Chapter 4

92 9 0
                                    

JASPER

Hay. Sa wakas tapos na ang klase buti na lang may naisagot ako dun sa pa-quiz ni ma'am kanina, wala eh sa sobrang gwapo ko sinabi sakin ng katabi ko yung sagot. In short, kinuha ko yung papel niya. Nagpaalam naman ako!

Nag-inat-inat pa ako bago ko kinuha yung bag kong laptop tsaka lollies lang ang laman. Kung tinatanong niyo kung anong ginamit kong ballpen eh wala naman akong dalang ganon? Well, sa sobrang gwapo ko kasi pati ballpen lumalapit na ng kusa.

Sinabit ko yung bag ko sa kaliwang balikat ko ng maangas na kinatingin sakin ng mga kaklase kong sweepers, tsk. Palagi nalang ba? Ganun ba talaga ako ka gwapo? Kahit kasi mama ko walang masabi eh.

Napangisi ako habang ngamangatngat ng lollipop at hinawakan ko yun gamit ang kanan kong kamay tsaka pumunta sa pintuan pero bago yun ay humarap muna ako sa kanilang lahat na tulala na naman sa kagwapohan ko. Tsk.

"Bye, classmates. Linising mabuti ang classroom maliwanag?" nakangiti kong sabi. Psh, tulala na naman.

"Ano siya teacher? Tsk."

"Umalis ka na lang. Dami pang sinasabi."

"Sige lang, mag amok ka lang jan, Havien. Hindi ka pa naman nakapag-quiz sa Pre-cal!"

"Tumahimik ka nalang Luro!"

Nagrambol na nga sila, tsk.

"O-ooh, l-linisin namin tong mabuti wag kang mag-alala."

Mas lalo akong napangiti dun, I have an unexplainable allergy kasi. Kunot-noo namang nakatingin samin si Havien.

"Good girl, Berta. Sige, mauuna na ako sa inyo." sabi ko sabay lagay ng lollipop sa bibig ko at kumaway ng nakatalikod.

"S-sige, ingat."

Umalis na ako ng room. Andun na siguro si Guan sa labas nitong school.

Habang naglalakad ay di ko maiwasang maisip ang nakaraan ko. Di naman kami mahirap pero di din naman kami sobrang mayaman kagaya nitong si Imperial. Tsk.  Pinaghomeschool kasi ako ni mama nung elementary ako kasi ayaw ko daw makihalubilo sa ibang bata. Pano ako makikihalubilo dun eh ang babata pa nga, mga plastic na. Pinasok lang ako sa school nung nag highschool na ako. Para daw maranasan ko ring pumasok ng maaga at gumawa ng assignments kapag deadline na. Gago kasi yung nakakatanda kong kapatid, tsk. Kaya ayon palagi akong nagcu-cutting para pumunta sa comshop, dun lang ako nag-eenjoy eh. (Paalala: Wag tularan si Jasper.)

"HUKK...Ano ba?!" nabigla ako ng may humila sakin at dinala ako sa....asan ba to?

"Wag na wag mong lalapitan si Kion!" napatingin ako sa demonyitang sumigaw at sa pagmumukha ko pa talaga ha?.

"Buang ka ba?" di ko maiwasang mapairap.

"W-what did you say?" nanlilisik akong tiningnan nito.

"Ay...Bingi ka na rin?"

"BAKLA!"

Wala na bang bago?

"Shemay ka! Tutulak-tulakin mo ko tapos sasabihin mong wag ko siyang lapitan, bogo ka ba?"

Nanlaki ang mga mata niya at nanlilisik na naman akong tiningnan tsaka nagsisigaw-sigaw na parang baliw.
"BAKLA KA! BAKLA BAKLA BAKLA!"

TUGUDUG!!!

Itinulak ko siya sa pader na kinasinghap niya sa gulat. Nakangisi ko siyang pinagmasdan. Sayang tong babaetang to, maganda sana kaso panget ng ugali. Yuck!

Jasper Reincarnated as a Boy Named JasperWhere stories live. Discover now