"Iiwan mo' ko?! San ka pupunta?" nagpa-panic na tanong niya. Hindi siya sanay sa mga mataong lugar.


"Diyan lang ako sa tabi-tabi. Galingan mo. Nakasalalay ang love life mo dito."


Kaya no choice siya kung hindi gawin ang test na iyon ni Dylan. She stared at the man she was going to coax. Tila naramdaman naman nito na may tumitingin sa kanya kaya napalingon siya miski ang mga kasama nito na nakaupo sa table nito. Hinagod siya ng mga ito ng tingin, she could see that they were attracted to her, lalo na ang lalaking tinitigan niya, pero ni isa sa mga ito walang nag-atubiling lapitan siya. Failed.


Wala pa rin epekto ang mga naituro sa kanya ni Dylan. Somehow, she was happy dahil ibig sabihin n'on ay hindi pa tapos ang pagiging coach sa kanya ni Dylan. Agad hinanap ng mga mata niya si Dylan, pero nginatngat siya ng selos nang makita itong nakikipagsayaw sa isang babaeng hitad. Naningkit ang mga mata niya, diretso siyang nakatingin at naglakad papunta sa mga ito, pero may humarang sa kanyang lalaki na pasuray-suray. Lasing.


"Hey sexy, wanna hang out with me tonight?" Tapos hinagod siya nito ng tingin. Malagkit ang mga tinging ibinigay ng lalaki sa kanya. Pagkatapos bigla na lang siya nitong hinapit at hinawakan ang pwetan niya! Bigla niya itong sinampal. Wala pang nakakahawak sa pang-upo niya—kahit si Dylan hindi pa ito nahahawakan. Tila nagalit ang lalaki at hinawakan siya nito sa braso at pinaghahalikan sa leeg, still cupping her behind. Doon na siya napatili.


"Dylan!"


Agad namang narinig ni Dylan ang sigaw ni Mitch at agad niya itong pinuntahan, leaving the girl sa dance floor. Tinulak niya nang malakas ang lalaking nananamantala kay Mitch. Hinapit niya sa bewang ang babae at niyakap, as if he were protecting her. Sakto ang pagdating ng mga bouncers at pinalabas ang lalaking lasing. Nararamdaman ni Dylan ang panginginig ni Mitch. She must have been scared a lot.


"Let's get out of here."


Agad na sumang-ayon si Mitch kay Dylan. Tahimik lang silang dalawa sa kotse. Hindi alam ni Mitch kung saan sila pupunta. Medyo nanginginig pa rin siya sa nangyari. She was scared, and thank God Dylan immediately rescued her.


"Are you okay?" Naramdaman ni Mitch ang paghaplos ni Dylan sa pisngi niya. Tumango na lang siya bilang tugon.


Dylan was also scared for Mitch. Siya ang may kasalanan kung bakit napahamak ang babae. He would have killed that man for doing that to Mitch. Hindi niya alam ang nararamdaman sa babae. Matagal na niyang napapansin ito—college pa lang, pero he restrained himself, tapos dumagdag pa ang pagrereto sa kanila ng lola niya. All he knew right now was that he just wanted to help and protect Mitch as much as he could.


"Saan tayo pupunta?" tanong ni Mitch.



"Sa pad ko. You're still shaking, I am sorry. It's all my fault. Hindi pa rin pala tayo kumakain pero pinainom na kita. Ipagluluto kita ng specialty ko."


Hindi na kumibo pa si Mitch. She was happy that Dylan was with her. Hindi na siya mag-iisip pa ng kung ano. Tsaka na. Ayaw niya magulo pa ang isip niya.


Nang makarating sila sa pad ni Dylan, pinaupo muna siya nito sa couch at pinanood ng TV habang nagsimula na magluto si Dylan.


Pero hindi siya mapakali. Kaya sinundan niya si Dylan sa kusina at sakto naman na naghahain na ito.


"Tatawagin pa lang sana kita e. Come," aya nito sa kanya. Nagulat siya dahil hindi niya akalain na marunong magluto si Dylan.


"Sana tinawag mo ko para natulungan kita."


"Nah. Bisita kita, kaya dapat pinagsisilbihan kita."


"Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto ah!" Tapos sumubo ng carbonara na iniluto nito.


"Oo naman. Bakit? Nakakabawas ba sa macho image ko?" biro nito.


"Hindi naman. Masarap ah!"


"Well, tinuruan kasi ako nila Mommy at Lola. Kaya ayan."


Tuloy-tuloy lang pagsubo ni Mitch ng carbonara. The creamy sauce was very delicious. Tamang-tama ang pagkatimpla nun. Lalo na ang pasta, hindi overcooked or undercooked.


Nakatitig lang si Dylan sa masayang si Mitch. Mukha ngang nasarapan ito sa luto niya. Actually, ito ang kauna-unahang babaeng nakapasok sa pad niya. Masyado kasi siyang pribado at kung makikipagtalik naman siya sa ibang babae ay roon sila mismo sa pad o kaya ay bahay nung babae.


Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niya dinala rito si Mitch. And besides his mother and grandmother, ito lang din ang babae na naipagluto niya. Kahit mga pinsan o kapatid niyang babae ay hindi niya ipinagluto. What was happening to him?


Tapos ngayon, he could feel his 'buddy' waking up. Paano ba naman, parang slow motion ang ginagawang pagsubo ni Mitch ng carbonara. She sipped the pasta upward, and she licked the sauce covered around her mouth in a very seductive way. Napalunok siya sa mga nakikita. Kung para kay Mitch ay normal lang ang pag-kaing ginagawa niya, well, damn! Para sa kanya ay hindi!


"Mitch..." he said.


"Hmm?" Nag-angat naman ng tingin si Mitch. Dylan smiled at Mitch's reaction. Ngumunguya pa ito at may sauce sa gilid ng labi. Tumayo siya at umuklo kay Mitch.


"Para kang baby..." sabi niya, and then he gently wiped the white sauce at the side of her lips.


Uminom naman si Mitch ng tubig. Nagulat siya nang bigla na lamang umuklo at pinahid pa ni Dylan ang sauce sa bibig niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba. Kaba nga ba? O excitement?


"T-thanks," she said.


"I don't accept simple 'thank you's." Then in asecond, Dylan kissed Mitch hungrily.

My Seductive Boss [Fin]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora