"Who are you?" Agad na tanong ko nang nakita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki.
Dahil sa magkayakap kami ni Summer ay naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Parang kinabahan siya na hindi ko maintindihan.
Kumalas naman sa pagkakayakap ko si Summer at nakayuko sa gilid ko habang ako naman ay pinakatitigan ang lalaki.
Hindi agad nakasagot ang lalaki sa tanong ko kaya bahagyang napataas ang kilay ko dito. Sinong pontio pilato ito na lumabas ng bahay namin at mukhang siya pa ang dahilan ng pag-iyak ng kapatid ko.
"I'm asking. Who are you?" Ulit kong tanong.
"He's Pocholo, sis. Autumn's friend." Mabilisang sagot ni Summer na nanatiling nakayuko pa rin.
"Oh. Okay.. pero bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko kay Summer.
"Ikaw ba nagpaiyak sa kapatid ko ah?" Paangil na tanong ko kay Pocholo.
Umiling agad si Pocholo at parang natakot sa akin.
Right! Matakot ka! Masindak ka! Hurt any of my sisters, be ready for me.
"Sis! Hindi siya. Alam mo naman ako, emotional. Ganun." Pagtatanggol ng kapatid ko kay Pocholo.
Napairap lang ako at hindi kumbinsido sa sinabi ni Summer.
"Sis, okay na ako. Promise!" Pilit na ngumiti si Summer sa akin.
"Fine. Tara, pasok na tayo. I have foods!" I squealed at them at umabrisiyete kay Summer ng hilahin ko siya papasok.
Pinadalhan din kasi ako ng mommy ni Collin ng pagkain nung uuwi na ako.
Napansin ko namang hindi gumalaw si Pocholo sa kinatatayuan niya. Akala niya siguro hindi siya invited.
"Uy! Ano? Tatayo ka na lang dyan? Pasok ka din. Kain tayo! Huwag kang matakot masyado sa akin. Mamaya awayin ako ni Autumn at inaaway ko ang kaibigan niya."
Napangiti naman siya at sumunod na rin sa amin sa loob. Napagpasyahan kong sa susunod ko na lang tatanungun si Summer kung bakit siya umiiyak kanina. Hindi kasi ako matatahimik hangga't di ako sigurado na okay na talaga siya.
--
"I did not expect this." Dismayadong sabi ng lalaki sa kausap habang patuloy pa rin ito sa pag-scan sa mga dokumentong nakalap ng babaeng imbestigador.
"Well, life is full of surprises. We should always prepare ourselves for something unbelievable." Sabi ng babaeng imbestigador na parang normal na rito ang mga ganoong reaksyon sa mga nagiging kliyente.
"I'll send the money in your account." Biglang sabi ng lalaki at sinara ang folder nang matapos nitong basahin ang lahat ng dokumentong hawak-hawak.
Masayang buntong-hininga ang pinakawalan ng imbestigador na hindi na maitago ang kasiyahan sa mukha nito.
"Oh, Prada! Be ready for me!" Kinikilig sa sayang sambit na lang ng babae.
"Tss. Wala ka pa ring pinagbago."
Hindi na sumagot ang babae dahil abala na ito sa kakaisip ng kung ano ang bibilhin niya sa perang matatanggap. Hindi biro ang ginawa niya dahil napaka-pribadong tao ng inimbestigahan niya kumpara sa mga dati na niya hinawakan.
--
Lumublob ako sa maligamgam na tubig sa baththub ko at ipinikit ang mga mata ko. Naamoy ko rin ang amoy ng chamomile na nilagay ko sa tubig.
Ahh, this is so relaxing!
Sa sobrang busy ng schedule ko, minsan talaga nakakalimutan kong i-pamper ang katawan ko. Kung nakakapagsalita nga siguro ang katawan ko malamang puro reklamo na ang natanggap ko.
Nang medyo nakakaidlip naman na ako tsaka naman tumunog ang cellphone ko na hindi lang tunog ng isang text message kundi isang tawag.
Buti na nga lang ay abot kamay ko lang 'yung cellphone ko kaya hindi ko na kailangan pangtumayo sa masarap kong pagpapahinga sa ilalim ng maligamgam na tubig.
"Hello, Spring!" Parang may pagmamadaling bati sa boses ni Louis nang sagutin ko ang tawag niya.
"Oh, Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko naman sa kanya.
Kanina si Summer. Ngayon, si Louis naman. Ano bang nangyayari?
"She's back."
"Who's back? Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Jessa."
Hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng kung anong pagkabahala dahil nagbalik na si Jessa na ex-girlfriend ng best friend ko.
Nakaramdam din ang nang pagkainis na hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ba ako nakakaramdam ng ganitong emosyon.
"Still there?"
"Hmm. Oo. Ano naman?" Bale walang sagot ko na lang.
"Gusto niya kasing lumabas. Kami. Tayo." Sabi niya tapos ay narinig kong napabuntong hininga siya.
"Uy! Ayokong maging third wheel sa inyo!" Angal ko sa kanya.
"Bring a date. Problema ba 'yun? Bilis na! Ako, minsan lang humingi ng pabor ah?" Pangongonsyensya pa ng magaling kong best friend.
Syempre, makonsyensyahing tao ako kaya pumayag na ako. Tinawagan ko naman agad si Collin pagkababa ng tawag ni Louis sa akin para tanungin kung pwede siyang sumama na sa kabutihang-palad ay pumayag naman siya.
"Good night, Spring." He said in a husky voice.
Gosh! Ang hot ng husky voice niya!
---
A/N: Comments are highly appreciated. Thank you! :)
YOU ARE READING
Hello, Spring
ChickLit"I'd rather die than not to experience love at all." - Spring Espinosa (Seasons of Love # 1)
