Inulit ko ang pagkatok ngunit tulad ng nauna ay walang nagbukas dito mula sa loob kaya naman nagtaka na ako.

Sinubukan kong pihitin ang door knob at natagpuan kong bukas ang pinto.

"Semira..."

I called her while pushing the door open at sumalubong sa akin ang dim light ng kwarto. Lalo tuloy akong nagtaka kung bakit naka dim mode ang ilaw sa loob.

I look around to find Semira at agad ko itong nakita na nakaupo sa kama at bigla itong tumayo ng mapatingin sa akin saglit.

"Hindi ka ba nadidiliman Semira?" I asked bago naglakad palapit dito bitbit ang dala ko. "Dinalan na kita ng mga bagong damit but if you still want to choose for yourself like what you said earlier, just tell me, Im just in the other room."

Wika ko habang inilalapag ang mga damit sa kama matapos ay tumingin dito.

Natigilan ako ng mapatitig sa kanya na ngayon ay hindi makatingin sa akin ng diretso.

Kahit sa dim light ay nahalata ko ang tila pamumula ng ilong nito at yung mata niya ay parang itsurang galing lang sa pag iyak!

Medyo basa pa ang mga pilikmata nito kaya hindi ako maaaring magkamali at bakit tila nag iiwas ito ng tingin sa akin?

Nakatingin lang ako dito ng may pagtataka sa nakikita sa kanya.

"T-thank you..." Tanging sagot nito na lalong nag kumpirma ng iniisip ko.

The cracked on her voice says it all.

Tumango nalang ako kahit takang taka ako at gusto ko siyang tanungin if she's okay.

Ngunit pinigilan ko ang sariling gawin iyon dahil halatang hindi ito komportable base sa pag iwas nito upang hindi ko makita ang tila pag iyak niya.

"Sige na... Balik na ko sa room ko."

Tumango lamang ito bilang sagot kaya tuluyan na akong lumabas.

Nang makabalik sa sariling silid ay mabagal akong naglakad patungo sa couch na naroroon at umupo doon ng may may malalim na iniisip.

Why is she crying? May problema ba siya???

Kaya ba tila antagal nitong pumunta sa kwarto ko upang personal na pumili dapat ng gagamitin nito ay dahil doon?

Hindi kaya may pinagdadaan ito? And maybe that explain her weirdness, different moods and attitude. Wika ko sa isip ko.

Pinilit kong tanggalin sa isip ang nasaksihan na iyon and finished my night routine just before I go to bed.

Ngunit ng nakahiga na ako ay muling bumalik sa isip ko mga nakita kanina.

The image of Semira crying keeps showing on my head. And im feeling guilty sa hindi ko malamang dahilan!

Is it because I didn't comfort her? Didn't even ask her earlier if she's okay.... Yeah siguro dahil lang doon ang guilt na nararamdaman ko.

Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table ko at alas nueve na ang sinasabi ng oras doon.

Inabot ko ang remote control ng main light ng kwarto ko at akmang pipinduin ko na ang off light doon ng bigla akong makarinig ng katok sa aking pintuan.

Nagtataka man ay muli akong napabangon upang pagbuksan kung sino man iyon.

Nagulat pa ako ng si Semira ang mapagbuksan ko doon.

She's smiling at me na tila walang nangyare. Na kala mo ay hindi ito galing sa pag iyak lang kanina.

Humakbang ako paatras upang padaanin itong makapasok, thinking na baka kaya ito nandito ay para manghiram ng ibang damit at hindi nito natipuhan ang ibinigay ko.

CHASING MY FLING'S EX GIRLFRIEND!Where stories live. Discover now