Hindi kaya.. carnapper ang taong 'to?

Titig na titig ako sa mukha niya ng makapasok siya sa loob ng sasakyan. Pilit kong inaalala ang mga mukha ng mga lalaking sangkot sa carnapping at baka kasali do'n ang lalaking 'to.

Tumingin naman siya sa 'kin at tinanggal ang suot niyang shades. Tinaasan pa niya ako ng isang kilay niya kaya tinaasan ko din siya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya sa 'kin.

"Carnapper ka ba?" Tanong ko na hindi na nakapag pigil.

Hindi naman ito makapaniwalang nakatingin sakin saka ito humalakhak ng tawa. Masama ko siyang tinignan habang tumatawa parin 'to. Nakuha pa niyang tumawa kaysa ihatid ako sa presento.

"Pick up lines ba yan?" Tanong niya sa 'kin habang tumatawa parin.

"Mabilaukan ka sana ng laway mo." Inis kong sabi sakanya.

Tumigil naman siya sa pagtawa saka binuhay ang makina ng kotse. "I'm sorry, moya Iyubov. Nakakatawa kasi ang sinabi mo." Nakangiti niyang sabi sa 'kin saka pinausad ang sasakyan.

Kumunot naman ang nuo ko dahil may hindi ako naintindihan sa sinabi niya, parang nabasa ko narin yata ang salitang 'yun.

"Bakit mo naman nasabi na carnapper ako?" Tanong niya habang ang mga mata niya ay naka tuon sa kalsada.

"Paiba-iba ka kasi ng sasakyan. Baka lang naman kasi kasali ka sa grupo ng mga carnapper." Deritso kong sagot.

"Ganon na ba talaga ka sama ang tingin mo sa 'kin?" Tanong niya habang palipat-lipat ng tingin sa 'kin at sa daan.

"Oo. Wala ka pang ginagawa suspect ka na agad." Naka ngiwi kong sabi sabay tingin sa bintana. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Ngunit agad akong lumingon sakanya saka ko siya binatukan sa ulo. "Fuck!" Mura niya sabay himas sa ulo niyang binatokan ko.

"What was that for?" Tanong niya na masamang nakatingin sa 'kin.

"Para yan sa pag sisinungaling mo sa 'kin n'ong isang gabi na ikaw ang ka blind date ko." Sagot ko saka aambahan sana siya ng suntok ng masalo niya ang kamao ko.

Inihinto naman niya ang kotse sa gilid saka siya tumingin sa 'kin. Hindi ko nasundan ang ginawa niya ng mabilis niya akong siniil ng halik sa labi. Pilit kong itinikom ang labi ko para hindi niya maipasok ang dila niya na tinutudyo ang labi ko.

Napasinghap ako ng mahina niyang kinagat ang ibabang labi ko dahilan para mag tagumpay siya sa binabalak niya. Nanginginig ang kamay ko na hindi ko alam kung hahawak ba ako sa balikat niya o hindi.

Tinigil niya ang paghalik sa labi ko saka siya tumitig sa 'kin. "Para yan sa pag pilipit mo ng daliri ko n'ong isang gabi." Sabi niya na parang ginagaya ang sinabi ko kanina.

Ngumisi pa siya ng nakakaloko saka niya ulit ako hinalikan sa labi. Mabilis ko naman siyang naitulak kaya hindi nagtagal ang halik na 'yun.

"Para yan sa pag suntok mo sa dibdib ko." Nakangisi niyang sabi. "Saka na ako maniningil sa ginawa mong pagsampal sa mukha ko," dagdag niyang sabi saka umayos ng upo at pinausad ang kotse.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakayuko. Hindi na ako naka-imik pa sa lalaki dahil feeling ko ay nawawala ang diwa ko. Lumipad na yata dahil sa halik ng lalaking 'to.

Naramdaman ko namang tumigil ang sasakyan kaya inangat ko ang aking tingin at agad nakita ang presinto. Nandito na pala kami, hindi ko man lang namalayan.

Tinanggal ko ang nakakabit na seatbelt sa katawan ko at agad binuksan ang pintuan para sana bumaba. Ngunit hinawakan na naman ng lalaki ang kamay ko kaya napalingon ako sakanya.

"I'm Atticus Romero, 29 years old. Single at handa ng kumalampag sa'yo. I have my own business, kaya makaka-asa kang hindi ka magugutom sa 'kin. Seryoso niyang sabi. Napakurap-kurap naman ako habang nakatingin sakanya ng mapagtanto ko na nagpapakilala pala siya sa 'kin.

"Wala akong paki kung single ka!!" Sigaw ko naman sakanya saka hinila ang kamay ko na hawak niya.

"Wala ka bang balak putulin ang pagiging single ko?" Seryoso na naman niyang tanong. May saltik yata 'to sa utak.

"Heh!" Sagot ko saka bumaba ng sasakyan niya. Malakas ko pang isinara ang pinto ng kotse niya saka deri-deritsong pumasok sa presinto.

Nakakarami na siya ng halik sa 'kin. Punyemas talaga ang lalaking 'yun. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang itulak siya. Para kasi akong tuod habang hinahalikan niya.

Sa kasamaang palad ay hindi ako nakasama sa pag papatrol. Kanina pa daw kasi naka alis ang partner ko dapat kaya naghanap nalang daw 'to ng kasama.

Umupo nalang muna ako habang inaayos ang nagkalat na mga papers. Wala pa namang dumudulog dito sa presinto kaya nag ayos nalang muna ako ng mga folder.

Tanghalian na pero hindi parin ako kumakain. Pina una ko nalang ang mga kasama kong kumain habang kami ni Fritz ay kinakausap pa ang babaeng pumunta rito sa presinto para ipa blotter ang ka live in partner niya dahil ginawa siyang punching bag.

Nag-inat lang ako ng katawan ng matapos namin ni Fritz ang trabaho. Hinihintay lang namin na bumalik ang mga kasama namin saka kami kakain ni Fritz.

Napadako ang mata ko kay Fritz na may hawak na malaking paper bag at agad naglakad palapit sa 'kin.

"May nag padeliver ulit sayo, Ma'am Suãrez." Sabi ni Fritz saka inabot sa 'kin ang malaking paper bag.

Kunot nuo ko naman itong tinanggap saka sinilip ang laman. "Mukang mga pagkain yan, Ma'am Suãrez." Naka ngising sabi ni Fritz sa 'kin. Tama ang sinabi ni Fritz, pagkain nga ang laman at mukang nang galing pa yata ito sa mamahaling restaurant.

"Delivery boy ba ang nag abot sa'yo?" Tanong ko kay Fritz.

"Ahm, parang hindi eh, matangkad siya na lalaki habang may suot itong shades kaya hindi ko makita masyado ang mukha niya." Sagot ni Fritz kaya napabalik ang tingin ko sa loob ng paper bag. May napansin akong maliit na papel kaya kinuha ko 'yon.

Eat your lunch, moya Iyubov'

Basa ko sa nakasulat. Dali-dali kong inilapag ang paper bag sa table at agad na lumabas ng presinto. Alam kung ang lalaking maluwag ang turnelyo ang nagbigay ng pagkain sa 'kin.

Palinga-linga ako hanggang sa napadako ang tingin ko sa kotseng naka park sa katapat ng presinto. Ang akala ko ay umalis na ang lalaki kanina ng maihatid niya ako dito.

Napatingin naman ako sa cellphone na hawak ko ng bigla itong nag ring. Hindi ko kilala ang number na tumatawag pero sinagot ko parin 'to saka ko itinapat sa teynga ko.

"Are you looking for me?" Tanong niya ng masagot ko ang tawag.

"Papano mo nakuha number ko?" Naka kunot nuo kong tanong sakanya.

"I have my ways, moya Iyubov." Sagot niya sa 'kin.

"Tigilan mo na nga akong hinayupak ka!" Sigaw ko sakanya.

Napadako ang tingin ko sa katapat naming building kung saan naka park ang sasakyan ni Atticus. Lumabas siya sa kotse at agad na kumaway sa 'kin habang nakangiti.

"Lubayan mo na ako, pwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay mo, pwes.. wag mo akong idamay." Sabi ko sakanya sa cellphone habang nakatitig ako sakanya sa kabilang kalsada.

"Ayaw ko! Sayo nga lang ako kakalampag." Sabi niya na ikina-irap ko sa hangin. "Eat your lunch, moya Iyubov. Ayaw kitang makitang pumayat kaya kumain ka ng marami." Sabi niya sa kabilang linya.

Hindi ko nalang siya sinagot at agad pinatay ang tawag. Ang dami niyang alam, sakin daw kakalampag, eh kung kalampagin ko kaya nguso niya.

Nagmamadali akong pumasok sa presinto para ibigay kay Fritz ang mga pagkaing binigay ni Atticus sa 'kin. Baka mamaya nilagyan niya ng gayuma ang pagkain eh di nagkagusto pa ako sa hinayupak na yun.




A/N: Hindi sana ako mag u-ud ulit pero may nang uto sakin dyan at sinabing maganda daw ako hahaha😂😂🤦‍♀️ ayan nag pa-uto naman ako. 😂

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now