Magalang subalit may tono pa rin nt pagmamataas na tanong niya. "Wala naman talaga pero nalalapit na kasi ang hunting festival at bilang mga paghahanda para sa okasyon ay nais ng prinsesa na samahan mo kaming lumabas upang mamili ng magandang damit na maisusuot pqra hunting banquet maari ba?"

Napangiti siya roon ay sa tradisyon ng Hunting Festival ay dadalo sa araw na iyon ang mga kilalang personalidad at kailangang kumpleto rin ang mga miyembro ng Royal Harem at kaya naman pagkakataon na niya ito upang tuluyang idespatsya ang pinaka mabigat niyang dalahin sa buhay at makakapamuhay na siya ng matiwasay sa landas na kanyang pinili.

"Bakit hindi Mahal na Consort, kung ang pamimili lamang ng magagandang kalidad at disenyo ng kasuotan at iba pa maasahan niyo ako bilang anak ng ministro ng pakikipagkalakalan ay masasabi ko na na maraki akong alam pagdating sa mga iyon"

"Mabuti naman kung ganun, hali na kayo mga ate nakahanda na ang karwaheng sasakyan natin" masayang ani ng Prinsesa at hinila silang tatlo. May isang eleganteng karwahe ang nasa harapan ng Manor halatang halata na idang prinsesa ang nagmamay ari nito sapagkat sa disenyo at kulay pa lamang nito ay kitang kita na ang karakter ng ika labing tatlong prinsesa na si Mo Lin'er.

Nais man niyang maunang sumakay ay pinigilan niya ang sarili sapagkat alam niya na maari niyang ikapahamak iyon lalo pa at nasa harapan sila ng isang royal princess. Naunang sumakay si Lady Tarou pagkatapos ay ang Consort sumunod ang prinsesa at siya. Malaki ang espasyo ng karwahe at kung tutuusin kasya pa ang isa o dalawang dalaga sa loob naalala niya tuloy ang palaging bilin ng kanyang ina noon sa kanya na kailangan niyang maging angat sa iba sa lahat ng oras, kaya naman lumaki siyang mapagmataas at maldita sa iba pang anak ng kaniyang ama sa mga concubine nito at wala rin siyang naging kasundo bukod sa nakatatandang kapatid niya ang susunod na Master Li ng kanilang mansion si Li Chang Su.

Subalit kung iisipin wala namang mali na maging mapagpakumbaba at mabait dahil sa ganoong paraan mo nakikita at nakikilala ang mga taong hindi mo akalaing makakasundo mo pala at maari pang maging isang kakampi pagdating ng araw.

"Lu Xing, ang kamahalan ba at si Lady Wen matatagalan ba bago sila bumalik?"

Tanong ni Xiaoyue sa bantay nito ideya man niya ang naging paghaharap nito at ng dating kasintahan ay nakadepende pa rin sa kung paano gagawin ni Jixiang ang lahat, isa pa may dahilan kung bakit kailangan kasama nito ang Prinsipe at hindi sa nagseselos siya o ano man, legal na Concubine si Jixiang kaya wala siyang karapatan doon. But to be fair to her she also wanted to bring her on the banquet and having her to buy some new clothes and accessories are really convenient.

"Ayon sa kamahalan ay maghihintay sila ni Wen Shufei sa Lijing Pavillion"

'Binabalaan kita Xiaoyue mapanganib sa Lijing Pavillion, noong nakaraan na nagpunta ako roon tila hinihigop ng lugar na iyon ang enerhiya ko bilang tagapangalaga wag kang pumunta pumili ka ng ibang lugar, pakiusap'

Naguguluhan subalit sinunod niya ang payo ni Yue'er nagsasanay man siya kahit na papaano pero alam niyang hindi pa rin niya kontrolado ang sarili niyang Qi (Ki) kahit na sinusunod naman niya ang mga nakalagay diary na iniwan ng Great Madam Chen sa kanya. "Ganoon ba, hindi ko gusto ang Lijing Pavillion na iyon kaya naman ikaw na lamang ang mag tungo roon, mas mapapadali kung mamimili na kami agad kaisa magtungo pa sa Lijing"

"Oo nga mas matatagalan pa nga po kung pupunta pa tayo sa lugar na iyon, malayo layo rin ang distansiya ng 'Sunset Brocade' mula doon"

Pagsang-ayon naman ni Chang Le siya kasi ang naatasang mamili ng tindahang pupuntahan nila upang mamili ng magagandang damit.

"Sunset Brocade? Nabalitaan ko na nga ang tungkol sa tindahang iyon pero? Tunay nga bang magaganda ang gawa nila gayong hindi naman ito ganun kasikat sa Imperial City?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Royal Mistress (On Going)Where stories live. Discover now