"Kaya ko naman maglakad," saad ko. Ngunit hindi siya nakinig sa 'kin at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok ng building.

Tumingin pa samin ang may-ari ng apartment ng makita kaming dalawa ni Atticus. Naka ngiwi akong ngumiti sa may-ari habang ang lalaking buhat-buhat ako ay deri-deritsong umakyat sa hagdan.

Mas lalo pa akong nagulat kay Atticus dahil hindi ko naman sinabi sakanya kung saang floor ang room ko. At mas lalong hindi ko sinabi sakanya kung anong number ang room. Kaya nagtataka ako kung bakit huminto siya sa saktong floor at room ko.

Nakatitig ako kay Atticus na tahimik lang na nakatayo habang buhat-buhat parin ako. "Papano mo.. nalaman na ito ang kwarto ko?" Takang tanong ko sa lalaki.

Umiwas naman siya ng tingin sa 'kin kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Sinabi mo kanina 'di ba?" Sabi niya na hindi parin nakatingin sa 'kin.

Pilit ko namang inaalala kong nabanggit ko ba kanina, at alam ko na hindi ko sinabi sakanya 'yun.

"Ibaba mo na ako," pag-iiba ko nalang sa usapan kaya mabilis niya akong ibinaba.

Kinuha ko ang susi sa bag ko saka ko binuksan ang pintuan. Pumasok agad ako at balak sanang pagsarhan si Atticus ng pintuan ngunit mabilis siyang pumasok sa loob.

Pinandilatan ko siya saka niluwagan ang pintuan para palabasin siya. "Umuwi kana! Salamat sa paghatid kaya pwede ka nang umuwi." Seryoso kong sabi sakanya habang nakahawak sa siradura ng pinto.

Umiling naman siya saka umupo sa nag-iisang upuan ko. "Dito na muna ako, ang sakit kaya ng balikat ko. Ang bigat mo naman kasi." Reklamo niyang sabi habang hinihimas ang balikat niya.

Isinara ko ang pinto saka lumapit sa harap niya habang naka pameywang. "Sino ba may sabi sayong buhatin ako?" Sabi ko sakanya.

"Ako!" Tipid niyang sagot. "Don't worry, moya Iyubov, wala naman akong gagawing masama sayo." Nakangiti niyang sabi.

"Siguraduhin mo lang, kung hindi babarilin talaga kita." Pananakot ko sakanya saka ako naglakad papunta sa kama at inilapag ang bag ko.

"Matibay ba yang bed frame mo?" Tanong niya habang nakatitig sa higaan ko.

"Oo naman, heavy duty kaya 'to. Kaya kahit mabigat ako hindi yan babagsak." Irap kong sabi sakanya. Mukang aasarin na naman niya yata ang higaan ko.

"I see." Tatango-tango niyang sabi.

Kumuha nalang ako ng t'walya at pangbahay na damit saka ako naglakad papunta sa banyo. Tinignan ko naman si Atticus na nakayuko habang nakaupo. "Umuwi ka na. Paki lock narin ng pinto." Utos ko saka ako pumasok sa loob ng banyo.

Hinubad ko lahat ng damit ko saka ko binuksan ang gripo at agad nagbuhos ng tubig sa katawan. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto sa kwarto ko kaya napangiti ako. Mabuti nalang umuwi na ang lalaking 'yun, hindi kasi ako komportable sa t'wing malapit siya sa 'kin. Para akong nauubusan ng hininga habang malakas na tinatambol ang puso ko. Kaya nga lagi ko siyang pinagtutulakan dahil hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko.

Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis, sa banyo na ako nagbihis dahil dala ko naman ang damit ko. Pinulupot ko pa sa buhok ko ang twalya dahil basang-basa pa ito saka ako lumabas ng banyo.

Ngunit laking gulat ko ng makita ko si Atticus na nakaupo sa kama ko. "Bakit nandito ka parin?" Kunot nuo kong tanong sakanya.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now