Tanging sina Howl, Rosh at ang Earth Dragon Wizard na lang ang nag-uusap o gumagawa ng ekspresyon. Both Caleb and Tavion were standing coldly on their position. Kung kanina'y nagagawa pang humakbang ni Caleb ngayon ay pinanatili niya ang distansya namin sa isa't isa.

We're both afraid.

Habang nasa ere ako'y pinili ko rin salubungin ang mga mata ni Iris. Her golden eyes were already staring at me. Alam kong sa mga oras na iyon ay ang tangi lang naming nais gawin ay makapiling ang mga mahal namin, but we're already in the situation like those powerful women—Rosh's mother, the goddess, Queen Leticia, or even Caleb's mother.

How could we be so selfish if these powerful women chose to leave their happiness to save thousands of lives? Gayong kaming dalawa rin ni Iris ay binigyan ng kakaibang mga kapangyarihan?

Huminga ako nang malalim at pinili ko nang lumapag sa lupa. I chose to hide my wings as I tried to drew the hidden lantern from my hand, alam kong nasa akin na ang atensyon ng lahat ngunit ang mga mata ko ay naroon sa prinsepeng nakatitig sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya habang marahan ang bawat mga hakbang ko patungo sa kanya. Caleb didn't even blink as his eyes started to water, his hands started to tremble as he realized what my decision was, and his head was slowly shaking.

"N-No. . ." usal niya kasabay nang tumakas na luha mula sa kanyang mga mata.

"I will return this lantern, Caleb. Your father gave me this," I bit my lower lip when my eyes started to get blurry because of my tears. Ramdam ko ang pangangatal ng labi ko, ang hapdi ng lalamunan ko sa pagpipigil sa pag-iyak at sa unti-unting pagkirot ng dibdib ko.

"D-Don't make me do what my father did, Anna. . ." tinitigan niya lang ako at hindi niya tinatanggap ang lamparang hawak ko.

"You will never do it, Caleb. Maraming higit na maapektuhan. Your world, my world. . . those creatures who sacrificed. We can't be selfish," nahihirapang paliwanag ko.

"Anna, I will do it," matigas na sabi ni Iris.

"Iris!" malakas na tawag sa kanya ni Tavion.

Umiling ako kay Iris. "You have the most powerful map, Iris. Ikaw lang ang may kakayahang makabasa ng mapang iyan. You're the only one in this world. Habang ako, maraming Attero sa mundong ito. My non-existence is—"

"Is what? How about me?" napalingon akong muli kay Caleb.

Lumambot ang mga mata ko sa kanya. "I am supposed to be the sacrifice in the very first place, Caleb. Nang sandaling dumating ka sa mundong ito'y nakatakda na akong isakrispyo. This is the very reason why you came here, you stopped them from sacrificing me to the wrong means, dito ako nararapat. Inside this ruin."

Umiiling lang sa harapan ko si Caleb na parang wala siyang nais pang marinig na eksplenasyon mula sa akin.

"Anna, my map shouldn't be used. It should be kept and protected gaya ng naunang puting lobo. The map with me, inside this ruin might—" hindi na pinatapos ni Rosh ang sasabihin ni Iris.

"Can't you stop this argument, Anna, Iris? Sa tingin ninyo ba ay kahit pumayag kayong dalawa ay susunod sa inyo sina Tavion at Caleb? One of them will definitely snatch you away— sa kahit anong paraan. And I will not stop any of them from doing it."

"How about the efforts of your parents?!" sagot ko sa kanya.

He shrugged his shoulders. "That means we failed them. This situation will soon reach Nemetio Spiran, let Dastan have his hard time, and my brother Tobias as well."

Umawang ang bibig ko sa narinig mula kay Rosh. At nagkakatitigan lang kami saglit ni Iris. Kung maaari lang na ganoon ang desisyon namin dalawa ni Iris. But this is not just all about those kings from the other world. Dahil kami pa rin ni Iris ang siyang masusunod sa malaking desisyon na ito.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Där berättelser lever. Upptäck nu