"Tigilan mo nga ako, P01 August Suãrez." Sabi niya at agad akong inakbayan sa balikat. Sabay kaming naglakad papasok sa presinto at nag sulat sa log book. Hindi kami magkasama ni Fritz mamaya sa pag pa-patrol sa kalsada.

Nang matapos ako sa loob ng presinto ay agad akong lumabas at tinungo ang patrol car na naghihintay
sa 'kin.

Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok sa loob. Hindi kami masyado close ni sir Chavez kaya medyo naiilang ako sakanya.

"Good morning po sir!" Bati ko sabay saludo kay sir.

Sumaludo naman siya sa 'kin pabalik at binati niya rin ako. Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan saka 'to pina-usad. Mag pa-patrol lang naman kami kaya hindi masyado nakakapagod. Susuyurin lang namin ang isang lugar para mag
ikot-ikot.

Hanggang sa may nadaanan kaming mga tao na nagkukumpolan. Inihinto ni sir Chavez ang patrol car kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko at sabay kaming bumaba ng sasakyan.

Lumapit kami sa mga taong nagkukumpulan ng makita namin ang isang babae na sapo-sapo ang tagiliran dahil sa saksak.

Agad tumabi ang mga taong nag kukumpulan ng makita nila kami. Agad na lumapit si sir Chavez sa babaeng duguan na naka sandal sa poste. Kinuha ko ang radio para magtawag ng ambulasya para rumesponde dito sa lugar.

Ilang minuto lang ay dumating ang ambulansya at ang mga kasamahan naming mga pulis. Gumilid lang ako habang nakikinig sa mga bagong dating na mga pulis na iniinterview ang mga naka kita sa biktima. Marami pa akong kailangan matutunan lalo na't bagohan palang ako.

Agad umalis ang ambulansya sakay ang babeng duguan. Nakipag usap pa si sir Chavez sa iba pang pulis bago 'to lumapit sa 'kin kaya agad akong napa deritso ng tayo.

"Let's go, P01 Suãrez." Sabi niya sa 'kin.

"Yes, sir!" Sagot  ko at agad naglakad papunta sa patrol car at binuksan ang pintuan saka ako pumasok.

Nakatingin ako sa bintana habang hinihintay na pumasok si sir Chavez sa loob ng kotse. Marami paring mga tao na nagkukumpolan at nakikipag tsismisan sa nangyari.

"Iikot lang tayo sa isa pang barangay saka tayo kakain ng pananghalian, Ma'am Suãrez." Sabi sa 'kin ni sir Chavez ng makapasok siya sa loob ng sasakyan.

"Yes, sir!" Sagot ko agad.

Dumating ang hapon, natapos kaming mag ikot-ikot ni sir Chavez. Bumalik kami ulit sa presinto para gumawa ng report sa ginawa namin ngayong araw.

Naglalakad ako palabas ng presinto papunta sa kotse ko at agad pumasok sa loob. Tapos na duty ko kaya pwede na akong umuwi ng bahay.

Pinausad ko ang sasakyan at tahimik na nagmamaneho hanggang sa makarating ako sa isang highway. Ngunit, may isang kotse na sobrang bilis magpatakbo at talagang sinagi pa ang kotse ko kaya agad akong napahinto.

"Ay, ang walangya!" Sabi ko ng muntik akong masubsob sa lakas ng preno ko, mabuti nalang ay naka seatbelt ako. Agad akong tumingin sa unahan ng makitang huminto ang kotse na sumagi sa sasakyan ko.

Iginilid ko muna ang kotse ko bago ako lumabas. Bumaba ako habang nakatuon ang mata ko sa mamahaling sasakyan na nasa unahan ko. Isang spoiled brat na naman siguro 'to na binilhan ng mga magulang ng kotse.

Agad akong lumapit sa sasakyan at agad kinatok ang bintana ng kotse at sinenyasan ang tao sa loob na bumaba. Hindi ko kasi makita ang nasa loob dahil tinted ang bintana ng sasakyan niya.

Hindi siya lumabas kaya kumatok ulit ako at pinabalabas siya. Umatras ako ng kunti ng bumukas ng kunti ang pintuan ng kotse hanggang sa tuluyang lumabas ang isang matangkad na lalaki. Nahigit ko yata ang hininga ko ng magkasalubong ang paningin naming dalawa.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now