Habang naglalakad kami ni Emman palapit sa table nila Sammy ay napahinto kami ng may makasalubong kaming waiter na may dalang iba't-ibang klase ng alcoholic drink. Kumuha ako ng dalawang magkaibang drink tsaka ko iyon dinala sa table kung nasaan sila Sammy, Nel at Simon.


"Oh? Akala ko ba hindi ka iinom?" natatawang sabi ni Emman sa akin pagkaupo namin.



"Sabi mo nga diba, hindi ako basta-basta nalalasing. Tsaka dalawa lang ito. 12 mn, matutulog na din naman ako."




"Oo nga pala. O sige, tama yan! Dagdagan mo pa ! Unlimited drinks ang serving namin dito!"












Maybe, 30 minutes ago ng matapos kumanta si Arman ay hindi ko na ulit ito nakita pa sa venue. Siguro ay natulog na or maybe hanging out with some girls—— yeah, maybe. Whatever. Naubos ko na din yung isang glass ko ng alak. Nakakalimang opm songs na din ang pinapatugtog sa stage. Ang sarap-sarap talagang kausap nitong mga kaibigan ni Arman. Sammy gives me this vibes na Ate mong best friend, ganun ang vibes na nabibigay niya sa akin. She always keep on telling me since nagkakilala kami na natutuwa daw siya kasi nakahanap na ng katapat si Arman. Hindi naman ako naglilihim sa kanila pagdating kay Arman. Ikinwento ko yung mga kagaguhang ginagawa ni Arman sa akin during works. Wala kasi akong ibang mapagsabihan maliban kay Jenny, si Sammy lang. Kasi alam kong kilala nila ang kaibigan nila.




She always telling me na mabait si Arman. Pero bakit hindi ko iyon makita? I mean, he's always like a demon everytime na nagkakasama kami. Na lagi na lang nagugulo at nasisira ang araw ko. Sabi pa nito na kaya ganun si Arman sa akin ay baka nag eenjoy ito na nakikita akong naiinis. At hindi iyon nakakatuwa for me—-Iniisip ko nga, himala na lang yata para maging mabait itong tao na ito sa akin. Haays. Tao ako. Tao parin ako, kaya sana maging makatao naman siya sa akin. Kung sanay siyang galitin o mang-inis ng babae, ibahin niya ako. Isa yun sa dahilan kung bakit nalalayo ang loob ko sa tao. Bakit ang hilig-hilig nilang paglaruan yung feelings ng tao, it gives me false hopes & I hate it kapag umabot na sa false feelings. Natatakot ako.




Oo, kapag ginagalit niya ako, ginagawa ko ang lahat para galitin din siya. Kasi gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya yung feeling kapag masa situation ko. Ayokong matalo sa laro niya. Hindi ako papatalo. Kung totoong nakikipag-laro siya, sisiguraduhin ko na hindi ako ang matatalo. Scorpio din ako, competitive.





Hawak ko na ang ikalawang glass ko when I saw Arman sa door ng Pavilion. He's talking with a mestiza girl wearing a black fitted dress. Sexy ang babae dahil halata ko sa hubog ng katawan nito. Nakatalikod kasi ito sa direksyon ko. Si Arman naman ay nakangiting aso na nakatingin sa mukha ng babae habang nagsasalita ito. Magkausap sila. Masyadong malayo sa direksyon ko pero kitang-kita ng mga mata ko. Luckily, suot ko ang salamin ko. Napataas ng bahagya ang isang kilay ko ng mapansin kong hinampas ng pabiro ng babae ang braso nito—- lah? Close?

Naiwan si Arman sa bandang pinto ng Pavilion ng mag excuse yata yung girl to get some drinks, ubos na yata niya yung kaninang hawak niya. Ngayon, klaro na sa mga mata ko ang itsura ng babae. Oo, maganda— mukhang nakakataas-taas sa buhay. At may magandang hubog ng katawan at busog na hinaharap. Babaeng madaling magpabilog sa ulo ng mga kalalakihan.

Umisang lagok ako ng alak at iniba na lang ang direksyon ng tingin at kunyari ay nakikinig sa kwento ni Nel pero hindi—- Gusto ng mga mata kong makasagap ng chismis ngayon. Hindi pwedeng mawala sa paningin ko si Arman. Maaga pala kami bukas at kailangan kong siguraduhin na matutulog at magpapahinga din ito ng maaga. Tsss, tama ba? O masyadong personal kung kailangan ko pang mangealam sa oras niya sa pagtulog? Tss.. Bahala nga siya!!



Siguro ay isang oras na ang lumipas. Oras na para bumalik ako sa room ko at matulog. Nagpaalam na ako kila Emman at kila Sammy. Alam naman nilang need ko na talaga magpahinga dahil may trabaho na naman ako bukas. Nasundan pa ng isa pang trabaho dahil after namin sa Batangas ay babalik agad kami ng Manila dahil may callback si Arman for his role sa bagong Musical Show kung saan siya nag -audition. Malakas ang kutob ko na sa kanya mapupunta ang role. Sure ako doon. Magaling siya eh.



WANDA For YouWhere stories live. Discover now