Ganon naman lagi e. Hindi ko nakikitang nag aaral siya parang ang kalma niya lang lagi tuwing exam at napapasa niya talaga kahit na hindi siya nag aaral. Talagang matalino siya ngunit loko din. Si Lai naman ay seryoso, matalino silang dalawa kahit na hindi nila pag aralan ang mga lessons nila ay napapasa nila yung mga exam. Samantalang kami ay kailangan namin mag review mahirap na ma bagsak.

" Yabang ha" Natawa nalang kami dahil sa sinabi ni Zelena.

Buong araw ay nag aaral lang kami habang si Ven ay kumakain lang. Tinutulungan niya naman kami minsan.

" Tangina mo Ven tumahimik ka diko ma saksak sa utak ko ang mga ina aral ko " Inis na sabi ni Kiara. Kanina pa kasi siya kwento nang kwento tapos sinasapak pa niya si Kiara tuwing di ito pinapansin. Baka ngayon kung dito titigil ay masasakapak ito ni Kiara.

" Napaka good student niyo naman tama na pag papanggap guys" Matalim namin siyang tinignan dahil sa sinabi niya.

" Kung saksakin kaya kita nang matahimik yang bunganga mo" Pag babanta ni Zelena sa kanya.

Nag babangayan lang sila. Nilibot ko ang tingin ko sa buong starbucks  ngunit na pako ang tingin ko sa isang table na may tatlong lalaking naka upo at nag uusap. They look so familiar to me. Saan ko ba sila nakita?

" Hoy Salisha ano na?! " Agad kung binalik ang tingin ko sa mga kaibigan kung tumatawag sa akin.

" Sino bang tinitignan mo diyan ha? " Agad akong umiling nang sinubukang tignan ni Kiara sa ibang table na di masyadong malayo sa table namin. Agad kung hinarang ang katawan ko nang subukan niyang tignan.

" Yung tatlong lakaki bah? " Agad kung binigyan nang matalim na tingin si Ven nang sinabi niya iyon. Malakas pa naman pagka sabi niya.

Tinignan kung muli ang kabilang table nakita kung tinignan kami nang lalaking mukhang unbothered na unbothered. Laglag ang panga ko when he just rolled his eyes on me. Wow ha kapal nang mukha. Did he just fuckin rolled his eyes on me.

" Ano ba guys wala nga " Inis kung binalingan ang mga kaibigan kung pilit parin na tinitignan ang mga lalaki. Agad kung tinignan ang table nila at na laglag ang panga ko nang nakitang nandon na ang lokong si Ven. Nakipag high five pa ang loko.

Wait kilala niya ang mga lalaking iyon. Ngayon ay na alala ko na kung saan ko sila nakita. Sa Gym! Yung mayabang na lalaking iyan. Kilala ni Ven?!

" Crush mo yan ano? " Tinusok ni Zelena ang kiliran ko kaya matalim ko siyang tinignan.

" What the fuck? " Tinutukso parin nila ako. Nang bumalik si Ven ay kasama niya na ang isang lalaki na mukhang unbothered. Nasa likuran nila ang dalawang kaibigan nito. Tumayo si Lai at nakipag shake hand sa lalaking naka polo.

" Liam ,what's up bro " Bati yun ni Lai. Tinignan ko lang silang dalawa na nag babatian. Ganon din ang ginawa nang lalaking unbothered sa mundo. Yes unbothered siya hindi ngumingiti, walang timpla ang mukha at cold pa mag salita. Kunting kalabit na lang ay iisipin ko nang depressed ang lalaking ito.

" So let's play next weekend? " Pag yaya nang lalaking naka pula. Tumango lang si Lai.

" So i guess we need to go may pupuntahan pa kami" Nag pa alam sila kay Lai at Ven. Tinigna kami nang lalaki nag angat ako nang tingin at agad na nag tagpo ang paningin namin nang lalaking unbothered. Agad akong nag iwas nang tingin sa kanya , he look intimatadating, okay i admit he is attractive maganda ang features nang kanyang mukha . He have a perfect jaw,pointed nose and thick brows maganda din ang kurba nang kaniyang pilik mata maganda din ang kulay nang kaniyang mata it's hazel brown eyes.

" So ma una na kami girls" Ngumiti ang lalaki. Binalingan ko ulit nang tingin ang lalaking mukhang unbothered na ngayon ay nakatitig sa akin. Agad kung iniwas ang tingin at umalis na sila. Bat ganon yun maka tingin. Problema nun wala naman akong ginawa sa kanya kung maka tingin siya parang papatayin niya ako sa titig niya.

" Kilala mo yun? " Agad na tinanong ni Kiara si Ven na ngayon ay umupo na.

" Mga kaibigan yun ni Axel nakasama namin iyon sa varsity " Sabi ni Ven.

