Mistake.35 - I'm Sorry

Start from the beginning
                                    

"Marami nang nabiniling comforter si Enzo. Baka masayang lang, mabilis pa naman lumaki ang mga baby." Totoo yun masyado nang maraming nabili si Enzo naiisip ko nang baka di na magamit ang iba dun o di naman kaya sayang lang paglumaki na ang baby.


"So what? Hayaan mo na ko. Isa pa you can change his comforter everyday with this." Pabirong sabi nya. Pilit nalang akong napangiti at napa'iling sa kanya. Hahayaan ko na, dahil mukhang hindi ko naman sya makukumbinsi. Hindi mapag'kakailang magpinsan sila, kung ano ang gusto yun ang nasusunod.


Kumuha pa sya ng ilang set ng laruan na sa tingin ko ay magagamit lang after 1-2 years ngunit hindi na ako nag komento. Matapos nun ay lumapit na kami sa cashier. Nung kami na ang magbabayad ay sya namang pag tunog ng cellphone nya. Tinignan nya ito bago sandaling lumingon sa akin.


"I have to take this call 'Emergency' here take this. I'll be right back." Sabi nya, inabot sa akin ang kanyang credit card saka lumayo para sagutin ang tawag sa kanya.


"Ma'am kailangan po ng pirma dito." Turo ng babae sa resibo.


"Wait lang Miss ah? Hindi kasi akin yan, antayin natin ang kasama ko." Buti nalang wala pang ibang naka-pila. At para bang nalaman ni Red na kailangan sya dahil nakita ko na syang papalapit sa pwesto ko.


"Kailanagan daw ang pirma mo." Sabi ko ng makalapit sya.


"Oh, yeah... sorry about that." Sabi nya saka pinirmahan ang dapat pirmahan.


"Cheyne, i hate to say this and put an end to our bonding time, but i have an emergency in the office, I'm really sorry." Sabi nya sa akin ng maka'labas kami ng baby store.


"Ano ka ba okay lang. Importante yun eh. Magta-taxi nalang ako pauwi, para di kana maabala." Sabi ko sa kanya.


"No, No. I hahatid muna kita, Enzo might kill me pag nalaman nyang hinayaan kitang magtaxi mag'isa." Maagap na sabi nya.


"Okay, ikaw bahala." Hinayaan ko nalang dahil alam ko namang wala akong maipapanalong argument pag isang Levesque ang kausap ko.


Nang makarating kami kung saan naka park ang sasakyan bya ay agad naming nilagay sa backseat ang mga napamili nya. Saka kami sumakay at binaybay ang daan pauwi.


Tuwing mahihinto kami sa stop light ay napapansin kong may tini'text si Red sa kang cellphone. I assume na yun ang emergency na tinutukoy nya kaya naman sinabi ko sa kanyang lilipat nalang ako ng taxi at ako nang bahalang magpaliwanag kay Enzo pero ayaw nya talaga. She insisted of taking me home kaya nanahimik na lang ako.


Hanggang sa marating na namin ang Exclusive village kung saan kami nakatira. After few more minutes ay nakarating na kami sa mismong harap ng bahay. Doon na rin ni Red napiling mag park para hindi na raw sya maglaba ng sasakyan mamaya. Nauna akong bumaba kay sa kanya at nag'door bell. Sumilip naman agad ang guard at agad akong pinagbuksan ng gate. Humingi ako ng tulong sa kanya na buhatin ang mga pinamili ni Red. Tutulong na rin sana ako pero pinigilan ako ni Red at inayang pumasok na, matapos nyang bilinan ang gwardya.


Kahit nagtataka ay kunot noo akong sumunod sa kanya. Napaka-OA naman ata na hanggang loob ng bahay nya pa ako ihahatid. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Hahayaan ko nalang ang trip ni Red ngayong araw.


Kotse ni Enzo na nakaparada ang una kong napansin ng makapasok kami ng gate. Kaya naman parang bigla akong kinabahan. Parang unti-unting nawawala ang lahat ng confidence na naipon ko kaninang umaga para makausap at maka'hingi ng tawad sa kanya. Napansin ko ring meron pang isang kotse sa tabi nito.


Unlikely Mistake ✔Where stories live. Discover now