Nanlilisik ang mata niya na nakatingin sa 'kin habang hawak-hawak niya ang isa niyang dibdib na pinisil ko. "Bastos!" Sigaw niya sa galit na boses. "Huhuliin talaga kitang letche ka! Ang dami mo ng kasalanan sa 'kin." Galit niyang sabi at agad pinulot ang baril na nahulog niya kanina.

"Susuko ka o babarilin kita?!" Matapang niyang sabi habang nakatutok ulit sa 'kin ang hawak niyang baril.

Tangina! kung ganito ba naman ka ganda ang huhuli sakin, magpapahuli nalang ako basta't sa kwarto niya ako ikukulong.

"Sa kwarto mo ba ako ikukulong?" Hindi ko napigilang magtanong sa kanya. Walangyang bibig 'to hindi ko na preno. Dapat hindi ko siya tinanong.

"Napakabastos mong kriminal ka!" Sigaw niya na halatang mas lalo lang nagalit sa 'kin. Tinignan ko ang naka embroid niyang apelydo sa damit niya para mamaya pag uwi ko sa bahay ay hahanapin ko ang information niya.

Tumalikod nalang ako sa babaeng pulis para sana umalis ng maramdaman kong sinipa niya ako sa likod. Sinipa niya ako ulit ng makaharap ako sa gawi niya kaya agad kong hinuli ang binti niya at hinila siya palapit sa 'kin. Napakapit naman siya sa balikat ko kaya napangiti ako. Tanginang position 'to para kaming nagtatalik habang nakatayo.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha ng magandang pulis at mas lalong namangha. Maya makinis 'tong mukha at matangos na ilong. Natural din ang pagkapula ng kanyang labi. Ang sarap siguro nitong halikan. Nakapusod ang buhok niya kaya hindi ko alam kung hanggang saan ang haba. May nunal din siya sa tungki ng ilong niya na mas nakakadagdag ng ganda niya.

Nakatitig ako sa mga mata niya na halatang nagtatapang-tapangan lang.

Agad kong nabitawan ang magadang babae ng may nag paputok ng baril sa 'kin. Agad akong tumakbo ng magsidatingan ang mga kasamahan niyang pulis.

Mabilis akong tumakbo at lumulusot sa mga makikitid na eskinita. Naririnig ko ang mga yapak at sigaw ng mga humahabol sa 'kin kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

Hanggang sa nakarating ako sa isang tulay. "Tigil!!" Sigaw nila habang tumatakbo palapit sa 'kin.

Agad akong umakyat sa tulay at humarap sa gawi ng mga pulis bago ako tumalon.

Agad na lumubog ang katawan ko sa tubig kaya mabilis kong tinanggal ang maskara saka lumangoy.

Habang lumalanggoy ako ay iniisip ko ang magandang mukha ng babaeng pulis. Gusto ko tuloy amoyin ulit ang leeg niya. Amoy palang niya tinitigasan na ako, pano pa kaya kung nakahubad na.

Hahanapin kita mamaya, Policewoman Suãrez.

Umahon ako sa tubig at agad naglakad papunta sa highway. May nakita akong taxi kaya agad ko 'tong pinara. Huminto naman ang taxi kaya agad akong pumasok sa backseat at sinabi ang address ng subdivision. Napasandal ako sa likod ng upuan habang habol ang hininga dahil sa paglangoy ko kanina.

Mabilis na nakarating ang taxing sinasakyan ko sa harap ng gate ng subdivision. Inabot ko kay manong ang perang basa na dahil sa pagtalon ko kanina sa tulay. Tinanggap parin naman niya ng dinagdagan ko ng 5k ang pamasahe ko saka ako lumabas ng sasakyan.

"Good Evening po, Sir Atticus!" Bati sa 'kin ng naka tokang nagbabantay ng gate. Tumango lang ako at agad akong pinagbuksan ng gate para makapasok.

Naglalakad ako hanggang sa makarating ako sa bahay ni Ruwi. Ngunit, hindi na ako pumasok at naisipang bukas ko nalang ibibigay sakanya. May importante pa akong gagawin ngayon. Ang hanapin ang information ng babaeng pulis na 'yun.

Mabilis akong naglakad pauwi sa bahay at agad na pumasok sa loob. Tinanggal ko muna ang suot kong jacket at isinunod ang tshirt ko. Huhubarin ko na sana ang pantalon ko ng may nagsalita.

"Ayaw kong makita yan, Atticus."

Agad akong lumingon kung saan nang gagaling ang boses. Matalim ko siyang tinignan ng makita kong kinakain niya ang pagkain ko na nasa ref. Balak ko pa naman sanang kainin 'yun ngayon.

"Ano na naman ginagawa mo dito, Caiden?" Walang buhay kong tanong sakanya. Naka suot pa talaga siya ng white uniform. Sineryoso talaga niya pagiging taxi driver.

"Galing ako namasada eh, tapos nagutom ako." Sagot niya saka sumubo ulit.

"Bakit dito ka sa bahay ko kumakain? May bahay ka naman ahh," saad ko. Hindi sumagot si Caiden na naglakad sa may laundry area ko. Bumalik siya na may dalang t'walya saka hinagis papunta sa 'kin. Agad ko namang nasalo 'yun saka tinapis sa beywang ko at hinubad ang pantalon ko.

"May inutos si Ruwi sa'yo?" Tanong sa 'kin ni Caiden. Tumango lang ako sakanya saka pinulot ang hinubad kong pantalon sa sahig.

"Hugasan mo yang platong pinagkainan mo bago ka umalis, kundi ipapalo ko sa ulo mo yan!" Pananakot ko sakanya saka ako umakyat ng hagdan para pumunta ng kwarto ko.

Pumasok ako sa kwarto at agad naglakad kung nasaan ang laptop ko. Binuksan ko 'to at tinaype ang apelyido ng babaeng pulis.

Napangisi ako ng lumabas ang information ng babae. Nakatitig ako sa picture niya na nakasuot ng pulis uniform habang seryoso ang mukha. Agad kong hinack ang cctv sa apartment niya kung saan siya nakatira. Malaki ang apartment na tinitirhan niya. Hanggang 4th floor ang building at bawat floor ay may cctv na nakalagay. Tinignan ko muna kung saang floor ang apartment niya, pinlay back ko ang kuha ng cctv kahapon para malaman ko.

Agad akong napangiti ng makita siyang lumabas ng apartment niya. Nasa 3rd floor siya kaya agad kong hinack ang cctv sa 3rd floor para makita ko palagi si P01 August Suãrez.





A/N: Pangit story ko guys wag niyo ng basahin hahaha sabi kanina nong ano..😂😂

Assassin Series 7: Atticus RomeroNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