"K-kanina ka p-pa ba diyan Gallianna?"tanong ni Tita Helen kaya napatingin ako sa kanya.

"Kadadating ko lang ho."sagot ko sa kanila at parang kumalma sila sa sinabi ko ,"Ano ho pinag uusapan niyo? parang nabanggit po yung pangalan ko."

Curious lang ako dahil ang seryoso nila kapag nag uusap sila.

Nagkatinginan silang dalawa kaya bahagyang kumunot ang noo ko. Di ko alam bakit parang ganyan sila makatingin sa isa't isa na parang may tinatago sila sa akin hindi nila dapat sabihin sa akin.

"Uh......nothing 'nak! Napag usapan lang namin ng Mommy mo kung kumusta na ang 1st day mo sa work immersion!"pagak na natawa si Tita Helen habang nakatingin sa akin.

"Uh...yun lang pala pinag uusapan niyo akala ko pa naman kung ano ,"I chuckled ,"Okay naman po first day ko po ,na enjoy ko po."

"Ganon ba?"Tita Helen asked then I nodded ,"I think ,kumain na tayo. Sigurado akong gutom na gutom ka ngayon. Halika ,naghain ako ng masarap na dinner natin today!"

Di na ako nakasagot dahil hinawakan na ni Tita Helen ang pala-pulsuhan ko kaya wala na akong nagawa kundi magpahila na sa kanya.

Sumunod na rin sina Mommy samin kayang kaming tatlo ang kumakain sa dining area. Habang kumakain ako ay pansin kong parang ang tahimik ni Mommy at mukhang may malalim na iniisip.

"Hey 'mmy ,are you okay?"I asked then she glanced at me. Mukha siyang natauhan dahil base sa itsura niya.

Gusto ko lang tanungin kung ayos lang siya dahil di ko talagang ugali magtanong sa kanya kung ayos ba ang araw niya ngayon. First time ko lang magtanong ng ganito talaga.

"I'm okay anak ,"she forced her smiled ,"Napagod lang siguro ako kanina kaya wala akong gana para magsalita."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Kahit sinabi niyang ayos lang siya ay feeling ko hindi talaga. Di ko na lang pinilit sabihin niya sa akin kung ano ang bumabagabag sa kanya.

"Pahinga na lang siguro kayo after dinner."I smiled.

Nagkatinginan na naman ulit silang dalawa pero pinasawalang bahala ko na lang. Ang weird nila ngayon kaya tahimik na lang ako kumain.

After dinner ,nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa taas para makapagbihis na rin. Masyadong pagod ako ngayong araw kaya deserved ko ipahinga ang sarili ko.

Nagsuot ako ng pajama dahil wala naman akong balak lumabas kapag ganitong oras.  Kinuha ko ang laptop ko sa study table ko dahil ngayon ko na gagawin ang PPT para sa research namin. Masyadong abala ako sa pag-gagawa ng PPT kaya di ko napansin na tumutunog na yung cellphone ko.

Tinignan ko kung sino nagchat sa akin at bumungad sa akin ang name ni Bryle.

Bryle Zendrano:

Hey ,ano gawa mo?

Gallianna Navarro:

Ginagawa ko ang PPT ng research. How about you? Nakauwi ka na ba?

Bryle Zendrano:

Oo ,nakauwi na ako. Pwede ba ako mag video call?

Gallianna Navarro:

Sure.

Bryle Zendrano:

Calming The Wild Heart  ✓Where stories live. Discover now