11

503 13 3
                                    


11. Advance.


Someone removed my headset from my ears. "Rhyna!" Pantawag ni Nahtyel pero hindi ko siya pinansin. Umupo siya sa tabi ko at sumimangot sa harapan ko.



Nakakunot ang noo ko siyang pinagmasdan at nilagay ang phone ko sa desk. "Bakit?"



Ngumisi siya. "Alam ko na yung  wish ko dahil natalo kita dun sa quiz."





Ako naman ang napasimangot ngayong naalala ko. "Ano?"



Inilapit niya ang upuan sa upuan ko. Iisang desk lang kasi. Inilagay niya sa likod ng tainga ko ang mga nakatakas na buhok mula sa pagkakapusod ng buhok ko. "Liligawan kita." He blurted out.



Bigla akong nasamid kahit wala naman akong kinakain. Naubos ako kaya napatingin ang iba naming mga kaklase pero as usual, ako lang nanaman ang may pakialam dahil kaagad niyang tinapik ang likod ko habang ako ay hinahanap ko ang tumbler ko.



Ni hindi pa nga sila nagmove on sa ginawa niyang pagnanakaw ng halik tapos bigla nanaman siyang ganyan magsalita?! By the way, nakaperfect kami doon pero asar naman ang naging kapalit dahil pati si Mrs. Jones nakisali na din. Ugh!



Sinisilip niya ang mukha ko na pilit nilalayo sa kanya."Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong habang hinahaplos ang likod ko.



Lumayo ako ng konti para nakailag sa hawak niya. Uminom ako ng tubig para kalmahin ang sarili ko. Sinarado ko ang tumbler ko at nang nag-angat ako ng tingin ay sinalubong ako ng nag-aalala niyang abong mga mata. "O-Okay lang nga ako." Tinulak ko siya ng bahagya. "Huwag ka ngang OA."



Magsasalita pa sana siya pero biglang pumasok iyongsusunod na teacher namin kaya ngymuso siya sa akin. I chuckled a bit. Huminto ako sa pagtawa nang marealize ko iyon. "What? Go back!" Pantataboy ko.



Mas ngumuso lang  siya at ayaw bumalik sa pwesto. "Balik ka na, utos ko 'to as your class president." Inirapan niya lang ako habang mahaba ang nguso at wala ng nagawa kung hindi bumalik sa pwesto niya. This was our last subject and I really don't wanna go home. I like it better at school because it's lonely at home.



Nang uwian na ay kasali ako sa cleaners. I don't mind dahil sanay naman akong maglinis. Noong first day medyo gabi na kami nakauwi dahil may program pa pero ngayon normal classes na so four pm ang labasan.




Pagkatapos naming maglinis ay nauna na silang umalis. Dahil inayos ko muna iyong strap nung bag ko. Nagulo kasi sa pag kaka adjust kaya inayos ko muna kaya na iwan akong mag isa.





When I stepped out of the room napatalon ako sa gulat. "Anak ng jellyfish!!" Tili ko at kaagad na hinampas si Nahtyel sa dibdib. "Ano ba?! Hina-high blood mo na nga 'ko araw-araw, tapos balak mo naman ngayon bigyan ako ng heart attack?! You'll be the death of me, seriously." I hissed.




He pursed his lips. "Sorry..." Mahina aniyang saad at kinuha ang bag ko na nakasabit sa balikat ko.

Leaving To Stay [UNDER EDITING]Where stories live. Discover now