Chapter 45: Yakap

Magsimula sa umpisa
                                    

"O—hi-hindi ko alam, hindi ko na alam Joaqy!" sinubsob ko ang mukha ko sa aking palad. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. "Eh si Jairus ba, mahal mo?"

Natigilan ako sa aking narinig mula sa kanya. Hindi ko rin alam kung tama ba ang nararamdaman ko para kay Jairus. Kung mahal ko si Jairus, bakit ko pa ito ginagawa para kay Joaquin? Pero bakit ang hirap nang sabihin ang isang Oo sa katanungan niyang mahal ko pa ba siya? Ang gulo. Hindi ko na maintindihan.

"Hindi ko ala—"

"Pwes dapat alamin mo."

"Joaquin hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, nalilito ako."

"Malalaman mo."

"Ha? Anong ibig mong sabihin."

"Halika."

Kinuha niya ang aking kamay at nag simula na siyang hatakin ako palabas ng subdivision.

"Joaquin saan tayo pupunta?"

Imbes na sagotin niya ako, pumara siya ng tricekle at pinasakay ako. Hindi ko man naiintindihan pero ang alam ko lang ay seyoso si Joaquin sa kanyang ginawa. Tahimik kami sa byahe, hindi ako nagtanong o nag salita kung saan man kami pupunta hanggang sa pumara si Joaquin. Bumaba kami sa isang compound, masikip at magulo. Nakahawak lang si Joaquin sa aking pulso habang dinadaan namin ang bawat bahay na animo'y isang apartment. Huminto kami sa isa sa pinaka maliit na apartment sa compound, at doon ko naramdaman na binitawan ako ni Joaquin.

"Shar, dito na ako nakatira ngayon."

Alam kong dapat inasahan ko na ang sasabihin niya pero umasa parin ako na hindi sa tulad na lugar na ito maninirahan ngayon si Joaquin.

"Joaqy—"

"Halika, pasok tayo."

Sumunod ako kay Joaquin habang tinutunton niya ang daan papasok ng bahay nila. Magulo, mainit, at wala masyadong gamit ang bago nilang tinitirhan. Kung noon ang bahay nila Joaquin ay may malaking aircon sa sala, ngayon tanging maliit na binteledor na lamang.

"Shar," Tawag pansin sa akin ni Joaquin mula sa likoran ng bahay. Sinundan ko ang kanyang boses at nagulat ako sa aking nakita.

Isang Rottweiler na naka tali.

"Shar, ito si Bruno ang aso ko."

"Hindi ko alam na may aso ka pala." Mahinang sabi ko.

"Hindi mo talaga malalaman dahil tinago ko ito sa'yo."

"Ha? Bakit?."

Ngumiti lamang siya habang pinagmamasdan ang aso. "Bigay ni Dad sa akin si Bruno." Hinimas niya ang ulo ng aso habang masayang tinitignan ito. "Ayoko nang alalahanin kung kailan niya siya binigay sa akin dahil baka maiyak ako." Mahinang natawa siya. "Pero, ngayon kailangan ko nang mamaalam sa kanya, dahil kailangan na namin siyang e benta."

"Bakit Joaquin?"

"Mahal ang pagaalaga ng ganitong aso, at bukod pa dun kailangan din namin ng pera, Shar, naaalala mo ba ang unang pagkikita natin?"

"Oo."

"Di ba hinabol tayo ng aso?"

"Joaquin—"

"Si bruno yun."

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. "Kung gayun, aso mo ang humabol sa atin?" Paglilinaw ko.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon