Chapter 8 - Hide and Seek

13 1 0
                                        

Hanggang ngayon hindi pa rin namin makalimutan 'yung nangyari sa Brazil last week. Kinaumagahan kasi nun, nagpunta 'yung Brazilian na sinilipan nila Janice at Gian dun sa inn na tinuluyan namin.

Medyo lutang pa ako nung sinagot ko 'yung tawag galing sa lobby tapos ang sabi ay may naghahanap sa amin sa baba. Eh, wala naman kaming ibang kilala bukod sa aming apat kaya ginising ko sila para tignan kung sino 'yun.

Pagbaba namin sa lobby, 'yung Brazilian pala ang naghahanap sa amin. Sobra-sobrang kaba ang inabot ng dalawa. Akala kasi namin, magrereklamo 'yung Brazilian. Aba! 'yun pala, nabighani sa ganda ni Janice.

Akalain mo nga naman.

"Balita na sa inyo ni Brazilian guy mo?" Pang-uusisa ko kay Janice na ang aliwalas ng aura ngayon.

Kakatapos lang kasi niyang makipagvideocall dun sa Brazilian at mukhang dadalwa pa ata dito sa Manila.

"Kaya pala hindi ako makaramdam ng kahit konting pagsisisi nung sinisilipan namin siya, friend. Destined pala talagang mangyari 'yun." Hindi maitago ang kilig na sabi ni Janice

"Pa-arbor ako, bakla kapag na-umay ka na kay pogi ah?" Malanding sabat ni Gian

"Gagi ka! May jowa ka na, lumalandi ka pa!"

"Wit! We broke up na. So, I'm free as a bird in the sky!" sabi pa ni Gian na mukhang ang bilis maka-move on sa break-up

Napatigil lang ako sa pakikipagtawanan sa kanila nung mapansin kong hindi pala namin makakasama si Louis at Janice sa next flight duty.

"Oh, Jan, nakipagpalit ka ng duty?" tanong ko

"Yeah. May wedding kasi akong aattendan. Eh, sa Tuguerarao pa 'yung venue. Doon sa Callao cave ang kasal."

"Callao cave? Doon 'yung sa The mistress di ba?" tinanguan naman ni Janice si Gian bilang sagot sa  tanong nito

"Eh, si Louis kaya?" alangan na tanong ko sa kanila.

Clingy best friend here.

"Ah, Baka may lakad din si best friend mo. Di mo pa lang knows, mare."

"Baka nga." Kibit-balikat na sang-ayon ko na lang.

Biglang tumikhim si Gian sabay sabi na, "May something akong na-smesmell." Malisyosong sabi pa niya na tinapunan ako ng mapanghusgang tingin.

"Shaddap."

At, naghari ang mapang-asar na tawanan nilang dalawa.

ESPINOSA'S RESIDENCE

This will be the first time na magpapakilala ako ng suitor kanila daddy at mommy.

Dati kasi, patago lang akong magpaligaw sa mga dati kong soulmate prospects na in the end, hindi naman pala talaga. At tsaka, iba ngayon kasi ang lakas talaga ng feeling ko na si Collin ang itinakdang lalaking ipapakilala ko kanila daddy at mommy.

"Are you done setting the table?" si Winter na kasalukuyang inihahanda ang salad

"Yes."

"Sis, siya na ba talaga?" pabulong na tanong sa akin ni Summer na may bitbit na freshly cut flowers na pamalit sa mga lumang flowers sa mga vase

"Oo nga. This guy really must be something para sa paghahanda na ganito ah?" pakikisali ni Autumn sa usapan

"As in. He's the one na talaga, A. I'm sure of this."

"He better be. Malalagot siya sa amin nila daddy, Autumn at Louis kapag hindi matino 'yang Collin na 'yan." Istriktong sabi naman ni Winter

My family is so... OA.

Hello, SpringTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang