Uminit tuloy bigla ang ulo ko ng maalala ko ang gabing 'yun. Ang walangya, napaka manyak. Hinawakan ba naman ang isa kong dibdib at talagang pinisil pa niya 'to. Nabwe-bwesit talaga ako t'wing naalala ko 'yun. Magbabayad talaga siya
sa 'kin. Sinusumpa ko sa namayapa kong ama.

Nag-usap lang kami ni Daphne at sinabi nito kung anong oras kami magkikita ng kaibigan niya at kung saan. Puro oo lang ang sagot ko dahil hindi ko mapantayan ang ka hyperan niya sa katawan. Mas excited pa yata siya kaysa sa 'kin.

Nagpaalam lang kay Daphne dahil maglalaba muna ako ng mga uniform ko.

Tinanggal ko ang suot kong uniporme habang naglalakad papunta sa kama ko at inilapag do'n ang damit ko. Lumapit ako sa lagayan ng damit ko saka ako kumuha ng maluwag na tshirt. Tinanggal ko pa ang suot kong bra at ipinatong 'yun sa kama. Mas komportable kasi akong kumilos kapag wala akong suot na bra. Medyo pinagpala kasi ako sa dibdib kaya nasisikipan ako pag naka suot ako ng bra.

Kampante naman akong maghubad dito sa bahay dahil wala namang makakakita sa 'kin. Tinanggal ko pa ang suot kong skirt kaya naka panty  at tshirt nalang ako papunta sa banyo.

Nilabhan ko lang ang mga damit ko saka ko sinampay din 'yun sa banyo. Gumawa kasi ako ng sampayan dito sa loob ng banyo dahil tinatamad na akong mag sampay do'n sa rooftop.

Nang matapos ako ay agad din akong naligo. Mabilis lang dahil gusto kong magpahinga.

Nakatapis lang ako ng t'walya habang naglalakad palabas ng banyo. Kumuha ako ng damit at agad na isinuot.

Nag tea lang ako dahil hindi naman nakakapagod ang ginawa ko kanina sa presinto. Humiga lang ako sa kama habang nag nag re-reply sa chat ni Daphne. Kinukulit kasi niya ako na mag suot daw ako ng dress, eh hindi naman ako comportable. Kung ano-ano pa ang sinasabi niya na mag make-up daw ako para mag mukha naman daw akong tao. Nilait din niya ako dahil sa kung paano ako maglakad, para kasi akong siga kung maglakad.

Hindi ko nalang nireplayan si Daphne at inilapag nalang ang cellphone sa sahig saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Kinabukasan, naghintay lang ako ng hapon dahil 6PM ang blind date ko. Gustong-gusto ko na talagang mag back out pero dahil may isang salita ako ay tumuloy parin ako.

Nag suot ako ng dress dahil kinukulit ako ni Daphne. Hindi niya talaga ako tinantanan kanina pang umaga kaya wala na akong nagawa. Siya din ang bumili ng dress at talagang pumunta lang siya dito para maihatid. Hapit na hapit sa katawan ko ang dress at medyo masikip sa may dibdib ko.

Naglagay lang ako ng light make up saka sinuklay ang mahaba kong buhok. Hinayaan ko lang na naka lugay ang buhok ko.

Kinuha ko lang ang sandals at isinuot 'yun saka tumingin ulit sa salamin para makita ulit ang ayos ko. Nang makita kong maayos na hitsura ko ay agad akong lumabas ng apartment ko saka inilock ang pinto.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay panay text sa 'kin si Daphne kung naka bihis na ba daw ako.

Habang pababa ako ay binati pa ako ng mga nakaka kilala sa 'kin na nakatira din sa apartment. Matagal narin kasi akong nakatira dito kaya kilala na nila ako.

Naka kunot ang nuo ko ng makita ko na naman na may papel sa windshield ko. Kinuha ko 'to saka binuklat. Ganon parin ang naka sulat katulad ng dati.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon