"Hindi naman ako lumalandi! Nag k-kwentuhan lang kaya kaming dalawa–uno bitaw na naknampussy!" mahina akong natawa sa huling binigkas nya.

"Hindi ko alam may bisita ka, tatawagan sana kita kaso mas pinili ko nalang ang sunduin ka. Dinner tayo sa labas?" aya ko kay Olivia na mukhang okay na.

Nginitian nya ako, tumango saka tinawag ang babaeng hindi pa rin binibitawan ang tenga ni Iris. "Leigh, gusto nyo ba sumabay sa amin for dinner?" pag iimbita nya sa kanya.

"Alright." sagot nito sa kanya bago bitawan ang tenga ni Iris na namumula na. Kawawa naman sya at mukhang sadista ang asawa.

Pinakilala rin ako ni Olivia sa kanya at sinabi kung anong dahilan kung bakit magkasama sila. It's Everleigh Ponferrada, ngayon ko lang nalam police pala sya at hindi lang naging professor.

Hindi ko na sya tinanong kung anong dahilan nya dahil sasabihin naman ni Olivia sa akin ang lahat kapag oras na, respeto ko na rin sa privacy nya.

I'm still curious paano nalaman ni Iris ang totoong pagkatao ko, wala naman akong koneksyon sa kanila. Sinabi kaya ni Olivia? pero bakit?

*

Nasa byahe na kami ngayon, nauna ang sasakyan ng mag-asawa at nasa likuran ang kotse ni Olivia habang nakasunod sa kanila. Sya narin ang nagmamaneho dahil medyo wala sa kondisyon ang katawan ko.

"Bakit po pala alam nila ang tungkol sa akin?" tanong ko sa kanya.

"I told them, don't worry hon, you can trust them. Kailangan ko rin ang tulong ni Leigh, she's a policewoman." tumango nalang ako ng magkasunod, sabagay at wala kasi sa mukha ni Olivia ang maghintay, gusto yata agad ipakulong kambal ko.

"Honey," tawag sa akin at pinisil ako sa hita kaya napayuko ang ulo ko.

"Bakit?" tanong ko pero mukhang nagdadalawang isip yata kung magsasabi o hindi. "May problema po ba?" dagdag ko.

She heaved a sigh.

"I have something to say. I had been meaning to say this for a long time, but naunahan ako ng takot na mawala ka." nakaramdam agad ako ng kaba sa gusto niyang sabihin, masasaktan na naman ba ako?

Ngunit nilakasan ko parin ang loob dahil gusto kong malaman kung ano yun. "It's okay, handa akong makinig at iintindihin ko naman kung may dahilan." sagot ko bago hawakan ang kamay nyang nasa hita ko.

"Diba sinabi namin sayo noon na magkakaibigan kaming apat?" tumango ako at sumagot ng ou.

"The truth is that before you came into our lives, Jenkins and Thalia were dating while Kate was courting me." lihim akong napasinghap at nanlaki sa gulat aking mga mata.

Hindi ko nagawa ang makapagsalita at tulala lang nakatitig sa kanya. Gumuhit ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi, ngiti na parang pinagsisihan nya kaya agad kong nilihis ang ulo at tingin sa labas ng bintana.

Biglang pumasok sa isipan ko ang maraming katanungan. Paano yun? Kung may relasyon na pala si Thalia at Jenkins, bakit inalok pa nila ako ng kasal? Bakit hindi nalang nila pinakilala ang isa't isa sa mga magulang nila? also Kate? Nanliligaw kay Olivia? Hindi ako lubos makapaniwala.

"Pinagkatuwaan nyo lang ba ako sa kontratang inalok sa akin?" hindi ko alam kung anong mararamdaman. Para akong nahulog sa bitag nila at kusang binigay ang sarili.

"I-It's not like tha–"

"Then what?!" singhal ko kaya napaapak agad sya sa preno at takot ang mga matang tinitigan ako.

"H-Honey,"

"Pinaglaruan nyo ko?" diin kong salita.

"N-No."

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Where stories live. Discover now