04

69 7 0
                                    

Jyedisse's POV

"Oh, kamusta na 'yong tinuturuan mo? Lumambot na ba?" Tanong ni Yrein sa akin, best friend ko.

Sa totoo lang ay circle of friends kami. Ako, si Yrein, Faide at Luna. Classmate ko sila noong junior high school, nagkahiwa-hiwalay lang kami ngayong senior. ABM ang strand ko at si Yrein tapos 'yong dalawa ay STEM.

"Sa tingin ko naman ay may improvement," sagot ko sa kaniya.

Uwian na namin ngayon at may dala-dala akong mga libro dahil kailangan kong mag-review at may paparating na exams.

"Paanong improvement? Close na kayo? Baka mamaya, siya na ang bago mong best friend ha!"

"It's not that we're close. Ang improvement na sinasabi ko ay naaaya ko na siyang lumabas minsan at hindi na siya masiyadong inis," pagku-kwento ko pa at inayos ko ang pagkakahawak ko sa libro.

Naalala ko pa na muntikan ko nang malaglag 'yong ice cream na ibinili niya dahil hindi ako makapaniwala na may girlfriend siya. Hindi kasi halatang baliko siya. I think she's a bisexual na feminine. Maybe her girlfriend is lucky because she sees that side of Serene that no one else sees. I mean, cold at masungit si Serene sa iba at ang girlfriend niya lang yata ang binibigyan niya ng special treatment.

Bago rin ako umuwi ay humingi siya ng sorry sa akin dahil nasigawan niya ako. She said she didn't mean it and was just moved by emotion. Kaya noong umuwi ako sa bahay ay halos mapunit na ang aking labi dahil sa ngiti, may good side rin pala siya.

"Hoy, nakakatakot ka! Ngumingiti ka na lang diyan mag-isa," sabi ni Yrein na nakapag-pabalik sa akin sa wisyo.

Hinawakan ko pa ang labi ko at nakumpirma ko nga na nakangiti ako. Tangina, hindi na tama ito.

"May naalala lang. Oh, there's your driver, uwi ka na. Ingat!" Sabi ko sa kaniya at itinulak pa siya. Aasarin lang ako no'n.

"Pag-uusapan natin 'yang nararamdaman mo, Disse!" Sigaw niya pa, halatang nang-aasar.

Ngumiti lang ako hanggang sa mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang driver ko.

"Magandang hapon, hija, binilin sa akin ng mama mo na sabihin ko sa 'yo na mala-late siya ng uwi," sabi ni Manang, ang matagal na naming katulong.

Tumango naman ako dahil baka busy siya sa trabaho. She's an architect, kaya naman sa tuwing may pupuntang bisita sa bahay namin, lagi nilang sinasabi na ang ganda ng design ng bahay namin.

"Taas na po muna ako," paalam ko sa kaniya at ngumiti.

After I went upstairs, I immediately changed my clothes. I lay down on the bed and opened my cell phone.

May mga rereview-hin pa ako pero inuuna ko na naman ang social media. Inopen ko ang Instagram ko at sinearch ang pangalan ni Serene, pero wala akong nakita roon. What else can I expect? She doesn't like this.

Naisipan kong i-text si Sir Dylan para hingiin ang number ni Serene.

Me:
Good afternoon po, can I have Serene's number po ba?

Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply. Buti na nga lang ay hindi na siya nagtanong pa.

Noong na-save ko na ang number ni Serene, tinawagan ko kaagad siya.

A few rings before she answered it.

"Yes? Who's this?" Malamig at pormal ang tono niya. Mukhang pagod pa nga.

Napanguso ako dahil doon, ganoon na yata talaga siya.

"Hi. It's me, Jyedisse, I took your number from your father." Sabi ko at mahinang tumawa.

Paniguradong nakakunot na naman ang noo niya ngayon.

"Why did you call? I'm still in school," she said.

Nahiya ako bigla dahil baka mamaya ay nagka-klase pa sila. "Hala, nasa klase ka pa? Sorry!"

"I just finished class but I went to the library. So, why did you call?"

I sighed. "Kakamustahin ko lang mga exams mo, baka kailanganin mo na ng tutor." Palusot ko pa kahit gusto ko lang naman talaga marinig ang boses niya.

Hindi ko rin alam sa sarili ko pero para na-attached na ako sa presensiya niya, kahit sabihin mong malamig at madali siyang mainis. Saulo ko na kaagad siya. Pero siyempre may mga ibang bagay pa rin akong hindi alam.

"I told you I don't need a tutor. I passed all exams, quizzes and activities," she said in a boastful tone.

"Yabang," tanging nasabi ko na lang. Totoo naman na matalino talaga siya, lahat ng itinatanong ko sa kaniya ay nasasagot niya.

"Se, you're just there! I've been looking for you," rinig ko sa kabilang linya.

It was a woman's voice. Sa boses pa lang ay mahahalata mong mayaman din.

"Hi, my Klai, I was going to text you so you know where I am but I forgot because I was looking for some books." Paliwanag ni Serene, The tone of her voice was very different.

If her tone is cold, lifeless and formal to others, kabaliktaran naman 'yon sa kausap niya ngayon. Malambot, naglalambing at malumanay.

Is that her girlfriend? It's true that her girlfriend is lucky. Just by the tone, you will know that Serene really loves the girl.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko rin alam kung bakit. I don't want to like her, hindi puwede. But my heart and tears always betray me.

"Oh my god, you were on the call, I didn't see it. Sorry babe, continue your conversation first. I'll just sit there in the empty seat, waiting for you." The woman said and she was obviously surprised but her voice was really sweet.

"I will hurry here so you can go home," Serene said in the softest tone.

"Hey, are you still there? Sorry about that," malamig na ang boses niya at pormal. Hindi katulad kanina.

I cleared my throat. "Grabe, ang sweet mo naman pala! Akalain mo 'yon may tinatago ka palang sweetness," pang-aasar ko pa sa kaniya kahit tumutulo na naman ang mga luha ko.

She sighed. "Don't use that to tease me. Anyways, she's my girlfriend and her name is Klaire. Do you have anything else to ask? I'm going to hang up the phone."

"No, wala na, thanks sa time!" I said and I also turned off the phone.

Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? Paano na lang ako aakto sa kaniya kapag nagkita kami ulit? Ang sabi ko ay kakaibiganin ko lang siya, hindi iibigin. Tangina mo naman kupido!

My Constant Where stories live. Discover now