7th.

28 4 0
                                    

Dear Oppa,

Normal na araw lang 'to para sa tulad kong normal na medyo abnormal na estudyante. Gusto ko lang naman i-share sa'yo. Kunwari na lang naiintindihan mo ko at kunwari na lang rin kausap kita o kaya nababasa mo 'to. Magpanggap ka na lang para hindi ako magmukhang baliw rito. (Well, baliw naman na ata ako sa'yo e. Boom panes! Joke lang.)

Syempre pumasok ako sa school since P.E. time, nagpalit ako ng uniform sa CR ng girls. (Malamang, hindi ako pwede sa boys. HINDI NGA SABI AKO BYUNTAE!) Tapos narinig ko 'yung dalawang girls na classmate ko raw na nag-uusap. Nasa isang cubicle kasi ako tapos naririnig ko lang sila. Hindi muna ako lumabas kasi narinig ko agad sila.

Sabi ba naman nila sa akin ang freak ko raw. Tapos bakit daw ako nakikinig sa kpop e, hindi naman ako koreano. Aba, gustong-gusto ko na talaga silang labasin noon. Kaso naisip ko baka isipan nila, warfreak ako kaya hayaan na.

Pero oppa may tanong ako, KOREANO LANG BA ANG MAY KARAPATANG MAKINIG SA MGA KPOP SONGS? ABA, PUTAHAMNIDA NILA, BAKIT SILA NAKIKINIG SA ENGLISH SONGS, E HINDI NAMAN SILA MGA AMERIKANO. ANAK NG MGA NANAY NILA! Pakialam ba nila sa buhay ko? Mind their own business, bitch please.

Oppa, i love you. Okay lang ako. Okay lang talaga! Pero humanda sila, reresbakan ko sila.

Feeling mad,
렌지

Dear OppaWhere stories live. Discover now