Bumaba ako agad sa jeep para habolin ang lalaking ng hablot ng cellphone.

"Tigil!!" sigaw ko sa lalaki habang hinahabol siya. Mabilis naman itong tumakbo kaya agad nakalayo sakin. Kainis kasi, nabibigatan ako sa hinaharap ko kaya hindi ako makatakbo ng mabilis.

Nakita ko siyang lumiko sa eskinita kaya agad akong tumungo doon, pero laking gulat ko ng makita ko ang hinahabol kong snatcher na naka bulagta sa kalsada habang wala na itong malay.

Hinihingal akong lumapit sa lalaki saka tinignan ng mabuti at baka nag dra-drama lang ito. Napadako ang tingin ko sa labi ng snatcher na halos pumutok ito at may tumutulo ding dugo sa gilid ng bibig niya.

Umuklo ako at agad sinalat ang gitna ng leeg niya para malaman ko kung buhay pa ba 'to. Nang maramdaman kong may pintig pa siya ay agad akong tumayo saka tinawagan ang mga kasama kong pulis na naka duty ngayon sa presento.

Kinuha ko ang posas saka ikinabit yun magkabilaang pulsuhan nga lalaki. Inilibot ko ang tingin sa eskinitang 'to dahil palaisipan sakin kung sino ang sumuntok sa lalaking snatcher.

Sa lakas ng pagkaka suntok kasi ay nakita ko pa ang dalawang ngipin na nasa kalsada. Mukang, tumalsik ito sa lakas ng pagkaka suntok, kaya siguro umagos ang dugo ng lalaking snatcher sa gilid ng labi niya.

Nakarating naman ang mga kasama kong pulis kaya agad akong sumaludo sakanila. "Good job, P01 Suãrez." naka ngiting sabi sakin ni sir Dela Cruz.

"Mukang napa lakas ang suntok mo dito sa snatcher, Ma'am Suãrez," saad ni sir Dela Cruz habang tinitignan ang lalaking snatcher.

Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot. Akmang, sasabihin ko na sana ang totoong nangyari ng dumating ang babaeng na hablutan ng cellphone.

Si sir Dela Cruz na ang kumausap sakanya at pinasama ang babae papunta sa presento para makapag sampa ng kaso laban sa snatcher.

Hindi parin ako umalis sa eskinita at pilit naghahanap ng cctv para makita ko kung sino talaga ang sumuntok sa snatcher. Nang may makita akong coffee shop na malapit. Napansin ko din na may cctv na saktong-sakto na nakaharap sa kalsada kung saan ko nakitang walang malay ang snatcher.

Agad akong pumasok sa loob ng coffee shop para sana maki-usap kong pwede kong makita ang kuha ng cctv. Pumayag naman ang manager at agad ipinakita sakin ang kuha. Ngunit, wala kaming nakita sa cctv. Hindi din nakuha doon ang pag bulagta ng snatcher, tanging nag nakuhaan lang ay ang pagdating ko pati narin ang mga kasamahan kong pulis.

Bigo akong naglalakad sa kalsada papunta sa sakayan ng jeep. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nawawala ang scene na yun. Para bang may nag bura n'on, pero ang sabi naman ng manager sa coffee shop ay wala naman daw mag bubura ng mga kuha sa cctv.

Nakayuko akong naglalakad hanggang sa bumangga ako sa matigas na bagay. Agad naman akong nakabawi at napagtanto na hindi pala bagay yun kundi tao.

"Atticus.." sambit ko sa pangalan ng lalaki. Ang akala ko kasi ay umalis na ito kanina.

"Nagtatampo ako sayo," seryoso niyang sabi sakin na agad ikina lukot ng mukha ko.

"Suyuin mo ko." saad niya.

"Ayos na sakin ang isang kiss mula sayo, gusto ko yung laplapan para agad mawala ang tampo ko sayo," saad niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya.

"Tumabi ka nga!" sabi ko sabay tulak sakanya ngunit hindi man lang ito natinag. "Pwede ba, Atticus, padaanin mo ko? Kanina pa ako pagod na pagod sa trabaho ko, isama pa yung pag habol ko kanina sa snatcher na halos maubusan ako ng hininga. Kaya please lang, tigilan mo muna ako ngayon," seryoso kong sabi saka tinulak siya ulit.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon