Ganun lang ba kadaling sabihin yon?

"Hindi ko alam la ,pagdating siguro kay Daddy parang nag iibang tao ako. Pagdating sa kanya ,wala sa ugali ko ang magpatawad kaya di ko masasabi kung mahahanap ko ang kapatawaran sa puso ko."

Di ko na tinapos ang breakfast dahil nawalan na ako ng gana sa mga pag uusap namin ni Lola Jacky. Di ko pa kaya...di ko pa tanggap ang lahat kaya di nila pwede sabihin sa akin na mahahanap ko ang kapatawaran sa puso ko kung hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ako kay Daddy.

Pumasok na kaming dalawa ni Bryle sa campus. Buong biyahe palagi niya akong tinatanong kung ayos lang ba ako dahil parang nahalata niya na tahimik ako kaya umiling ako para tumigil na siya kakatanong sa akin dahil di talaga siya titigil kapag di ako sumagot.

"Goodluck on your exam babe ,"Bryle said with a cheerful smile.

I smiled ,"Ikaw rin. Goodluck."

This is the first day of our final exam so he picked me up early so we wouldn't be late. Yesterday, Bryle and I reviewed together for our final exam, we even thought of Starbucks as a place to review because it's quiet and we can really focus on reviewing properly.

"I will. Top 1 ako sa klase kaya siguradong pasado na ako ,"he chuckled.

"Ang yabang..."

"Sige na ,pumasok ka na. Baka dumating na si Sir. Canlas."he smiled to me.

"Okay.."I said softly. Before he letting me go—he quickly kissed my lips. Natulala pa nga ako dahil sa ginawa niya ,nagpaalam na siya sa akin saka siya tumalikod na sa akin.

Ang hilig magnakaw ng halik!

Pumasok na ako sa room dahil para di na ako maabutan ni Sir Canlas sa labas. Naka one seat apart na yung mga upuan kaya nung nasa upuan na ako ay dinaldal na agad ako ni Kevin. Wala namang ka-kwenta kwenta mga pinagsasabi sa akin ni Kevin kaya di ko siya pinansin dahil bagkus ay nagreview ulit ako sa subject na naka schedule ngayon.

Di na niya ako dinaldal dahil lumipat siya ng upuan sa harapan para makipag daldalan sa mga kaibigan niya doon. Di ko nga alam kung nakapagreview na siya ngayon dahil mas inaatupag niya makipag daldal sa mga classmate namin.

Di ko na lang siya pinansin dahil focus ko ngayon magreview bago pa man dumating si Sir Canlas. Makalipas na 15 minutes ay dumating na si Sir Canlas kaya mga classmate ko ay nagsibalik sa mga upuan nila. Nagkaroon pa ng kaunting announce bago magsimula ang first day exam.

Habang sinasagot ko ang exam ay biglang sumakit ang ulo ko dahil sa hirap ng exam. Yung iba ay hindi naman naturo ng teacher pero nandito sa test kaya no choice ako kundi sagutan yon kahit di ko alam! Thankfully ,natapos ang first day exam kaya nakahinga na ako ng maluwag. Although ,nagchecking agad kami at nasatisfied naman ako sa score ko dahil nasa line of 4 naman lahat.

Nadidissapoint kasi ako kapag mababa ako lalo na sa exam dahil top 1 ako ng Grade 12 ABM at ayokong magkaroon ng mababang score dahil halos lahat ng mga teacher ko ay malaki ang expectation dahil nga Top one ako ng buong ABM strand.

Di nga malaki ang expectation ni Mommy sa akin pagdating sa acads pero sa school ay may mga teacher ako na malaki ang expectation pagdating sa akin dahil top one ako.

"How's your exam?"tanong sa akin ni Bryle habang naghihintay kami ng masasakyan.

"Okay naman ,mataas naman ang score ko kaya nasatisfied ako. How about you?"tanong ko sa kanya.

He sighed heavily ,"Okay lang naman. Medyo nahihirapan lang ako sa GenBio dahil may nasali doon na di naman naturo ng teacher namin."

"Okay naman?"

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now