Dala ang papel, bumalik ako sa room namin. Wala pa ring teacher pero nakaupo na silang lahat. Including sir Gloomy na nagbigay ng speech kanina. Naupo na rin ako at tinignan ulit ang papel. Hm... Kanino ka kaya galing? A pink envelope with red colored seal. First time in my life ako makatanggap ng ganito. Hehe... Kung kanino ka man galing, thank you sa nagbigay. Hihihi!!

"Ano 'yan?" Biglang tanong ni sir Ethan Gloomy.

"Ah ito? Nakuha ko kanina sa locker ko. Hindi ko nga alam kung sinong nagbigay nito. Pero, salamat sa kanya." Sagot ko.

"Open it. I wanna see what's inside."

"Okay."

Binuksan ko nga ang envelope at binasa ang sulat. Syempre, ako muna makakabasa. Ako 'yung nakakuha eh. Hmm... This handwriting is familiar to me. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita.

'I know where you are Cherub. At aabangan kita sa labas ng school mo.'

'You know who's this, right? My love?'

After I read it, nagtaka ako ng sobra. I mean, sino ba ito? Stalker ko? Hahaha. Famous ko naman ata kung gan'on.

Inside the envelope, may mga pictures. I took it and also looked at it. Pictures ko na nasa locker ako, sa room, sa cr, at pati sa gym. And a picture of RADSON? So kung sya nga 'yung may-ari ng envelope na ito, it means na nahanap nya ako. OH NO!! THIS CAN'T BE!! With this thought in mind, I panicked inside. Lahat ng internal organs ko ay under code red. I'm in danger here. And I can't risk getting caught right now!

"You okay?" Tanong ulit ni sir Ethan Gloomy dahilan para bumalik ako sa reality.

"Ahh...." I thought of a lie. No one must know. "I'm okay! Everything is okay." I said with smile.

"You sure? Seems not to me."

"I'm fine." I assured him. "Really. And thank you sa concern."

"May I read the letter?"

"NO!" Napasigaw ako bigla sa gulat. Paano ba naman kasi, kinakabahan na ako. Radson know where I am! At naku, patay na talaga ako sa ex ko! "I–i–i mean, no. You can't read it kasi, nonsense lang ang mababasa mo."

"Okay, okay. No need to shout!" Naiinis nyang sambit.

"Sorry. Na carried away lang ako." Lumabas ako ng room pero hindi na ako lumayo. Mahirap na. Baka kidnapin pa ako ni Radson tapos itapon ako sa ilalim ng dagat. Ayoko pang mamatay!! And this is a serious threat! Kinuha ko ang phone ko at kahit na nanghihina na ako sa takot, chinat ko si Keilah.

Me: CODE RED!! I REPEAT, CODE RED!!!

Keilah: Code red? Bakit?

Me: N–NALAMAN NA NYA!!!

Keilah: Nino? At bakit naka-caps lock lahat ng messages mo? Sumisigaw ka ba?

This is hopeless, paano nya nakalimutan ang meaning ng code red?

Keilah: ANO?!! NALAMAN NA NYA? 😱

Me: He gave me a letter. It has my pictures in it. Parang paparazzi ang nag-take n'on.

Keilah: Paano 'yan? You can't go outside that school kung nadoon sya.

Me: I DONT KNOW WHAT TO DO!! I'M FREAKING INSIDE AND OUT!!

As I type that, my breathing is in sync with my heartbeat. I tried to calm myself pero, wa epek! Tumakbo ako papasok ng room at naupo. Para na talaga akong baliw dito.

"Cherub? Are you okay? Why are you sweating so bad?" Tanong ng katabi ko.

"Oo nga, anyare? Hinabol ka ba ng aso?" Sabat ni Caelum.

"I–i'm fine." I whispered. "I–i–i'm fine." Nauutal na ako sa sobrang takot. I feel so pale and weak. I wanted to pass out. Pero I can't.

"He must be having anxiety attack. We need to do something!" Utos ni Ethan.

I looked at them and forced myself to smile. They can't know why I'm getting like this. And I need to find a way to avoid getting caught and hurt. Kung maging tanim nalang kaya ako? Pshh! Hindi naman mangyayari 'yun! So how can I avoid him? I don't wanna happen the same thing that happened to me last quarter. I can't risk it all!

"Cherub, gusto mo bang dalhin ka namin sa clinic?" Tanong ulit ni Ethan.

Hindi na ako nakasagot dahil nasa state of lockdown ang utak ko. I'm speechless. I can't say anything nor do anything.

Ting!!

I adverted my attention to my phone na katutunog palang.

Keilah: Meet me before uwian. Nagpaalam na ako kay ma'am Alya na maaga ka'ng uuwi. Isasama ko na rin sila Edwin at Cale.

Tumingin ako sa oras after. It's pass 4 o'clock. Malapit na kaming mag-uwian.

Keilah: Nandito nga si Radson sa main gate ng school nyo.

Oh fudge!! How can I avoid this stuff?

Keilah: Dumaan ka sa east side ng school nyo. May exit doon. Doon tayo magkita. Magpasama kahit kanino dyan sa room nyo. You need to get out of there. Masyadong marami ang kasama ni Radson.

With that message, mas lalo akong kinabahan. Like, I'm going to explode in a mere second. Hindi ko na kaya. I'm losing air. I can't breathe!! Patuloy ako sa pagkuha ng hangin habang pinapakalma ang sarili ko.

Keilah: Cherub, pumasok na sila d'yan! You need to move, NOW!

Kahit nanghihina na ako sa takot, pinilit ko pa ring tumayo at pilit na binuhat ang bag ko.

"Saan ka pupunta? At bakit dala mo ang bag mo?" Tanong no Ethan.

"I'm going home." Mahinang sambit ko. Hindi ko na talaga kaya. Tears started to form from my eyes at mas lalo pa akong pinagpawisan.

Keilah: Cherub, don't move. Stay where you are. Kami na pupunta d'yan sa inyo.

Patuloy ang pag-update sa akin ni Keilah. We do this once one of us declared code red.

Keilah: CHERUB!! NANDYAN SYA MALAPIT SA ROOM NYO! MAGTAGO KA!

Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa sinabi nya. I need to do this.

"U–uh, Ethan? Caelum and Matt? C–can I a–ask a favor?" Mautal-utal na tanong ko."

"Anything." Sagot ng tatlo.

"Can you escort me papunta sa clinic? I really need a pain-reliever."

"Sure!" Sagot ni Caelum.

"Why not?" Sagot naman ni Matt.

"Come now, bago ka pa mahuli." Sagot ni Ethan. Hindi ko masyadong naiintidihan yung sinabi nya pero I need to go now.

Me: Keilah, aalis na kami ng room. Meet me at the clinic malapit sa faculty room.

Keilah: Okay. Pero kasama mo ba si Ethan?

Me: Kasama ko boyfriend mo ngayon kaya no worries. 😁

Keilah: Nakuha mo pa talagang magbiro. O sya, magmamasid muna kami sa room nyo.

"Halika na. I really need to go now." Paalam ko sa kanilang tatlo.

Tumayo sila at sinamahan ako palabas ng room. Nasa tabi ko si Caelum at Matt dahil matangkad sila ng kaunti. Habang nasa likod ko si Ethan. Nakahawak sa balikat ko. We passed the entrance door of our room. From my position, dinig na dinig ko ang boses ni Radson dahilan para mas kabahan pa ako. He's here! Binilisan ko ang paglalakad ko dahilan para gawin din ng tatlo ang ginawa ko.

Mr. Bubbly Meets Mr. GloomyWhere stories live. Discover now