Chapter 1

31 6 1
                                    

Ethan's POV

I woke up without having a nightmare. Weird. Tumayo ako at pinuntahan ang black rose na nakuha ko from that shop. Hmm.... Kinuha ko ang sprayer sa tabi nito at inispreyan ito. Binililad ko ito after. Lumabas na ako at naghanda para pumasok.

•|meanwhile|•

Nakarating na ako sa school at kasalukuyan akong naka-upo katabi ang mga barkada ko. I told them about the rose I got from the flower shop yesterday and how I got it.

"So you're telling us that this boy gave you the black rose?" Tanong ni Caelum. "Bro, baka may hidden camera 'yan!" Dagdag pa nya.

"Hindi naman istupido itong si Ethan para hindi nya mapansin kung may hidden camera nga yung rose na iyon. At sinong baliw ang maglalagay ng hidden cam sa ganung kaliit na tanim ha??" Sabat naman ni Matt.

"Ito talagang si doormat, ang kj!" Reklamo ni Caelum.

"Hoy ma-caleum ang kamay, okay na kj kesa walang logic!"

At dahil sa sinabi ni Matt sa kanya, nagbangayan sila. Walang araw, oras, minuto, o kahit sigundo na hindi sila nagbangayan. Kung hindi lang siguro straight ang mga ito, baka nagkatuluyan na sila. Haha. Patuloy pa rin sila sa pagbabangayan habang tahimik akong na-upo sa tabi ni Matt.

Sa aming tatlo, ako ang pinakatahimik. Si Matt naman ang "philosopher type" and logic minded. Habang si Caelum, puro kalokohan ang nasa isip.

Natigil lang sila nang pumasok ang adviser namin. Si ma'am Alya. It's our second quarter kaya nag-ready ako para sa lessons namin ngayon. Not as smart as Matt pero, I can keep up with him.

"Okay class, bago magsimula ang second quarter, I want to announce na may bago kayong classmate." Anunsyo ni ma'am.

"Hala, babae ba yan? Sana oo."

"Haysst! Baka babae nga. May kaagaw na naman ako kay Caelum my'loves."

"Hay naku, bahala na! Andami na namin rito oh!"

Natawa ako sa second comment. Meron palang admirer si Caelum. Nice!! Pero syempre, sa isip lang ako natawa.

"Okay all of you, shut up! He should be here in–" sambit ni ma'am. "Three, two, one–"

Sakto pagdating nya sa one, may lalakeng sumulpot mula sa pinto. Hingal na hingal. Galing ba ito sa bundok? Nagkaroon ng samu't saring reklamo sa loob dahil doon.

"Cherub, anong nangyari sa iyo?" Tanong ni ma'am ng may bakas ng pag-aalala.

"Ma'am, nadukot wallet ko, then hinabol ng aso, then ng isang gang sa kanto. " Nakangiting paliwanag nya. Saklap. So unlucky. Hmmm... I heard that voice somewhere. But where?

"May pera ka pa ba dyan?" Tanong ulit ni ma'am.

"Don't worry ma'am, piso lang laman ng wallet na iyon."

"Eh kamusta yung gang? Yung aso? Ano ba kasing ginawa mo?? May atraso ka ba sa kanila??"

"Meron–" sagot nya. "Pero, matagal na panahon na iyon. And don't worry too much ma'am Alya, okay lang ako. Okay na okay."

Ma'am turned around to face us and pinakilala na sya ang bagong classmate namin. Urgh! Buti naman. Masyado ng maraming babae rito.

"Hi everyone!!" Masiglang bati nya sa amin. "I'm Cherub Sanford. 15 years old. We own a flower shop near our house." Boom!! Sya nga iyon. Sya nga yung lalake na nagbigay ng black rose sa akin na walang bayad. Sinundan nya ba ako rito?

Bumalik ako sa reality nang magsalita si Caelum. "Bro, pustahan tayo bente-bente. Hindi yan tatagal rito."

"Sige ba! Fourty sa akin." Hamon ni Matt.

"Sixty bro." Pusta ni Caelum. "Eh ikaw bro?" Tanong nya sa akin.

"A hundred."

Binalik ko ang attention ko sa bago naming kaklase na tango lang ng tango habang kinakausap ni ma'am. Ngumiti sya at lumapit sa amin. Naupo sya sa isang bakanteng upuan sa tabi ko. Ma'am instructed me to let him borrow my books since next week pa daw sya magkakaroon. Nakangiti lang sya pero hindi magawang lumingon sa gawi namin.

