Chapter 17

39 2 0
                                    

Chapter 17

Madalas na akong hatid sundo ni Bryle kaya mas lalong kumalat sa MSU na nagdadate na nga kaming dalawa. Kada dumadaan kami ni Bryle sa hallway ay wala ng bumabating babae sa kanya na kadalasan binabati s'ya kapag dumadaan s'ya sa hallway na mag isa.

Pansin ko rin na iniiwasan ako ng mga babae kapag nagtatama ang mata nila sa akin. Well ,wala naman akong pakialam kung umiwas man sila sa akin o hindi.

Speaking of Isabelle ,simula nung malaman n'ya ang tungkol saming dalawa ni Bryle ay iniiwasan na rin n'ya ako. Lumipat silang tatlo sa upuan sa likod para di kami magkausap. Di ko na rin naman pinilit ang sarili ko dahil di ko ugaling magmakaawa para mag-stay lang sila sa tabi ko.

Kung ayaw nila ,di ko sila pipilitin.

"Ayaw mo ba talaga akong papuntahin sa room mo?"Bryle asked me while we're walking the hallway the ABM building.

Nilingon ko s'ya ,"Hindi na kailangan. Kahit dito mo na ako iwanan."

"Sure ka?"his eyebrow furrowed.

I nodded ,"Oo ,ma-late ka pa sa klase mo. Ako na mag isa pupunta sa room ko okay?"

Tumango s'ya kaya marahan ko s'yang hinalikan sa pisngi n'ya kaya parang naestatwa s'ya sa kinatatayuan n'ya.

"Bye na. Mamayang breaktime na lang tayo magkita."ngumiti ako sa kanya bago ako tumalikod sa kanya. Iniwan ko na s'ya mag isa doon.

Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin na hinalikan ko s'ya sa pisngi. Pero kahit ganon napangiti na lang ako ng walang dahilan.

Pagkapasok ko pa lang ng room ay bumungad sa akin ang maingay na klase. Di nila ata ako pansin kaya di pa sila tumatahimik. Umiling na lang ako at tumungo na ako sa upuan ko para mailapag ko na ang bag ko. Katabi ko ngayon ay si Kevin na abala sa pagbabasa ng libro.

"Huy nand'yan ka na pala class president!"inilapag ni Kevin ang libro sa desk n'ya at tinignan n'ya ako.

Si Kevin na ang katabi ko sa room dahil pinaalis s'ya ni Isabelle sa upuan n'ya sa likod kaya wala s'yang nagawa kundi umupo sa tabi ko.

"Goodmorning.."I greeted him politely.

"Goodmorning Gallianna ,"he smiled to me ,"Kumain ka na ba?"

Tumango ako ,"Oo. Kasabay ko kumain si Bryle bago kami pumunta ng school."

Sa pagbanggit ko pa lang sa pangalan ni Bryle ay halos magkislap ang mga mata ni Kevin kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

"So tama pala ang naririnig ko sa labas ha? nagdadate na pala kayo ni Bryle?"ngising sabi n'ya kaya mabagal akong tumango sa kanya.

"Ah oo. Ngayon mo lang ba nalaman ang balitang yon?"I asked.

Kalat na sa buong university ang pakikipagdate sa akin ni Bryle kaya nakakapagtaka talaga na di pala alam ni Kevin ang tungkol saming dalawa ni Bryle.

"Narinig ko na s'yempre! Kaso nga lang di ako naniniwala sa sabi sabi ng iba hanggang sa di nanggaling sayo."he sighed heavily ,"Ngayong kinumpirma mo doon pa lang ako naniwala."

Isa si Kevin sa mga taong madalas kong makausap kahit nung Grade 11 pa ako ay naging closed friend ko s'ya. Nung una ,sobrang irita ako dahil palagi n'ya akong kinakausap at kahit tinatarayan at sinusungitan ko s'ya ay di pa rin s'yang tumitigil na lumapit sa akin. Ilang beses ko na rin s'ya pinagtabuyan at pinagsalitaan ng masama pero parang wala lang epekto sa kanya yun.

And also ,s'ya din ang dahilan kung bakit naging Class president ako ng section namin. Ayoko nga na may responsibilities pero binigyan ako ng isang Kevin Salcedo.

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now