Kabanata 10

376 6 0
                                    

Malcolm's Point of View:

Bumuntong hininga ako at agad na tingnan ang magagandang tanawin na nasa harapan ko habang umiinom ng wine. Adelaide didn't come with me instead, she ran away with Alisha when Alisha came to her cabin. I know nabigla s'ya sa ginawa ko ngunit maging ako ay ganun rin. I didn't mean to break her phone but I know for sure that she is in danger. Pagkatapos ng meeting namin sa headquarters nagkaroon kami ng lead tungkol sa kinikilalang mafia boss. 

Adelaide is the first suspect. Her auntie, uncle, and the event organizer. 

"Sinabi ko na sa 'yo na delikado ang babaeng 'yan, Malcolm. Ngayon na nalaman na natin ang mga malalapit na tao kay Andrius ay kailangan na nating mag doble ingat sa lahat ng kilos natin," sabi ni Althea. "Hindi natin sigurado kung totoo ba ang pinapakita sa atin ng babaeng 'yan o baka naman, alam niya ng pulis ka."

Umiling ako. "She didn't know my work. Ang alam niya lang ay ang pangalan ko bukod doon, wala na."

"So what are your plans?" tanong ni Zeraphine. "Are you going to put her in jail after the mafia boss?"

I remained silent and didn't give a short answer or a glance. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang mga tao sa ibaba. Hindi ko rin alam ang gagawin ko at wala rin akong ideya sa kung paano ang buhay ni Adelaide sa asawa niya. I just want to know more information about her and her husband. 

"We need to gather information about her living with her husband. Kailangan nating maayos agad 'to sa lalong madaling panahon. Sa tagal nating hinahanap ang pumatay sa fiancè mo, si Adelaide lang ang may kayang papuntahin si Andrius dito sa lugar na 'to," sabi ni Althea. 

Dumating ang hapon ay nakita ko si Adelaide sa tapat ng dagat. Nakatingin lang s'ya doon habang hawak ang isang buko juice. Marahan akong naglalakad papunta doon at sabay naming pinagmasdan ang palubog na araw. 

"Hanggang kailan mo ako iiwasan?" tanong ko. 

"Hangga't k-kaya ko," sagot niya sa mahinang boses. 

Ngumisi ako. "Sa tingin mo ba hahayaan kong iwasan mo ako? Remember, we made love, Adelaide. I'm your first."

"Basehan ba ang pagkuha ng virginity? Hindi tayo magkakilala, Malcolm. Ilang araw lang tayong nagkakilala," mariin na sagot niya. 

I looked at her and she looked at me. Ngayon ko lang napansin ang mga pasa sa katawan niya na ngayon ay nakikita ko. Madalas ay nakasuot s'ya ng jogging pants or leggings. She is always wearing a hoodie or a jacket na para bang may tinatago s'ya. 

"W-what happened to your skin?" tanong ko, nag-aalala na napatingin sa kanya. 

She froze and hid her skin. "Ah, wala 'to. Mainit kasi, sensitive ang balat ko."

Mariin akong napatingin sa kanya na tinatakpan ang kanyang katawan dahil nakasuot s'ya ngayon ng muscle tee sando na kita ang magkabilang braso. Tinignan ko pababa ang leeg niya papunta sa kanyang braso. Ang iba doon ay kalmot, gasgas, at tuyong sugat. 

I looked at her. 

"Really?" malamig na tanong ko. "Iba ang sensitive na balat sa maraming sugat ang balat."

"S-sensitive ang balat ko…konting araw lang ay namumula. Naiirita ako kapag ganon kaya…nakakalmot ko," paliwanag niya. 

I nodded my head and looked at her who was avoiding my gaze. Ramdam kong kinakabahan s'ya at malikot ang mga mata niya tanda ng nagsisinungaling s'ya. Tumikhim ako at binalik sa dagat ang paningin ko bago ko naisipan na magtanong tungkol sa asawa niya. 

