allison sa kaibigan. "Anong ibig mong sabihin? Maganda naman manatili dito nang pansamantala kahit pa mainit at isa pa, hindi ka ba nakikinig? Anim na oras ang byahe papuntang bayan. Mas magandang makapagpahinga muna tayo bago tayo magpatuloy, aba maawa ka naman kay Dion."

"Tara na nga at pumasok, gusto ko na matulog," ani naman ni Dave na noon ay humikab pa dahil sa antok. "O siya, Tara na, kami na ni Sakira ang bahala sa mga gamit dito," sumbat naman ni Yienz sa mga kasama.

"Huwag lang kayo magtagal sa labas, baka maaga kayong mawala," usal ng isang matandang babae na noon ay sumalubong sa kanila. "Bakit naman po Lola?" Usisa ni Allison sa matandang babaeng sumusuporta sa tungkod na hawak.

"Sabihin na lang natin na ang lugar na ito ay isinumpa ng Bathala, delikadong manatili sa labas kapag gabi, kunin niyo na lamang ang mga mahahalagang gamit at pumaloob na kayo sa tahanang mapagtutuluyan ninyo sa magdamag," sagot nito saka iniwan ang mga dayuhang pumunta sa nayon.

"Bakit hindi pa diretsuhin? Nako, sige na, kunin niyo na yung mga gamit natin," saad ni Talya saka kinuha ang bag nito. "Sumunod nalang tayo kay Lola, Dion, paabot nga yung bag ko diyan," pakiusap ni Sakira sa kaibigan na siya namang nasunod agad.

Matapos nilang kunin ang mga mahahalagang gamit ay pumasok na sila sa isang bahay na ni hindi nila alam kung saan ginawa o anong mga kagamitan ang ginamit para matayo yaong tahanan.

"Pagbati, ngayon na nakapasok na kayo dito sa aming tahanan ay hindi na namin kayo mahahayaang makalabas muli hanggang hindi pa sumisikat ang haring araw," panimula nang isang batang babae.

"Ang gulo ninyo, ano ba ang mangyayari sa amin kapag lumabas kami ngayong gabi?" Pero imbis na sagutin ang kanilang tanong ay ngumiti lamang ang batang babae at pumunta sa kusina.

"Handa na ang hapunan, maaari na kayong kumain." tawag niya sa lima. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan na para bang nagdadalawang isip.

Napagtanto naman ng batang babae ang iniisip ng magkakaibigan dahilan para kumuha siya nang pagkaing para sa sarili niya, "Huwag kayong mag-alala at walang lason iyang pagkain na aking hinanda. Sasabayan ko kayo ngayong hapunan."

Napabuntong hininga naman ang magkakaibigan at isa-isang kumuha ng kani-kanilang mga pagkain at saka sinimulang maghapunan.

Naunang natapos ang batang babae at saka naman sumunod ang bawat isa, matapos hugasan ng batang babae ang pinggan at iba pang kagamitang ginamit sa hapag kainan ay nagbabala itong muli.

"Paalala lang, huwag kayo lumabas. Maaari niyong gawin ang gusto ninyong gawin sa loob ng bahay na ito. Magnakaw man o manira ng bagay ay maaaring gawin basta ay hindi kayo lalabas sa bubong na ito, magandang gabi."

Matapos niya sabihin iyon ay pumasok siya sa isang kwarto. Namuo naman ang nakabibinging katahimikan sa magkakaibigan.

"Naku! Hindi ko na alam ang gagawin! Ano ba kasi ang mangyayari kapag lumabas tayo?" Nanggigigil na basag ni Talya sa katahimikan. "Mas mabuti nang konti lang ang alam natin, at mas mabuti na ding sumunod,"  tugon ni Sakira.

"May punto si Sakira, maglaro na muna tayo ng baraha hanggang sa antukin tayo," aya ni Dion sa mga kaibigan na siya namang ikinasundo ng lahat.

Salitan ang nangyari dahil sa apat lang na manlalaro ang kailangan at lima naman silang maglalaro. "Paano ba yan, Allison, natalo ka na naman," natatawang kutya ni Dion sa dalaga. "Magaganda lang talaga ang mga baraha na nakukuha ninyo," sumbat nito sa lalaki dahilan para matawa sila.

Pero sa kalagitnaan ng kasiyahan ay may narinig silang malakas na sigaw mula sa labas, akmang bubuksan pa ni Talya ang pinto nang umalingawngaw ang sigaw ng batang babae, "Huwag!"

"Maaari ninyong buksan ang bintana pero huwag ninyong buksan ang pinto!"

Mabilis na binuksan ni Yienz ang bintana, nasaksihan nilang lima ang grupo ng magkakaibigan na nasa labas. Malakas ang sigawan nilang lahat na nasa labas na tila ba nasasaktan sa bawat dampi ng ulan.

"Umuulan? Bakit umuulan sa disyerto?" Tanong ni Sakira. Nanlaki na lamang ang kanilang mga mata nang bumulagta ang magkakaibigan, hindi sila pwedeng magkamali sa pulang likidong lumalabas mula sa kanilang katawan.

"Hindi niyo ba sila tutulungan?!" Hiyaw ni Talya sa bata. "Wala kaming magagawa, nabalaan na silang huwag na huwag lalabas."

"Ano ba ang nangyayari dito?! B-bakit ganun nalang sila kung sumigaw? Nauulanan lang naman sila-"

"Hindi iyon normal na ulan kundi isang ńaķàmàmàťàý na ulan asido. Umuulan ng asido sa nayong ito pagkagat ng dilim, dahilan para balaan namin ang mga dayo. Pero hindi sila sumusunod dahilan para mangyari ito." Paliwanag ng batang babae saka isinara ang bintana.

"Bukas na bukas din ay umalis na kayo rito, kung ayaw niyong maging isa sa mga taong iyon."

ONESHOTS COMPILATION<3Where stories live. Discover now