"Taena, nakakahiya din pala" bulong ni Shreya sa akin. Ngumiti lang ako sa pagsang-ayon ko sa sinabi nya kaso nung tinignan ko sya pumait na mukha nya. Tumingin ako kay Luigi, di na ko magpapaligoy-ligoy pa.

"Dito muna kayo, Shreya. Kakausapin ko lang si Luigi" sabi ko kela Shreya na naka-upo na sa sofa nila Law.

"Huh, aano kayo Venus? Pwede bang sumama?" Tanong naman ni Mae.

"Uh, Mae okay lang ba sugat mo?" Biglang tanong ni Shreya kay Mae na nagpakuha ng atensyon namin. Lumapit si Shreya kay Mae at hinawakan nya ang kamay ni Mae. Tinignan nya ang lugar kung nasaan ang sugat. Nagtataka ako nang kinakampay ni Shreya ang kamay nya na parang sinabi na umalis na kami. Hinatak ako ni Luigi at pumunta kami sa may guests room. Nakatayo lang ako sa may pintuan habang si Luigi nakaupo na sa kama.

"Ano yung meron sa pusa?" Tanong ko agad.

"Yung tinitirahan ng mga pusa natagpuan puro droga daw doon" dahan-dahan nyang sinabi iyon. Tinitigan ko lang sya.

"Paano nangyari na may droga doon?" Kumunot naman ang noo ko pero kalmadong pa din ang tono ko. Dami kong tanong na nasa isip ko sa sinabi nya nun pero pinigilan ko muna magtanong. Kumakalabog ang puso ko dahil sa kaba.

"Ayun ang di pa alam ng mga pulis" sagot nya ulit ng dahan-dahan. Tumango lang ako sa kanya.

"Nasaan naman ang mga pusa?" tanong ko ulit.

"Nasa may sindikato daw" mas lalo tuloy lumalim yung kunot sa noo ko. Aanuhin naman ng mga sindikato yung mga pusa? Nasisisraan na ba sila? Kung di pa alam ng mga pulis tas nasa sindikato pa.....edi...? Tumingin ako sa dalawang amber na kulay na mata nya bago magsalita.

"Edi kunin natin" deretsong aniko na mukhang kinagulat nya.

"What? Tama ba nadinig ko?" tumango lang ako sa tanong nya.

"Mukha ba kong baliw?"

"N-no! Nakakabigla lang"

"Kung di pa nahahanap ng mga pulis yung suspek. Pwede natin sila tulungan doon, right!"

"That's dangerous, Venus!"

"Madami ka naman connections, right? Pwede mo yun gamitin para malaman kung sino suspek doon. Then, update mo na lang ako kung ano nangyari. Baba na tayo nagugutom na kasi ako" ngumiti ako bago nauna sa kanya umalis.

Bukas na bukas pupunta ako sa lugar na iyon titignan ko yung nangyari sa mga pusa.

"Ano nangyari dito?" biglang tanong ko. Pagkababa namin mula sa taas.

"Uh, si Mae kasi nagdugo ulit yung sugat nya kanina"

"Ano?" Ang alam ko nasarado ko naman ng maayos yung sugat nya bago kami umalis sa bahay nila.

"Nabungo kasi ako sa sofa doon kaya dumugo" tumango na lang ako doon.

"Mukhang umuulan na" tumingin naman ako sa bintana sa sinabi ni Shreya. Tumayo na ko nang natapos na gamutin si Mae ng mga maids nila dito. Lumingon ako kay Luigi para magpaalam na. "Aalis na kami"

"Lakas pa ng ulan baka pwede dito muna kayo matulog?" biglang umiling si Shreya sa nadinig nya.

"Mag-aalala magulang ko, Luigi"

"Mapapagalitan naman ako ng Mama ko" segundo ni Shreya.

"Huwag kayo mag-alala tinawag ko na mga magulang nyo"

"HA?!" Gulat na sabi namin ni Shreya. Lumapit sya kay Elio sa sinabi nito. Kinuha nya ang collar ni Elio at iniwagiwag "Bakit ka tumawag kela Mama, ha? Paano mo nalaman number nila? Paano sila nag sang-ayon sayo ha?"

"Teka, Shreya. Nalulukot damit ko, pumayag naman yung kapatid mo, si Shea ba yun? Sya yung naka-recieve ng call eh"

"Puta paano nakumbinsi yung malditang yun ha? Anong pang-aakit yung ginawa mo sa kapatid ko!" Binitawan nya pagkatapos nya sabihin yun at umupo naka subangot. Tumingin sya kay Law nang masama sa tingin ko may sinabi si Law sa kanya.

"So....stay muna kayo dito?"

"Ganoon na nga" sagot ko sa tanong ni Luigi.

"Dom't worry may mga clothes naman d'yan na tabi." napataas naman ang isang kilay ko sa kanya. Tinaas nya naman ang dalawang kamay nya sa pagsuko. "Di yun para sa mga babae namin, ah. Wala kaming babae. Baka gusto mo mag-apply maging babae ko free naman basta ikaw" kumalabog ang dibdib ko sa sinabi nya na yun at napatitig ako sa kanya ng matagal. Nafefeel ko yung init na mukha ko.

Jusko ganto palang di ko na kaya paano pa kaya kung mag-stay pa ko.

-----


To be continued....

Follow my x/twt acc and fb acc!! para naman makita nyo yung mga spoilers sa auo at makapag-interact ako sa inyu

x: ikigai2u

fb: Akie wp

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

fb: Akie wp

fb: Akie wp

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


©ikigai2u❣
[2022]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now