"Ilang years na kayong kasal?" tanong ko. 

"Mag-iisang taon," sagot niya. 

Tumango ako. "Kilala mo ba talaga ang asawa mo? The way he is treating you?"

Tumikhim s'ya kaya napatingin ako sa kanya. "M-maayos naman. Mabait naman ang asawa ko madalas ay nasa trabaho lang s'ya at ako ang naiiwan sa bahay."

Nagtagis ang panga ko at mariin ang hawak sa beer na nasa kamay ko. Lumunok ako at tinignan s'yang nakatingin sa dagat habang mariin ang hawak sa buko juice na iniinom niya kanina. I nodded my head and smirked sarcastically. If she only knew that I'm a police officer, ano kaya ang gagawin niya? Will she hide her husband? Ano kaya ang mga sasabihin niya? Huminga ako nang malalim at napailing. I don't want to see her in jail like her husband. 

"Really? Did you really know your husband too well or you're just pretending that he's a good husband where in fact, he's not," malamig na sabi ko. 

"A-ano bang sinasabi mo?" tanong niya. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mata niya. "Mabait…ang asawa ko. Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Because I know your husband more than you know him," sagot ko. 

I looked at her eyes and she seemed so scared. That's right, matakot ka. Gusto kong matakot ka at mailabas mo ang mga impormasyon na kailangan ko. Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim bago s'ya inaya papunta sa coffee shop na pinatayo ni Miss Adalynn. 

"Pupunta ka rin?" mahinang tanong niya. 

"Yes," sagot ko. 

Nakarating kami sa coffee shop at agad naming nakita ang mga kaibigan ko. They looked at Adelaide who was roaming around using her eyes. Puro painting ang nandito at may gitara pang nakasabit sa pader. We sat down and my brow raised when I saw Sev with Alisha. 

"Adelaide! Nandito ka lang pala," nakasimangot na sabi ni Alisha. Napatingin s'ya sa akin "Oh, hi officer."

"O-officer?" tanong ni Adelaide at tinignan ako. 

"Uh, ganyan talaga ang tawag ko sa kanya," natatawang sabi ni Alisha. "May kamukha kasi s'ya—upo na lang ako 'no."

Napa buntong hininga na lang ako at agad na dumating si Miss Adalynn. Hawak ko rin ang kaso niya tungkol sa nawawala niyang anak na hindi na niya nakita sa ampunan. She thought that it was her daughter who was killed by some men during a car accident at hanggang ngayon, umaasa pa rin s'yang makikita niya ito. Tinignan ko si Miss Adalynn at Adelaide and somehow, nakikita ko ang comparison nilang dalawa. 

They have the same color skin, eyes, and lips. The way Adelaide moves, it resembles Miss Adalynn. What if?

"Hija, saan mo nakuha ang peklat na nasa noo mo?" biglang tanong ni Miss Adalynn. 

Napahawak naman si Adelaide sa noo niya habang kami ay napatingin naman doon. Kumunot ang noo ko dahil doon. This is the first time I saw it dahil ang kulay nito ay kakulay ng balat niya, brown. 

"Sa memorya ko po…nahulog po ako sa hagdanan dahil tinulak ako ng pinsan ko. Bata pa lang po ako ay nandyan na 'yan e, sakto po na tumama sa matulis na bagay kaya nagkaroon ng peklat," natatawang sabi ni Adelaide. 

But Miss Adalynn remained silent. She looked at Adelaide with a teary eye. She looked at me and I looked at her too. 

"Uh, kilala mo ba si Aya? Aya Santiago?" nanginig ang boses ni Miss Adalynn. 

"Tita ko po…bakit?" kinakabahan na sagot ni Adelaide. 

We all remained silent, lalo na ako. Tinignan ako ni Miss Adalynn at nabasa ko kaagad ang nasa isip niya. 

Adelaide is her long lost daughter.

Isla Haraya: Adelaide Where stories live. Discover now