Chapter 31

38 2 0
                                    

Chapter 31

When the class ended, I thought of messaging Davin on my messenger to say that I intend to meet with him about the important thing I have to say and he agreed. But first, I messaged Bryle that I will meet Davin today so he knows where I'm going after class. And he agreed as long as I went home immediately after Davin and I finished talking.

Sinabi ko na kay Davin na hintayin ko na lang siya sa starbucks na malapit din naman sa MSU. Ayokong malaman ng ibang estudyante ng MSU na nakikipag meet up ako kay Davin. Isa siyang sikat na basketball player at kapag nalaman ng mga estudyante na sabay kaming dalawa baka ma-issue kami na wala sa oras.

Mga chismosa pa naman mga estudyante ngayon!

Nang makapasok na nga ako sa starbucks ay naghanap agad ako ng pwede naming mauupuan. Thankfully ,kokonti lang mga tao sa starbucks kaya di gaano maingay ang loob ng starbucks. Madalas kasi kapag dumog 'to ay di ka makakafocus sa ginagawa mo dito kapag may mga junior high or senior high na estudyante na pumasok dito dahil sila ang pasimuno ng ingay kaya buti na lang at wala gaanong estudyante ngayon.

Bago muna lahat ,pumunta ako ng counter para mamili ng order. Dalawang frappe ang inorder ko dito dahil ang isa para kay Davin. Sabi niya kasi sa convo namin ay papunta na siya ng starbucks dahil nagpaalam pa daw siya sa mga kaibigan niya.

Naiserve na ang frappe na inorder ko at sakto rin namang dumating na rin si Davin. Nakita rin naman niya agad ako kaya kinawayan na niya ako. Nang makalapit na siya sa akin ay ginawaran niya ako ng malaking ngiti.

"Gallianna..."

"Take a seat."I smiled.

Umupo na rin si Davin sa tapat ko. Habang tinitigan ko siya ay mas lalo siyang gumwapo at mas naging matured pa lalo. Sa gwapong taglay ni Davin ,halos maraming mga babae ang gusto siyang malapitan but unfortunately siya mismo ang lumalayo sa mga babae. Kaya ako naghihinayang kay Isabelle dahil loyal si Davin sa kanya pero iniwan niya na lang nang dahil lang kay Chevy.

Sa mundong ito ,kokonti na lang ang mga lalaking matino pero sinasayang lang ng ibang babae.

Sayang ang 5 years nila.

"Ano nga pala ang pag uusapan natin?"natauhan na lang ako na bigla siyang magsalita sa harap ko.

"About that ,"I sighed heavily ,"Gusto ko sana humingi ng tawad sayo."

His eyebrow furrowed ,"Huh? bakit ka nagsosorry?"

Wala naman sa itsura niya na galit siya sa akin pero gusto ko pa rin magsorry sa kanya at ipaliwanag ang side ko. Gusto ko linisin ang pangalan ko sa kabila ng issue na kumalat kay Isabelle.

"Dahil kay Isabelle ,"sagot ko sa kanya ,"Alam mo naman ang tungkol sa kumakalat na issue ni Isabelle diba?"

"Y-yes."

"Kaya gusto kitang makausap para humingi sorry sayo at gusto ko din ipaliwanag ang side ko."I formally said ,"Kita ako sa video at inaamin kong alam ko na magkarelasyon sila ni Chevy—but nalaman ko na lang yun pagkatapos kitang kausapin tungkol sa break up niyong dalawa. And I swear ,hindi ko alam na niloloko ka na pala ni Isabelle."

Gusto ko lang malaman niya na di ako kasabwat sa panloloko ni Isabelle sa kanya!

"I know na may kasalanan pa rin ako dahil tinago ko ang pinakatagong lihim ni Isabelle. Pero....ginawa ko yun dahil ayoko lang na madawit ang pangalan ko sa magiging issue ni Isabelle kapag kumalat tungkol sa kanilang dalawa ni Chevy."I clicked my tongue ,"But nadamay pa rin ako sa issue nila dahil sa video clip na pinakalat ng stalker ni Kersley. Nang dahil doon ,sinugod ako ni Isabelle nang dahilan ng muntik kong pagkamatay."

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now