______ Chapter 8______

4 0 0
                                    

"Do not give up, shoot it strong and finish it hard"



Ito na ang araw na hinihintay ng nakararaming estudyante; ang Christmas Party namin. Hindi ako gaanong nangangamba kung sino talaga ang nabunot ko na may codename na kitty.


Nagsimula ang araw ko sa malakas na alarm ng cellphone ko. Hindi ko na nagawang magpatay nito kaya, maski si nanay narindi pagpasok niya sa kuwarto para gisingin ako. Nang pumunta ako sa school,

Napansin ko, napakaganda ng ambience dito. Kaya, naisipan kong kuhaan ng picture ang buong view ng school kasama ang isang malaking christmas tree gamit ang digicam namin.

Sinubukan ko ulit itong kunan, pero habang nakatingin sa screen ng camera, nakita ko si Yannah na dumaan. Malungkot parin, walang kibo, sobrang depressed at kita mo sa mga mata niya ang pagkalito. Sinubukan ko siyang pangitiin,


-"Ms.Yannah, ang alam ko po party ang pupuntahan natin at hindi po burol.Ngiti naman diyan oh!."


-"Wag mo nalang muna akong pansinin. Okey lang ako!. Salamat nalang sa pag-aalala sakin."


-"Yannah, alam ko naman pong hindi mo inaasahang mangyayari yung nangyari nung nakaraan, pero, hindi mo naman kasalanan ang pag-break ninyo. Sa totoo nga niyan napahanga mo nga ako eh,. Nanindigan ka kasi. By the way, sorry kung dahil sakin nag-break kayo. Ngumiti ka naman po sana.. Nakakalungkot naman kung sasayaw tayo nang lutang yang isip mo."


-"Sige na nga, tara na!. Pasok na tayo."


Pagpasok sa room, saktong-sakto lang sa oras dahil nagsimula na ang party. May kumanta, may nagpalaro at marami pang iba. Isa sa mga pinalaro nila ay "paper dance". Isa ako sa mga pinalaro nila. Kaso nga lang,.. "MATABA pala ang partner ko!." Si Aimie Vergara. Yung may gusto kay Timothy.


Habang iniisip ko kung paano ko pa siya bubuhatin kapag maliit na yung papel. Nakita ko nang tumatawa si Yannah. Kaya inenjoy ko nalang ang paglalaro. Pero, matapos ang isang round, pangalawang round at pangatlong round, hindi parin kami natatanggal. Pang-apat na round, kailangan ko nang buhatin si Aimie. Sabi ko sa kanya, -"Okey lang naman diba pag di ko ito nagawa!,. At least, nakaabot tayo dito.."


Hindi man namin nagawang manalo, nagpalakpakan naman yung mga kaklase ko samin at nakita ko namang masaya si Yannah. Hindi pa diyan nagtatapos ang Christmas

Party namin. Nagperform na nga ang grupo namin at doon ko na tuluyang nakitang masaya si Yannah.

.

.

.

Dumako na nga kami sa exchange gift. Pakiramdam ko, malapit lang sakin yung ka-exchange gift ko.. Hindi nga ako nagkamali.


"At sunod,. Ang codename niya ay "stunner" ang nabunot niya ay si "kitty"

At, si kitty rin ang nakabunot kay stunner."


-"Steve!. Ikaw pala ang nakabunot sakin. Ako kasi si kitty. Wala akong maisip na codename eh,. So ikaw pala si stunner!. Sinunod mo lang sa bansag ng iba dun sa papa mo ah!" sabi ni Anica


-"Ah, heto., yung regalo ko sayo., maganda yan!. Sigurado akong matutuwa ka diyan. Gaya ng nakasulat sa wishlist mo, ang binigay ko sayo ay blue na teddy bear."

.


Akala ko si Yannah ang nabunot ko. Pero kahit papaano, masaya parin ako hindi dahil sa nakuha kong regalo, kundi dahil napasaya ko si Yannah.



Matapos ang Christmas Party,. Sabay na kaming umuwi ni Yannah, hindi ako kumikibo ng ilang minuto. At, si Yannah naman, pangiti-ngiti lang. Para bang nanalo sa lotto kung makangiti. Bigla siyang umimik,.


-"Steve, alam mo, bagay kaya kayo ni Anica. Kung ako ikaw, baka hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, liligawan ko na agad siya,. Diba matagal na siyang walang boyfriend,. Nag-break na sila nung lalaking yun last three months na.".


-"Ano ka ba Yannah, hindi ako ganun, hindi ko siya liligawan kahit pa matagal na silang nag-break. Tsaka, hindi ko siya gustong ligawan, magkaibigan lang talaga kami."


-"Weh,. Di nga! Magkaibigan o magka-IBIGAN?!."


-"Basta!. May hinihintay din kasi akong babae. Wala pa naman akong nagugustuhan eh. Basta maghihintay lang talaga ako."


-"Ako, ayoko talaga sa mga lalaki; Sinungaling, manloloko, magaling lang sa salita, puro na lang laro., at wala talagang seryoso."


-"Alam mo Yannah, hindi naman lahat., Alalahanin mo, andito ako. At, sigurado akong meron pang katulad ko at may higit pa sakin."


Sa totoo lang, may gusto talaga ako sa kanya, pero wala nakong iba pang dapat gawin kundi ang maghintay sa tamang tiyempo at alam ko naman na hindi na siya guguluhin ni Drake. Mali man o hindi itong iniisip ko, pero posible kasing isipin ng iba na sinulot ko si Yannah at palabas ko lang yung pagiging kaibigan niya.


"RELATIONSHIP is just like BASKETBALL?!.."حيث تعيش القصص. اكتشف الآن