Kaya pala kilala nila dahil varsity pala nang school. Lahat nang varsity player nang school ay kilala ni Ven at Lai pati na din si Axel. So that's mean yung lalaking unbothered ay sa university namin nag aaral. Pero bakit diko siya nakikita.

" Sino yung naka pula? " Ngumuso si Kiara. Umirap si Ven dahil sa tanong ni Kiara.

" Ay wow iba din Kiara ha ang bilis. Pero sige dahil mahal kita sasabihin ko pero sa isang kondinsyon " Sabi niya at ngumiti nang loko. Di talaga mapanatag ang mokong na to pag walang kapalit. May binulong si Lai kaya mas lalong lumapad ang ngisi ni Ven.

" Gawin mo assignment ko" Agad na tumango si Kiara.

" Naks yan gusto ko masunurin good dog Kia" Tumawa kami ni Zelena dahil sa sinabi ni Ven. Matalim niyang tinignan si Ven.

" Alam mo kung wala lang akong kailangan sayo baka kanina pa kita sinapak. So ano nga? " Ngumisi si Ven bago mag salita. Hinintay ko din ang sasabihin niya.

" Yung naka pula yun si Dansel Sanlopez at yung naka grey yun si Liam Abonzo " Hindi ko alam pero hihintay kung sabihin ni Ven yung pangalan nang lalaking naka leather jacket kanina yung unbothered man.

" Oh familiar yung Abonzo na apelyido ha " Sabi ni Zelena. Hinihintay ko parin ang sunod na sasabihin ni Ven. Bat ba ang tagal niyang sabihin. Teka nga bat ako curious?

" How about that one guy wearing a leather jacket ano pangalan niya? " Tatanongin ko na sana siya nang tinanong ito ni Zelena sa kanya. Hinintay ko ang sagot ni Ven. Uminom muna siya nang coffee niya at pinunasan ang bibig bago mag salita.

" Lance Cassilion. Hindi niyo siya kilala? " Kunot noo kaming tinignan ni Ven.

" Mag tatanong ba kami kung kilala namin? " Sarkastiko iyong tanong ni Zelena. 

" Akala ko kasi kilala niyo ikaw Salisha dimo kilala?" Umiling ako. Hindi ko nga alam kung sino yung lalaking iyon. Basta ang alam ko mayabang siya i can feel in his presence tapos suplado pa, the first time i meet him at the gym. Ang attitude niya sa akin so duh i can say talaga na suplado siya.

" Naknang pating di niyo pala siya kilala siya lang naman anak nang magaling na negosyanteng si Mr, Cassilion" Mukhang gulat na gulat pa ang mokong nang malamang hindi namin iyon kialala.

Kaya pala medyo pamilyar sa akin ang family name niya. Anak pala siya nang sikat na negosyante nang lungsod na ito. I'm pretty sure kilala ni daddy ang pamilya nila, we also have business but not that big hindi katulad nang negosyo nang mga Cassilion. 

" Balita ko ay babalik daw siya sa team" Tanong ni Ven kay Lai.

" Yes. Sa next game ay kasama siya" 

" Naks sure win na yan nag babalik ang dalawang ace nang school natin " Mayabang ang tuno nang pagkasabi ni Ven doon. 

Simula nang umalis si Axel at pumuntang Amsterdam ay medyo nagka problema ang basketball team nang school namin. Ayaw man ni Axel na umalis ay kailangan niya dahil kailangan siya nang mommy niya. Ayaw din tanggapin noon ni Lai ang pagiging captain dahil dagdag lang daw ito sa iisipin niya. Aalis na sana si Lai nang umalis si Axel dahil sa totoo lang ay nakakapagod na daw yung basketball at wala na daw si Axel wala na siyang ka kompetensya. Kaya naman pumasok si Ven sa basketball team para samahan si Lai kaya hindi nalang umalis si Lai. Pero nang nag second year kami ay tuluyan na nga siyang umalis gusto rin ni Ven umalis ngunit hindi siya pina alis nang coach nila kaya pinagpatuloy niya nalang ang paglalaro. 

Hindi ko alam na yung Casillion na yun ay player din pala. Paano ko ma lalaman e wala naman akong paki. Oo, nanonood ako nang laro nila Axel at Lai noon pero hindi ko kinikilala ang mga ibang player.

Nang matapos kami mag study. Iwan ko ba kung matatawag iyong study kung ang ginawa lang naman namin ay nag chichikahan. Study nang kunti chikahan marami siguro oo ganon matatawag doon. 

" I heard na uuwi daw si Axel " Nandito kami ngayon sa hapag kumakain nang dinner pinunasan ko lang ang bibig ko bago mag salita.

"Upo next  month actually were planning to throw a party. A welcome party for him " Tumango si mommy.

" That's good then masyadong matagal din siyang di naka uwi" 


{sevencess}

_____________

The Memories I  CherishWhere stories live. Discover now