"Mabuti pa nga, baka magmukha pa akong haggard paggising ko bukas," biro ko na ikinatawa niya. Nakakahiya rin naman kasi talaga kapag humarap ako sa private tutor ko bukas tapos may hangover ako.

Hindi na namin pinatapos ni Kuya Samael yung pinapanood namin. Tumayo na siya at siya na rin ang nagpatay ng TV. Akma na rin sana akong tatayo nang makaramdam ako ng hilo kaya napaupo ulit ako sa sofa. Marahil ay naparami ang nainom kong alak kaya nakaramdam ako ng hilo. Jusko! Sana lang talaga ay hindi ako magka-hangover nito.

Kuya Samael laughed at me, maybe he saw that I couldn't stand properly. Inirapan ko tuloy siya. Nakita naman niyang medyo nahihilo na ako rito at hindi na rin ako makatayo ng maayos dahil sa medyo may tama na ako ng alak, tapos tatawanan pa niya ako. Aba'y ang galing! Kung hindi lang talaga ako nahihilo rito ay baka natadyakan ko na siya. Pasalamat siya ay Kuya ko siya at pogi pa siya.

"Tsk, talagang tinawanan pa ako.." parang bata kong bulong subalit sapat na siguro iyon para marinig pa rin niya ang sinabi ko dahil muli siyang natawa at napailing-iling pa siya ng kanyang ulo.

"Huwag ka ng tumayo, bubuhatin na lang kita," Ani Kuya.

Hindi na ako nagsalita pa nang lapitan na niya ako at walang alinlangan na binuhat na pang-bridal style. Alam ko sa sarili ko na may kabigatan ako pero ni hindi man lang nahirapan si Kuya Samael nang buhatin niya ako.

"Thanks, Kuya.." tangi kong nasambit.

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"You're always welcome, amore mio."

Ngumiti na lang din ako. Mabuti na lang ay nandito si Kuya Samael. At least hindi ako mahihirapan nito na umakyat sa kwarto ko. Baka nga gumagapang na ako ngayon sa hagdanan para lang makarating lang ako sa kwarto ko dulot na rin sa nainom kong alak.

Kung bakit ba kasi ang lakas ng loob ko na uminom ng red wine kung mahina naman ang alcohol tolerance ko. Well, ngayon lang naman ulit ako uminom ng alak dahil hindi naman talaga ako pala-inom. I'm glad na nandito si Kuya at may taga-buhat ako.

Pinulupot ko lang ang braso ko sa leeg ni Kuya bago ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Inaantok kong ipinikit ang mata ko hanggang sa naramdaman ko na lang na naglakad na si Kuya Samael patungo sa kwarto ko. Antok na antok na talaga ako, para akong dinuduyan.

Ni hindi ko nga alam kung ilang minuto na ba ang lumipas, napadilat na lang ako nang maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Doon ko lang napagtantong nandito na pala ako sa kwarto ko at naihiga na ako ni Kuya sa kama ko.

"Sleep well, amore mio. Good night," nakangiting turan ni Kuya sa akin at akma na sana siyang aalis nang hawakan ko ang kanyang kamay.

"Can you please stay here until I fall asleep?" parang bata kong pakiusap kay Kuya.

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil sa antok. Wala naman sigurong masama kung mag-stay muna si Kuya dito sa kwarto ko hanggang sa makatulog ako. Ginagawa rin naman niya ito noon sa akin, ang mag-stay muna rito sa tabi ko hanggang sa makatulog ako. Minsan ay siya pa itong nagpapatulog sa akin. Marahil ay ganito lang talaga kami ka-close ni Kuya Samael at mahilig din akong manlambing sa kanya.

"Okay, fine." nakangiting sagot ni Kuya Samael sa'kin.

Natuwa naman ako dahil hindi siya nagdalawang-isip na pumayag sa gusto ko. At saka hindi rin naman niya ako matitiis. He turned off the light switch causing the fluorescent light hanging from the ceiling to dim. Nang mapatay na niya ang ilaw ay saka niya sinara ang pinto at lumapit sa aking gawi. May kaonting liwanag pa rin naman dito sa kwarto ko dahil hinayaan lang niya na nakasindi ang lampshade ko na nakapatong lang sa bedside table.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon