Chapter 9 - Enjoy it while it lasts

32 1 0
                                        

"Ang init!"

Naaaburidong sabi ko paglabas ko ng airport. Wala kasi si Louis kaya kailangan kong magcommute. Kung saan-saan naman kasi 'yun nagpupupunta eh. Wala tuloy akong masabayan pauwi.

Pa-importante pa 'tong maleta ko, sa dami ng araw na pwedeng bumigay, ngayon pa talaga!

"Ma'am, ako na po dyan." Magalang na sabi ni kuya guard na mukhang nahabag sa kalagayan ko.

"Salamat ng sobrang rami, kuya!" Relieved na relieved na sabi ko habang nakasunod kay kuya guard papunta doon sa pilahan ng taxi. Pagkatapos akong tulungan ni kuya ay bumalik na rin agad siya sa pwesto niya kanina.

Isa pa 'tong mga taxi, nasaan sila kung kailan kailangan ko sila? Mag-kikinse minuto na akong nakapila pero baby steps ang usad ng pila.

Gusto ko na munang ipikit ang mga mata ko sandali dahil sa pagod.

May isang pasahero kasing inatake ata ng epilepsy nung nasa ere pa kami kaya kailangan naming mag-emergency landing. Thankful naman kami at umabot sa ospital 'yung pasahero naming 'yun. Balita ko ay maayos na rin naman ang kalagayan niya pagkatapos ng atake kanina.

Mula sa airport ay sa bahay ako didiretcho para magpalit ng damit at iwan 'yung maleta kong dala-dala.

Napag-usapan na kasi namin ni Collin na ngayon nga niya ako ipapakilala sa parents niya. Nakakahiya naman kung bigla akong magka-cancel at the last minute.

Ngayon lang din kasi kahit papaano nagtugma ang free time naming dalawa. Mamayang gabi kasi may flight na naman ako kaya ngayon na lang talaga ang time.

Tinignan ko kung anong oras na at laking pasasalamat ko na may dalawang oras pa akong natitira bago ako sunduin ni Collin.

Makakatulog pa ako kahit 45 minutes lang tapos ay 30 minutes akong maghahanda ng sarili ko. Knowing Collin, 15 minutes pa lang ng usapan namin, nandito na 'yun.

Hindi ko alam kung may lahing intsik 'yun si Collin pero naniniwala siyang mas maganda ang pasok ng swerte kapag maaga ka.

-

"Good afternoon po." Nahihiya man ay binati ko ang mommy ni Collin na nakangiting sinalubong ang pagdating namin.

Lumapit sa amin ang mommy ni Collin at niyakap ako ng mahigpit.

"Finally! Nadala ka rin ng anak ko dito." Maluwag ang ngiting sabi niya sa akin pagkatapos akong yakapin.

"Oo nga po, Mrs. dela Cuestra."

"Tita Cons na lang... Or, much better kung mommy?"

Hindi ko alam kung ano tuloy ay isasagot ko. Mukhang hindi lang pagkakaroon ng girlfriend ang gusto ng mommy ni Collin ah!

"Ma, you're making Sping uncomfortable." Pabirong pagsaway ni Collin na agad ko rin namang itinanggi

"Oh, see. It's okay. Come, hija!"Pag-imbita sa akin ni tita Cons, short for Conchita.

Isang simpleng lunch lang ang inaasahan ko nang imbitahan ako ni Collin pero... Mali ako.

"Tito Conrad, Tito Carlos... This is Spring." Pakilala sa akin ni Collin sa mga tito niya na kapatid raw ng mommy niya.

"Collin's right. You're really a beauty." Pagbibigay puri sa akin ni Tito Carlos sa pagpapakilala ni Collin kanina.

"Are you related to Engr. Edward Espinosa Jr.?" Tanong naman ng Tito Conrad ni Collin

"Yes po. He's my father." Direktang pagsagot ko naman

"Oh! It's a small world. Your father and I were..." Sadyang pagbitin ng sasabihin sa akin at mas minabuting binulong na lang ang dapat nasabihin. "...brothers in a fraternity."

Hello, SpringWhere stories live. Discover now