Chapter 27

43 2 0
                                    

Chapter 27

Tapos na ang christmas break. Kaya nang makabalik na ang mga kaklase ko sa classroom ay rinig na rinig ko ang pagrereklamo nila na hindi pa sulit ang christmas break nila. Na parang di pa sila ready pumasok sa school.

Tahimik ako nagbabasa ng libro habang wala pang teacher na dumadating. Hinayaan ko na lang ang mga kaklase ko na mag ingay dahil pag sinuway ko naman sila ay di naman sila makikinig sa akin.

So ,sayang lang ang pagsigaw ko kung di rin naman sila makikinig sa akin.

Nang dumating si Kevin ay binati ako ng malakas kaya yung mga kaklase ko ay napatingin sa kanya-kahit si Isabelle na abala sa pagmamake up ay napatingin din sa kanya dahil sa lakas ng boses niya.

"You're so noisy!"iritang sabi ko sa kanya ,"Ganyan ka ba bumati sa akin? na akala mo ang tagal natin hindi nagkita!"

Mygod! ganda ganda na ng scene na binabasa ko tapos narinig ko lang boses ni Kevin!

"Eh pasensya na sa naging asal ko Gallianna ,"sabi niya saka siya umupo sa tabi ko ,"Namiss kasi kita mahigit 2 weeks or 3 weeks kita hindi nakita syempre dahil nag christmas break!"

I rolled my eyes. Hindi halata sa kanya na miss na miss niya ako!

"Okay."tipid na sabi ko saka ibinalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko. Nasa chapter 10 na ako kaya abalang abala talaga ako para intindihin basahin 'to.

Di ako mahilig magbasa ng romance story pero sinubukan ko 'to dahil ito ang regalo sa akin ni Bryle nung new year. Sayang naman kung di ko babasahin! Di ko din alam kung anong trip ni Bryle para regaluhan ako ng libro.

"Nga pala ,nakita ko yung post ni Bryle. Kasama mo pala siya nung pasko at bagong taon?"sabi ni Kevin kaya napatigil ako sa pagbabasa at tinignan ko siya ,"Kahit christmas break magkasama pa rin kayo."

"Of course ,he's my boyfriend. Alangan namang ikaw ang kasama ko sa pasko at bagong taon eh di naman kita boyfriend."pambabara ko sa kanya at mukhang di siya makapagsalita sa pambabara ko.

Sa christmas break ay talagang magkasama kami ni Bryle. Kinuha ko na rin ang chance na yun dahil yun lang ang quality time naming dalawa. Kasi alam ko kapag bumalik na ang klase ay magiging busy na kaming dalawa. Lalo na't maraming events sa month ng january ,kaya sinulit ko na ang panahon na maging free si Bryle.

"Ang sakit mo naman magsalita par ,"napahawak pa siya sa dibdib niya na parang nasaktan siya sa sinabi ko ,"Gusto ko lang sabihin sayo. Grabe ka talaga sa akin!"

"I'm just joking ,"I smiled ,"Baka umiyak ka pa diyan ,kasalanan ko pa. You're my bestfriend after all."

Tinuring ko na kaibigan si Kevin dahil siya na ang seatmate ko ngayon. Nawalan man ako ng kinasanayan kong kaibigan ay siya naman ang pumalit kaya okay na ako dahil naniniwala ako sa kanya na totoo ang pakikipag kaibigan niya sa akin.

"Na-touch naman ako ,"he pouted then I chuckled ,"Gusto sana kita yakapin ng mahigpit kaso nga lang baka may kumuha ng litrato satin dito! Baka ipagkalat pa na may relasyon tayong dalawa!"

Natawa ako sa sinabi niya. Well ,totoo naman baka may kumalat dito at baka sabihing niloloko ko si Bryle. Ma-issue pa naman ang mga estudyante dito.

"No hugging Kevin ,lagot ka kay Bryle kapag niyakap mo ako."sabi ko sa kanya at yumuko siya.

Sinabi na sa akin ni Bryle na wag ako makikipag yakapan sa lalaki dahil magagalit siya sa akin kapag may nabalitaan siyang may niyayakap akong lalaki.

This is our first rule.

Calming The Wild Heart  ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن