Napabuga nalang ako ng hangin bago ako bumalik sa loob ng bahay. Agad akong lumapit sa laptop at tinanggal ang mukha ni Salem sa security ng bahay ko. Kinuhaan ko kasi silang lahat ng picture para pwede silang makapasok sa bahay ko kahit ano mang oras. Kapag hindi naka register ang mukha ng taong papasok sa bahay ko ay may lalabas na baril sa pinto ko para paulanan ng bala. Bahala si Salem bumulagta sa kalsada kapag nabaril.

Kumunot ang nuo ko ng marinig ko ang sunod-sunod na chat sa cellphone ko. Agad kong  kinuha ang cellphone ko saka ko binuksan ang group chat namin. Napamura ako ng mabasa ko ang topic ng mga gago.

Salem: Si Atticus na hindi pa tuli, stalker na sa babaeng pulis, mga comrades!!

Eros: Hindi pa ba siya tuli?

Bwesit tong mga 'to!

Aizen: Akala ko ba tuli na siya? sabi niya kasi
sa 'kin dati n'ong sabay kaming umihi sa banyo tuli na daw siya. 🤣

Ruwi: Si Atticus? Hindi tuli? Nasilip ko 'yung ano niya dati eh, kaya naman pala mukang kamatis. Hahaha🤣

Napahilot ako sa sentido ko sa message ni Ruwi. Agad akong nag reply sa kabaliwan nila.

Me: "Gusto mo isumbong kita kay boss Lucian na sinilipan mo ko?" Reply ko kay Ruwi.

Ruwi: "Joke lang! Kay Lucian lang ako maninilip no! Katulad ngayon, sinisilip ko."

Salem: Wengya ka Ruwi. Sabi ko paiyakin muna natin si Atticus eh," 😏

Me: Gago ka Salem! Wag na wag kang magpapakita sa 'kin at baka gilitan kita sa leeg.😑

Raizen: "Ang iingay niyo! Natutulog pa ang future                wife ko!"
P.S Totoo bang hindi pa tuli si Atticus?

Me: "Ulol ka!" Reply ko kay Raizen.

Bwesit talaga 'tong Salem na 'to. Mukang chinismis na naman yata ako sa mga kaibigan ko at ginawan-gawan ng kwento.

Lucifier: Willing akong tumili sa'yo, bud. May itak naman ako dito eh, pwede na siguro 'to. Kaso mamatay ka nga lang sa tetanus."

Salem: Ayos lang yan. Ang mahalaga matuli siya. Nagbibinata pa naman na yan!😂😂

Me: 🖕🏻🖕🏻🖕🏻

Agad kong pinatay ang cellphone ko dahil na bwe-bwesit na ako kay Salem. Mapapatay ko talaga ang gagong 'yun.

Agad akong napalingon sa pinto ng marinig kong bumukas 'to. Tumatawang mukha ni Caiden ang nakita ko kaya agad nalukot ang mukha ko.

"Napagtripan ka ni Salem ah," natatawa niyang sabi habang nakatuon ang mata niya sa cellphone niya.

"Humanda talaga sakin 'yun!" Walang emosyon kong sabi habang nakatutok ang mata ko sa screen ng laptop ko.

"Sino ba kasi ang sinasabi niyang babae?" Tanong ni Caiden na halatang naghahanap ng chismis.

"Wala kang masasagap saking chismis, Caiden." Sagot ko agad.

"Ano ba yan!" Sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Ang ganda talaga ng babaeng pulis na 'to. Kaya lagi akong nadaan sa express way, para madaanan ang babaeng police." Naka ngising saad ni Caiden sa 'kin. Natulos naman ako ng banggitin niya ang salitang babaeng pulis.

"Do you want to see the policewoman I'm talking about?" Naka ngisi niyang tanong. Hindi naman ako sumagot sakanya pero pinaharap parin niya ang cellphone niya sa 'kin.

Nakatitig ako sa screen ng cellphone ni Caiden at agad nakita ang babaeng pulis. "Ang ganda niya 'di ba?" Naka ngising tanong sa 'kin ni Caiden.

"Do you know her?" Galit kong tanong sakanya. Masasapak ko talaga 'to kapag hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Kanina pa ako badtrip kay Salem at baka si Caiden ang mabugbog ko.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now