"Hindi ko ho kayo sinisisi sa nangyari, nanay. Naging mahirap para sainyo ang manatili sa tabi ko." Aniya dito.

Lalo lamang itong umiyak dahil sa kaniyang sinabi.

Nakita niya ang pagtayo ni Kim at ang pagtalikod nito sa kanila. Malamang ay may hindi naiintindihan ang dalaga sa nangyayari. Ni hindi man lang ito yumakap sa kaniya, hindi ito masaya na nageexist siya.

Kita niya ang pagsunod ni Ien kay Kim.

Hindi niya na pinansin ang dalawa at pinagtuonan ng pansin ang kaniyang ina.

"Patawarin mo ako, Maria, anak." Pahayag pa sa kaniya ni Luisa. Inalo lamang niya ito.

"Babalik nalang ho ulit ako dito sa mga susunod pang araw. Gusto ko ho sanang makapiling pa kayo ngayon kaya lang ay kailangan na naming umalis.." pagpapaalam niya sa kaniyang ina.

Gabi na rin at may mga trabahong tinatapos pa si Ien. Sa pagkakaalam niya ay nagduduty din ito sa hospital dahil isa itong doktor.

Ayaw naman niyang maapektuhan ang mga nakalatag sa schedule nito dahil lang nais pa niyang manatili.

"Bumalik ka, anak. Gustong-gusto din kitang makasama ka. Ang tagal na panahon nating nagkahiwalay.." madamdaming salita nito.

Tumanaw si Maria kay Kim na nasa likod ng kanilang ina. Nakatingin lamang ito sa kanila habang may hindi maipaliwanag na ekspresyon.

"Mag iingat kayo ni nanay dito, Kim. Mauuna na ako." Bilin niya sa kapatid kahit na parang wala naman itong kabalak-balak na kausapin siya.

Tumango lamang ito sa kaniya.

"M-mag iingat ka rin." Anito sa kaniya.

Ngumiti siya sa kapatid. Kahit papano ay concern din ito sa kaniya.

She really hope na balang araw ay makaclose niya ang mga kapatid. Gusto niyang bumawi sa mga panahong hindi sila nagkasama-sama.

Masaya siyang malaman na may mga kapatid siya. Mas marami na ngayon ang mga taong matatawag niyang pamilya.

Lumapit si Ien kay Kim upang magpaalam.

"Bye, baby. Babalik ako bukas." Anito bago hinalikan ang pisngi ng dalaga.

Sumakay na sila sa sasakyan upang umalis.

Napansin ni Maria ang isang sasakyan na nakasunod.

"I know, I can also see.." bulong ni Ien na tila alam na ang kaniyang iniisip.

"Ililigaw ko lang ang siraulo, magpahinga ka lang diyan." Salita ni Ien sa kaniya.

May tiwala siyang malulusutan ni Ien ang nakabuntot sa kanila kaya naman ikinalma niya ang sarili niya at ipinikit ang mga mata.

Nagising na lamang siya sa mahinang pagtapik sa kaniya ni Ien.

"We're here. Nailigaw ko na ang kakambal ko. But we need to be careful, hindi iyon matutulog lalo na ngayong alam niyang itinatago kita." Pahayag ni Ien sa kaniya. "Pumasok ka na sa loob, huwag ka munang lumabas bukas, hayaan mong si Maan ang mag asikaso sa pangangailangan mo."

Tumango siya dito. Lumabas siya ng sasakyan, ganun din si Ien at para ihatid siya sa pintuan.

"I'll go ahead. Mag iingat ka dito." Paalam ni Ien sa kaniya.

"Thank you for this day, Ien. Mag iingat ka sa pagmamaneho." Huling salita niya sa binata bago pumasok sa loob ng kabahayan.

Naglinis siya ng katawan bago nahiga sa kaniyang higaan.

Inilapag ni Maria ang baso na ininuman niya ng tubig. Hinugasan niya ito bago muling ibinalik sa lalagyanan ng baso.

Nagpunas siya sa may bimpo na nakasabit sa ibabang bahagi ng lababo.

UnintentionalWhere stories live. Discover now