_______Chapter 1______

15 0 0
                                    

"Wala namang taong nakakaalam sa lahat." yung nasa itaas lang ang nakakaalam.


Ako si steve. Steven Blaze Rondalia. Isang teenager na mahilig magbasa, gumala, magsulat at marami pang iba. Ang pinaka-ayaw kong gawin ay maglaro ng basketball. Kahit na sikat na sikat ang angkan namin sa pagiging MVP, best player of the game, at hall of famer sa pagiging champion sa kanya-kanyang teams na kinabibilangan. Ang tatay ko, ang kuya ko at mga pinsan ay sobrang gagaling sa larong ito.. Buhay na nga nila ang pagiging parte ng lahat ng kabi-kabilaang competitions sa barangay, sa bayan, sa buong probinsya, at kahit sa buong bansa. Proud ako sa kanila. Pero hindi ko na talaga ginustong sumunod sa yapak nila. Ayaw ko na dun lang kami makilala at ang pinakamalaking dahilan kaya ganito ako ay dahil lagi kong naaalala ang panahon na may galit ako sa tatay ko... Iniwan niya kami ng nanay ko nang walang paalam, buntis si nanay noon at ako ang batang nasa sinapupunan niya. Wala akong naging ama na dapat sana meron. Sinama niya ang kuya ko at pinalabas niya na kapatid niya lang ito. Yun yung bagay na alam ko noon.


Pero nang nagbalik muli ang tatay, wala akong naisip kundi lumayo at tumakbo. Habang naroon siya sa aming bahay, naroon din ang nanay. At ipinaliwanag at inilinaw ng tatay ang lahat. Bagay na hinintay ko noon pa. Habang tumatakbo, hindi ko na namalayang may magkakasalubong na dalawang truck sa intersection. Nang nasa gitna na ako, wala na akong magawa kundi ang manalangin. Akala ko katapusan ko na at ng mga pangarap ko. Simula pa lang pala ng lahat..

.

.

.

"Anak pasensya na kung ngayon lang ako dumating... Naiintindihan kita kung hanggang ngayon galit ka parin sakin. Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sayo..."

Wala akong masabi kundi salamat at niligtas niya ako. Hindi rin pala yung mga kuwentong narinig lang ng nanay ko sa mga kamag-anak namin ang totoo. Kaya lang umalis ang tatay ay dahil noong siya at ang kanyang team ay may malaking tyansang maging champion na sa finals, may mga taong gustong mang-black-mail sa kanya dahil sa siya ang star player ng team. Pinagbantaan siyang papatayin ng mga goons ang kanyang buong pamilya kung hindi niya ilalaglag ang laro nila. Nagkaroon pa sila ng alitan ng nanay. Kung kaya't mas ginusto nalang niyang lumayo at umalis.

Hindi niya rin ikinaila na anak niya ang kuya ko na kasa-kasama niya nung mga panahong iyon...

.

.

" Anak, walang nakaalam ng mga bagay na ito. Ang may alam ng lahat ng nasa puso ko hanggang ngayon ay ang Diyos lang."

.

Natigilan ako dahil sa mga bagay na sinabi ng tatay. Wala akong nagawa para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi narin napigilan ng tatay ang pagluha, at doon ako naliwanagan.

"RELATIONSHIP is just like BASKETBALL?!.."Kde žijí příběhy. Začni objevovat