Cherub's POV

Tsk! Wala na ba silang ibang kayang gawin? Pati sa gc namin, kahit ano-anong sinasabi sa akin. Kesyo, malandi daw ako. Lalandiin ko lang daw mga katabi ko, hindi daw ako rito bagay, walang may gusto na nandito ako. Eh teka, ako rin naman ah! Hindi ko ginusto na mapunta ako sa section na ito. Ni hindi ko talaga ginusto na lumipat ng school. Pero, napilitan ako. Ni hindi pa nga alam ni mama na lumipat ako ng school. Kung alam nyo lang kung gaano kahirap mag-adjust sa situation ko ngayon. Hay naku!

Simula pa lang ng lesson e minamata na ako ng mga babae rito. Wala pa naman akong books so nakikihiram ako sa katabi ko. Sya rin yung lalakeng binigyan ko ng black rose. Binigay ko sa kanya so Damien para maalagaan sya at bantayan. His work for me is done.

Dumating ang fourth and last teacher namin before lunch period. He is our science teacher at masyado akong maraming stock knowledge pagdating sa subject na ito. Kahit pa hindi ako pinahiram ni Ethan ng libro, nakakasagot ako. I can keep up with Matt too. Bwinisit kasi ako ng guro kaya pinatulan ko. Hahahah! Joke lang yun syempre.

"Okay Mr. Sanford, what is Boyle's law?" Tanong ni sir.

Tumaas ng kamay si Matt pero sinabihan sya na ako daw ang sumagot. Hmp! Ako talaga sir hinahamon mo? Hehehe.. antapang ko dyan ah!!

"Sir, Boyle's law refers to the inverse proportionality of a gas' volume and pressure at constant temperature. Here is its description by Robert Boyle; the volume of gas is inversely proportional to its pressure at constant temperature." Paliwanag ko.

Bwhahahahaha!!!! Ngayon nganga ka sir! Jokie!! Naupo ako habang natahimik ang lahat sa sinabi ko.

"That's a very, very good answer Mr. Sanford. And I guess meron ka ng idea sa lesson natin." Compliment ni sir. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. But, I didn't look at the rest of the students kasi, baka mapatay nila ako sa mga tingin nila. Hahaha. Marami pa akong pangarap 'no!! Hindi kasama doon ang pagkakaroon ng boyfriend! Haha! Char!! 

Nagpatuloy si sir sa pagl-lesson habang nakikinig ako sa kanya. Well, I can't keep my mouth shut so, I just mumble his words. Hehehe...

"Hey, you!" Napalingon ako bigla sa tabi ko. Hala, si Matt! Papatayin ata ako nito. "Paano mo nasagot yun? Like that's very good of you."

"Some secrets are meant to be kept, sir Matt Chriswort sir." Paliwanag ko kay Matt in dopey of Harry Potter tone. Hahahah... Gayang-gaya ko yan. Natawa lang ang katabi nya sa inasal ko. Ganyan. Spread some happiness. But really, some secrets are meant to be kept. Isang sekreto kung paano ko nasagot iyon. Whahaha!!

Natapos na ang lesson namin at umalis na silang lahat. They left me dahilan para malungkot ako at maging masaya at the same time. Paano ba naman kasi, walang nag-aya sa akin na pumunta sa cafeteria. At kahit naman kasi pumunta ako doon, mamatahin lang nila ako. It made me happy kasi, solo ko ang place. Which is cool. Walang mangmamata, walang judgements, walang kahit na ano.

"Hmm... Kaya natin ito, Cherub. Laban lang! Magiging masaya din tayo dito. Mga tao lang yan! Malamang they'll judge you for who you are. Pero no matter what happen, maging totoo ka lang sa sarili mo at sa tao. Magiging okay din ang lahat." Paalala ko sa sarili ko. I let a heavy sigh and started eating my lunch.

Natapos na akong kumain at sakto naman ang pagtunog ng gc ko.

"Everyone!! Proceed na daw sa gym. PE natin ngayon."

Since wala namang tao, hinubad ko ang suot kong uniform at sinuot ang PE uniform namin. This day is going to be FUN!! Lumabas na ako ng room at sinarahan ito.

(A/N: Thoughts n'yo kay Cherub?)

Please vote and leave a comment!

Peace out!

Mr. Bubbly Meets Mr. GloomyWhere stories live. Discover now