Venus:

Cge

"Uhm...nagtext si Luigi sa akin.." sabi ko sa kanila mukhang curious sila sino nag-chat sa akin kaya sinabi ko na.

"Pupunta ka kay Luigi?" Tanong agad ni Shreya. Sasagutin ko na sana kaso nagsalita si Mae.

"Aano kayo kay Luigi?" tanong ni Mae.

"Humihingi ng tulong si Luigi tungkol sa mga pusa... Pero don't worry bukas pa naman kami mag-memeet up"

"Bat hindi na lang ngayon?" suggest ni Mae. Tumingin ako na nagtataka, bakit parang nagbago isip nya kala ko ba gusto nya sa party ni Chel. Bakit ba ko nagtataka? Diba mas maganda yun? Kataka-taka naman kasi sinabi nya. Tumango naman ako sa sinabi ni Mae.

"Sige, tanong ko muna kay Luigi" pag sang-ayon ko sa gusto ni Mae. Chinat ko agad si Luigi at nagreply naman ito agad.

Venus:

Luigi pwede ba'ng tumuloy?

Luigi:

Ofcourse!

Venus:

Pwede din bang may kasama?

Sana pumayag si Luigi naisama ko sila Shreya. Ayaw ko sila iwanan dito lalo na si Mae na excited pumunta doon.

Luigi:

Sure, just for you Venus🥰🥰

Luh, 'just for you' daw. Medjo kinilig naman ako HAHAHAH. Kainis naman!

"Pumapayag si Luigi"

"Talaga!" ani nang kinikilig na Mae. Kinuha nya ang powder sa bag nya at inayos ang sarili nya. Nakabusangot naman si Shreya parang ayaw nya ata sumama.

"Okay ka lang ba d'yan? Busangot ka dyan"

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa bahay ni Law"

"Weh?! Talaga ba??!" singit ni Mae sa amin. Yung ngiti nya abot na sa taenga habang si Shreya yung sama ng loob nya abot sa tuhod.

"Tama nga hinala ko" bulong ni Shreya napapikit pa sya.

"Tara na! I'm ready, pindutin mo na yan!" utos ni Mae kay Shreya. Nasa harap na kami ng bahay ni Law.

"Sandali lang naman makapag-utos, ah. Tignan mo naman mga suot natin."

"Bilis mo na"

"Eto na!" Pagkapindot ni Shreya sa doorbell. Niluwa agad si Luigi doon.

"Hi, Luigi" bati ko agad sa kanya.

"Hi Venus....Shreya and.....?"

"Mae" pagtuloy ko sa sinabi niya. Napatingin naman sya sa suot ko. "Wala lang to" inunahan ko na sya baka magtanong pa eh. Tinakpan ko ang suot ko nung nadama ko na ang kahihiyan dahil sa titig nya. Ngumiti lang sya sa akin.

Bakit to ngumingiti? Ano nakakatawa? Yung suot ba namin? Kahit siguro ako matatawa kung makikita ako ng suot na ganito. Biglang nag explain si Shreya kay Luigi. Napangiti ako dahil sa tono nya na bored. Pagkatapos nya mag-explain inaya kami ni Luigi na pumasok sa bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Unpredictable OperationWhere stories live. Discover now