______Chapter 5_______

7 0 0
                                    

"Ang kailangan mo'y konting pasensya, dahil wala naman silang magawa kundi umeksena".


.

Yes!!. After two months na paghihintay!! Magaling narin ang nanay. Napabilis ang pagpapagaling niya nang wala daw dahilan. Pero naniniwala ako sa milagro. Kaya talaga gumaling ang nanay ay dahil sa ginawa talaga ito ng Diyos. Marami na akong panalangin na inilapit sa Kanya ngunit ang isang ito na hindi lang ako ang nananalangin?!. Sigurado akong yun yung dahilan nun. Madaling naka-recover ang nanay, hindi nagalaw at nagamit ang perang itinabi para samin ni kuya at bukod doon nakakuha pa ng magandang standing ang team ng tatay sa semi-finals ng laro nila. Malaki dapat ang pasasalamat namin sa Diyos. Kaya dahil doon,nag-celebrate kami, sama-samang nagsimba at nagpasalamat sa Kanya.

.

.

.

Kinabukasan, sinimulan ko na ulit ang pagpasok sa school. Habang naka-bike papunta doon, nakakita ako ng mga naglalaro ng basketball. Napansin kong hindi marurunong yung mga naglalaro at hindi nila kayang gawin maski mag-dribble ng bola mula sa kanang kamay papunta sa kaliwa. Natuwa ako dahil maaaring katulad ko lang sila. Alam ko lang yung terminologies ng basketball, pero hindi ko kayang gawin..

.

.

-"ehem. Tabi diyan bata!."

.

.

Sa likod ko, nakaupo pala yung basketball coach ng school namin.

.

.

-ay! Sorry po!.

.

-"matagal ko nang hinahanap ang laro na pambihira at mahirap gawin, mahirap kalabanin at pigilan.

.

.

Pero isang beses ko lang pala iyon makikita.

.

.

Sana makita ko iyon ulit!."

.

-a-ano pong ibig niyong sabihin?!.

.

-"nakita ko lang ang pambihirang larong iyon noong bata-bata pa ako. Nung basketball player pa ako. Kalaban at katapat ko ang pambihirang si Stan Lee Rondalia. Inside shooting, three pointer, perimeter, rebounding. At marami pang iba. Kaya niyang gawin ang lahat"

.

.

-Si Papa po?! Nakalaban niyo si Papa?!. Ang galing!.

Ano pong pangalan niyo?!

.

-"Hindi nga!! anak ka ng "Stunning Stan Lee"?!. So,... magaling karin mag-basketball?!"


-Opo, anak po ako ni Stan Lee Rondalia., pero hindi po ako ni marunong sa basketball. Alam ko po yung mga terminologies ng basketball pero hindi po talaga ako marunong. Ako nga po pala si Steven Blaze Rondalia. Third year na po ako. Transferee lang po ako.


-"ah! Ganun ba transferee ka pala dito. Ay pasensya kana kung pakelaman kita dun sa pagsabi mo ng isang salita. Kahit kailan 'wag mong sasabihin ang salitang "LANG" ha!. 'wag na 'wag mong mamaliitin ang sarili mo. Ako nga pala si Mr.Jordan Perillo, ang coach ng basketball team ng school na ito. Nananalaytay sa dugo mo ang dugo ng magagaling na basketbolista, ibig sabihin may tyansang.. Maging magaling karing player. Kung gusto mong matuto at sumali, pumunta ka lang sa akin. Sige, pasok na!.."


Pagkasabi niya sakin noon, natigilan ako at parang wala na akong masabi. Yun kasi ang problema sakin, natitigilan ako at walang masabi kapag gumana na yung imahinasyon ko..

Pero kahit kailan hindi ko gagawing sumali sa kanila na yun at yun nalang ang ginagawa.


Pagkapasok sa school,


-"good morning steve!.

Kumusta kana bro?!

Welcome back!" sabi ni Timothy.

.

Sa likod ko, may narinig akong boses..

.

"Steve?!. Siya si Steve?! Yan ba ang pinagmamalaki mong kaibigan ha?! Parehas nga kayong walang kuwenta!!! Kaya bagay kayong magsama. Isang tsupul na tabachoy na walang magawa kundi dumikit sa kilalang tao, at isang tsupul na may apat na mata.. Wag na wag niyong popormahan si Yannah, o kahit sinong babae dito ah!.

DAHIL MAGKAKAALAMAN TAYO.!! Mga pare!! Tara na alis na tayo dito"

.


Aamba pa sanang magsalita si Timothy pero pinigilan ko na siya. Sabi ko nalang sa kanya:

"hayaan mo lang sila sa gusto nilang sabihin, konting pasensya, 'pag pinatulan mo pa sila, baka lumaki pa ang gulo,.. Pero kung hahayaan mo lang silang mang-insulto, mananawa rin sila.."


-"Sa bagay, tama ka. Siya nga pala, ang pangalan nung nakakainis na lalaking yun ay Drake Faustino. Isang basketball player ng school natin. Sobrang mayabang, pasikat, at buwakaw ang taong yun. Alam mo ba, bago ako tumaba nang ganito, sumali din ako sa basketball. Nakapasok ako sa try-out, naglaro kasama ang buong team, at naging ace player ng school natin. Pero siniraan ako niyan sa coach namin, sa principal natin at sa lahat ng nandito sa school natin. Bago ang araw ng pag-check sa mga locker ng mga estudyante, Kumuha siya ng mga taong maglalagay ng mga "steroids" sa locker ko. Kaya sinuspinde nila ako sa paglalaro. Bukod pa doon, dahil ako lang ang nakakaalam na sila ang nagtuturok ng steroids, ginawan pa nila ako ng issue sa isang teacher dito sa school kaya sinuspinde rin nila ako sa school sa loob ng apat na buwan kaya matagal bago ako nakatungtong sa second year. Nawala ako sa mood kaya di ko na nagawang magpapayat... Pero tama ka, hayaan mo na yun alam ko namang isang araw makakakilala din ako ng taong makakatapat niya.. Lalampasuhin pa siya.."


-"sige, tayo na. Punta na tayo sa room."


Naawa naman tuloy ako ngayon kay Timothy. Pero, hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Gaya nalang ng sinabi niya, darating din ang araw na hindi na makakapag- "hari-harian" si Drake sa school, sa room, at sa basketball team.


"RELATIONSHIP is just like BASKETBALL?!.."Donde viven las historias. Descúbrelo ahora