4th.

35 3 0
                                    

Dear Oppa,

Balita ko may concert ka raw sa mga Asian countries. Kasama kaya ang Pilipinas? Feeling ko kasi maiichapuwera na naman ang bansang tinitirhan ko. Lagi namang ganun e.

Oppa, huwag kang magagalit kung bad girl ako pero kasi nakakainis na 'yung entertainment company niyo. Pangalawang concert mo na 'yan pero, arghㅡ BAKIT HINDI PA RIN NABABANGGIT ANG PILIPINAS NA KASAMA SA ASIAN TOUR MO!?

Masakit na a. Anong ginawa sa inyo ng Pilipinas para ganituhin niyo kami? Pero echos lang, oppa, kumbinsihin niyo naman 'yung namamahala sa inyo, 'yung CEO, na isama ang Pilipinas o kung sino mang umaayos ng concert mo. Nagmamakaawa ako, oppa.

Teka, bakit ba gustong-gusto kong magpunta ka rito? Kahit naman magpunta ka, hindi pa rin naman kita makikita dahil wala akong pera pambili ng ticket. Poor kid ako, you know. Palagi akong team bahay. That's masaklap! Pwe!

Lots of hatred, (sa company, hindi sa iyo)
렌지

Dear OppaWhere stories live. Discover now