Nilingon ko muna si Atticus sa pag-aakala na natutulog 'to ngunit hindi pala. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magkasalubong ang tingin naming dalawa kaya agad akong umiwas ng tingin at nag salang nalang ng tubig para lutuin 'tong noodless.

"Wag kang mag inarte sa pagkain na ihahanda ko, kundi papalayasin kita." Banta ko sakanya. Nagsasalita ako habang hindi siya nililingon. Ngunit nagulat ako ng maramdaman kong may humawak sa beywang ko at agad akong binuhat at pina-upo sa gilid ng lababo.

"A-anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong kay Atticus na nakatitig sa 'kin.

Ibinuka niya ang dalawa kong binti at mas lalong inilapit ang katawan niya sa 'kin. Kinakabahan naman akong nakatitig sakanya at halos matapon ko ang laman ng noodless dahil hawak-hawak ko ang plastic nito.

Inayos ni Atticus ang buhok ko at inipit 'yon sa gilid ng teynga ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya napalunok ako ng ilang beses habang sinasalubong ang mga titig niya sa 'kin.

Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya ng malapitan. May pagka ma-angas ang mukha niya na laging naka simangot, maging ang makakapal niyang kilay ay bumagay sa mukha niya. May nunal din siya sa ibabang labi niya kaya nakaka-akit tignan ang labi niya.

"B-baka kumulo ang tubig." Nauutal kong sabi kay Atticus habang nakatitig parin kaming dalawa sa isa't-isa.

Inagaw naman niya sa 'kin ang hawak ko at siya na mismo ang naglagay ng laman no'n habang ang isang kamay niya ay nasa beywang ko saka niya pinatay ang kalan.

Tumingin ulit 'to sa mukha ko kaya bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. "I-Ibaba mo ng ako," masungit kong sabi para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.

"Later. I need to take my medicine first." Sabi niya kaya naguguluhan naman ako sa sinasabi niya.

"Naubusan ako ng gamot sa lag— uhmmm.."

Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng mabilis niyang sinakop ng halik ang labi ko. Naipasok pa niya ang dila sa loob ko kaya hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Hanggang sa nasasabayan ko na ang galaw ng dila niya kaya napa pikit ako at napakapit sa balikat ni Atticus.

Halos napa-ungol ako sa loob ng bibig niya sa ginagawa niyang paghalik sa labi ko. Sinisip-sip pa niya ang dila ko kaya mas lalo akong napapa-ungol. Feeling ko ay mauubusan na ako ng hangin pero hindi parin tumitigil si Atticus sa paghalik sa labi ko.

Pinutol niya ang halik na pinagsaluhan namin saka niya pinatakan ng halik ang nuo ko kaya napa kurap-kurap ako.

Inilayo niya ang mukha niya saka tumingin sakin habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang labi ko. "Kakainin ko lahat ng lulutuin mo, August. Kahit ano pang ihanda mo sa 'kin siguradong kakainin ko kahit pa siguro asin ang ipa-ulam mo. Makita palang kita, ulam na. Kaya aanhin ko ang masarap na ulam kung hindi naman ikaw ang naghanda no'n." Sabi niya kaya kinurot ko siya tagiliran, kaso wala akong makurot sa tigas ng muscle niya do'n.

"Napakalandi mo talaga! Ibaba mo nga ako." Sabi ko sa galit na boses. Ngunit  hinalikan niya lang ulit ang labi ko kaya napakapit ako sa balikat niya.

"Atticus.." ungol ko sa pangalan niya ng bumaba ang mga labi niya sa leeg ko at do'n  ako hinahalikan. Napahawak ako sa buhok ni Atticus na hinahalikan ang leeg ko at inaamoy 'to.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon