Chapter 6

19 2 0
                                    

Cherub's POV

Until now, I still wonder kung anong pinag-usapan nila ni Keilah. Maybe dahil palagi kong kausap si Keilah. Baka tungkol sa panliligaw ni Ethan sa kanya. Hmm.. machat nga sya. Kinuha ko ang phone ko and video chat her.

"Hi girl? Musta lakad nyo ni sir Ethan Gloomy?" Masiglang bati ko sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?! Baliw."

"Yiee!! Gusto nya si Ethan!" Panunukso ko. Malungkot ako ng slight dahil magkasama si sir Gloomy at si Keilah kahapon. And I may have a little crush on him. Little lang naman.

"Teka Cherub–" pag-iiba nya ng usapan. "Uuwi ba dyan si Kevin?"

"Uh huh. Sinabihan nya ako nung isang araw. Ayaw na nya daw doon sa lugar nila. Anlamig daw doon." Natatawang sagot ko habang inaalala ang mukha ni Kevin sa video call. His nose and cheeks are red.

"Kung ako kay Kevin, gugustuhin kong tumira doon." Paalam ni Keilah.

"Ahahahah! Gusto mo lang makanahap ng afam doon. 'Di ba may Ethan kana?"

"Uyy! Selos ka?" Biglang panunukso nya. "Uuuuuyy! Si Cherub nagseselos. Nagseselos si Cherub."

"Pakanta kanta ka pa dyan. Sana mahulog ka kung saan ka man nakaupo ngayon. Sa ngalan ng tanim na binigay ko sayo."

Sabay kaming tumawa na parang baliw. Wala naman teachers ngayon since busy sila sa upcoming intrams. Wala rin si Ethan so okay lang na banggitin ko name nya. Whahahaha! I'm so going to ship them.

A bit later, like later later ay dumating na sila Ethan. Naupo sila Matt at Caelum sa upuan nila habang tumayo si Ethan sa harap.

"Everyone! May I have your attention?" Tanong nya dahilan para magkaroon ng interes ang mga tao sa kanya. "So alam nyo naman siguro kung bakit ako nasa harap?"

"What is it pres? Just spill the freaking beans already!" Tamad na reklamo ni Jessica.

"From here onwards, we will treat Mr. Sanford as a family." He said and looked at me. HE LOOKED AT ME!! KYYAAA!!!

I can feel myself blushing. He looked at me as I looked at him with smile. Masyado syang gwapo para sa akin. At isa pa, him and Keilah are 'dating'. So why obstruct when we can help? Ngehehehehe! But not now! Soon. As he continues talking in the front, nakatingin ang lahat sa akin. Paano ba naman kasi, Cherub this and Cherub that si sir Gloomy. Hayst! Ayokong mapatay ng mga titig nila. Their glares are deadly.

Tumayo ako at naglakad palabas ng room. But before I step outside, natigilan ako sa tanong ni sir Gloomy. "Saan ka pupunta mister?"

Lumingon ako bago sya sagutin. "I'm going to the Cr." To survive sa mga nakakamatay na tingin nila. "I think, I'm gonna get going. Byiee!"

Tumakbo agad ako papunta sa cr para maka-iwas sa mga titig nila. Promise. Kung kayo sa position ko, araw-araw kayong pagpapaalam na magsi-cr ka dahil sa talim ng titig nila. Kaya nga hindi ako lumilingon sa direksyon nila.

Dumiretso ako sa sink at tinignan ang sarili ko sa salamin sa harap nito. I looked weird. I'm so flushed!! Haysst! While looking at the mirror, naalala ko bigla yung nangyari kanina. Parang may something sa sinabi nya. Mas lalo pa akong namuha dahilan para kausapin ko ang sarili ko.

"Hoy ikaw Cherub Clayton Sanford, 'wag ka ngang kililigin d'yan! Itong batang 'to. Anlandi mo gurl! Mas tuwid pa 'yon sa kawayan kaya 'wag ka'ng umasa!" Hayyst! Itong batang 'to, ang kulit! Hehehe! Ako pala 'tong batang 'to.

Dumiretso ako sa locker ko after kong maalis ang pula sa pisngi ko. Once I opened my locker, may nakita akong isang papel. Kanino naman ito galing? Secret admirer? Or stalker? Erase the idea na may stalker ka! Nakakapangilabot!

Mr. Bubbly Meets Mr. GloomyWhere stories live. Discover now