Malaya ring nakakapasok ang sinag ng araw dito sa room niya dahil sa gawa sa glass wall ang ilang bahagi ng kwarto niya. Hindi na ako magtataka dahil may glass wall rin na makikita sa iba't-ibang bahagi ng bahay namin at sobrang ganda ng pagkaka-design.

Ga'non rin naman sa kwarto ko. Malawak at maganda pero mas nagagandahan talaga ako dito sa kwarto ni Kuya Samael kaya minsan ay mas pinipili kong tumambay dito dahil maganda ang ambiance ng kwarto niya. Minsan na rin akong nakitulog dito kapag nagmo-movie marathon kaming dalawa.

Mayroon rin siyang malawak na balkonahe kung saan masarap pagtambayan at sliding door pa ang pintuan ng balcony niya na gawa rin sa babasagin na salamin. Black and white ang interior design nitong room niya, maaliwalas at napaka-elegante rin nitong tignan.

Meron rin siyang bookshelf, mga nakasabit na painting sa dingding, malaking flat screen TV, mahabang sofa, babasagin na coffee table, king size bed na sobrang lambot ng mattress habang nasa kaliwang tabi nito ang mahabang bedside table at sa kanang gilid naman ng kama ay mayroong nakatayong lampshade.

Bukod pa 'don, may desk rin siya dito at swivel chair dahil minsan ay umaabot sa gabi ang trabaho niya at minsan ay mas pinipili niyang magtrabaho dito sa kwarto niya kahit pa na may office library naman siya dito sa bahay. May pagka-workaholic kasi si Kuya Samael.

May walk-in closet rin siyang malawak kung saan naroon ang mga mamahalin niyang mga damit, sapatos at ang collection niyang necktie at rolex watch.

Ngunit ang higit na nagustuhan ko dito sa kwarto ni Kuya ay yung wooden display shelf niya kung saan nakapatong roon ang mga picture namin mula nung bata palang kami kasama ang magulang namin hanggang sa tumungtong kami sa kasalukuyang edad.

Napangiti pa ako ng matamis nang makita kong naka-display rin roon yung litrato naming dalawa na mahahalatang selfie at nakasimangot pa si Kuya Samael doon dahil may nakapahid na icing ng cake sa mukha niya na ako ang may kagagawan.

It was his birthday last year where I surprised him and personally baked him a cake. May kahiligan rin kasi ako sa pagbe-bake ng mga cupcakes at cookies, and that's one of my hobbies.

Paborito ko rin yung malaking big frame namin na naka-display sa itaas ng headboard ng kama niya. Iyon yung huling picture na kasama namin sila Mommy at Daddy.

Pare-parehas kaming mga nakangiti doon at halatang isa kaming masayang pamilya. Pero dahil sa aksidente kaya nawala ang magulang namin. Nakakalungkot lang dahil murang edad palang kami ni Kuya Samael nang mawala sila sa amin.

Pero kahit na ilang beses na akong nakakapasok at nakakatulog dito sa kwarto ni Kuya ay meron pa akong hindi napapasok dito sa room niya.

There is a door inside his big and wide walk-in closet. And that door is forbidden for anyone to enter, not even me. Hindi ko nga alam kung bakit pinagbabawalan ako ni Kuya Samael na pumasok doon.

He always said that it was just his storage room and there was nothing important inside that door. Nalaman ko lang na may ganung pinto nang maaksidente ko lang itong makita nung one time na pumasok ako sa walk-in closet niya at eighteen years old ako that time.

One time I got curious so I tried to open that door, pero sadyang matindi at mahigpit ang pagkaka-lock nito. Hindi rin naman kasi ito basta tulad ng ibang door lock, hindi rin naman ito doorknob na kagaya ng mga nasa pintuan dito sa Mansyon na kailangan ng susi para lamang mabuksan ito.

It is an electronic smart digital door lock, kung saan may pipindutin na password para mabuksan iyon.

And I don't even know the password of that door lock. Sinubukan ko na nga rin yung pwedeng maging password, yung birthday ni Kuya Samael, birthday ko, araw ng pagkamatay nila Mommy at Daddy pero wala. Walang nangyari.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now