13

58 5 0
                                    

Jyedisse's POV

"Anong ginawa mo pagkatapos no'n?" Tanong ni Reverie, may awa sa mga mata.

"Wala," sabi ko sa kaniya at nagkibit-balikat.

"Ha?! Anong wala?!" Gulat na tanong nito at nakakunot na ang noo ngayon. "Hindi mo man lang ba sinabi ang totoong rason?"

"Wala na rin naman patutunguhan," sabi ko rito at inayos ang mga librong hawak ko. "Sige na, mauna ka na umuwi. May pupuntahan pa ako."

"Mag-kwento ka pa ha!" Pahabol pa niya pero inilingan ko na lamang siya.

Si Reverie ang naging kaibigan ko noong nag-transfer ako rito sa Tagaytay noong grade 12. Pareho kaming ABM at siya ang naging best friend ko rito. Nakakausap ko pa rin naman sila Yrein at pumupunta rin sila rito, isang linggo sa isang buwan.

Ilang taon na ang lumilipas pero hindi ko pa rin siya malimutan. Ni wala na nga akong balita sa kaniya simula no'ng umalis sila ng bansa. Ang huli kong balita sa kaniya ay bumalik sila ng Russia kasama ang pamilya niya. Pero ang alam ko ay bumabalik naman dito ang pamilya niya, siya lang ang hindi.

I pursued being  doctor. I graduated Senior High School when  I was 17. I graduated college when I was 21. And now I'm 25 years old, graduating in med school.  5 years pa for residency.

Malayo na ang nararating ko pero alam kong malayo pa rin ang lalakbayin ko.

In the years that have passed, not everything has been easy. It took a long time before my mother was able to move forward with what happened to us, kahit ako.

I will admit to myself that I am still looking for her presence. I'm too used to it. Sa lahat ng taong nakakausap ko, hinahanap-hanap ko 'yong paraan ng pagtrato niya sa akin. Hinahanap ko 'yong amoy niya. Hinahanap ko 'yong berde at madilim niyang mga mata, 'yong malamig niyang boses at 'yong grade-conscious na Serene.

Kahit ilang taon na ang lumipas.... mas nangingibabaw pa rin siya sa lahat. I tried to date a man but none of the dates I went on worked. Laging siya ang naiisip ko.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at inilagay ang bag at libro kong dala-dala sa kabilang upuan. Today is the day of Klaire's death. 8 years na simula noong nawala siya. Laking pasalamat ko nga dahil sa semi-private siya na cemetery nakalibing. Pwede ko siyang dalawin. Ilang oras ang byahe bago ako makapunta pero ayos lang dahil para naman sa kaniya 'yon.

Sa loob kasi ng walong taon, dinadalaw ko siya tuwing may occasions o kaya naman araw ng pagkamatay niya.

It is true what she said that it looks like she will die early. Hanggang ngayon ay may parte pa rin sa akin na nalulungkot, lalo na hindi ko rin nadadalaw si Sir Dylan. Ang alam ko kasi ay he's in a Sanders cemetery. Pribadong-pribado at family members lang yata ang makakapunta. Pati 'yong mga may pahintulot.

Nang makarating sa puntod ni Klaire, kaagad akong umupo sa damo at sinindihan siya ng kandila. Pinagpagan ko rin ang tomb niya. Tinitigan ko ang mukha niya na nasa frame at kahit kailan talaga ay napapahanga pa rin ako sa kagandahan niya.

"Klaire Gonzales Lee...." Pagbabasa ko sa pangalan niya at tipid na ngumiti.

"Hindi pa rin ba namin oras ni Serene?" Mahinang tanong ko sa kaniya, sana lang ay marinig niya. "Ilang taon na lumilipas.... bakit naman ang tagal?"

Nagsimulang magtubig ang mga mata ko at sabay-sabay tumulo ang mga luha ko. Tumingala ako para pigilan 'yon pero tuloy-tuloy lang ang mga ito.

I started sobbing and covered my face with my hands and cried harder. "D-does she... not want to s-see me? Galit... ba siya sa akin? Ayaw n-niya na sa akin?"

My Constant Where stories live. Discover now